XXII - Ang Pagtutuos

573 45 0
                                    

Samantala sa bakuran...

Nagulat si Isagani nung biglang sumulpot ang nobya.

Wala naman kasi silang usapan na magkikita sila nito ngayon.

At ang palaging routine nila---

Sya ang pupunta sa bahay nito. Sya ang dadayo at tatambay, hindi ito.

Kaya ayun, nagtaka talaga sya. Kunot ang noong napatingin sya dito.

Yung tinging nagtatanong ng---

"Bakit ka naparito? Anong sadya mo? At sino naman yang kasama mo?!"

Hindi nya kasi kakilala ang kasama nitong babaeng naka-shades pa ng itim.

At base sa pag-aanalisa nya, halos kaedaran lang din ito ng dalawang pinsan nya.

So ayun, dun sa babaeng estrangherang iyon napako ang atensyon nya.

Pero bago pa sya makapiyok ay naunahan na sya ni Jasmine.

"Gani mamaya na okay? Mas importante yung sadya namin ni Esme." Sabi nito.

Lalong nadagdagan ang gitla sa noo nya.

"Nasa panganib po ang buong pamilya ni Mang Fredo. Wala na po tayong oras. Tara na." Biglang sabi ni Esmeralda.

Gusto na sana nyang pasukin ang loob ng bahay pero nagdadalang-hiya naman sya.

Outsider kasi sya..At pag nagpumilit sya eh baka makasuhan pa sya ng tresspassing ng may-ari niyon.

Mabuti sana kung walang pagdududa si Isagani. Kaso, base sa itsura at mga reaksyon nito---

Labag sa loob nitong papasukin sya sa loob ng bahay.

"Pinagsasasabi mo?!" Kunot-noong tanong naman ni Isagani kay Esme.

At ayun, nagpatiuna pa syang pumasok sa loob.

Sumunod naman yung dalawa sa kanya.

Sa sala, dun sila huminto.

"Yan ba ang nasa panganib?" Tanong nya habang nakatingin kila Violy, Jomar at Carol na magkakatabi ngayong nakaupo sa mahabang sofa.

Kung titingnan kasi ang mga ito, parang nanonood lang talaga ang mga ito ng tv.

Pero hindi sa kakaibang mga mata ni Esme.

"Hindi na sila yan. Maniwala ka Kuya Isagani." Sabi nya.

Pero umiling ang lalake. Patunay lang na hindi pa rin ito naniniwala sa mga sinasabi nya.

"Manood ka." Sabi nya sabay lapit sa mag-iina.

Maya-maya'y itinulak na nya ng mahina si Violy.

Sumunod ay si Jomar.

Inuga naman nya ang balikat ni Carol.

Pero walang naging reaksyon yung tatlo. Nakatulala pa rin ang mga ito.

"See? Wala sila sa kanilang mga sarili kuya. Dahil ang totoo, wala po sa katawang-lupa nila ang kanilang mga kaluluwa." Paliwanag nya.

Dahil sa kalituhan ay napalingon na lang si Isagani kay Jasmine.

"Maniwala ka na kase. Hindi sya ordinaryong tao Gani. May kakayahan sya na wala tayo." Sabi nito.

Nang biglang---

"Mga hayup kayoooooooo..." Sigaw na nagmumula sa second floor ng bahay.

Nagkatinginan silang tatlo.

At yung mag-iina?

Dedma pa rin. Parang wala ngang narinig. At ayun, tulala pa rin ang mga ito.

Agad namang kumilos si Esmeralda.

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon