XXXVIII - Ang Hustisya

641 46 0
                                        

"Wag kang mag-alala Rolly hahanap tayo ng matibay na ebidensya na magdidiin kay Lyndon. Sa kotse ni Oscar--- Ang cellphone nya naroon pa rin sa ilalim ng upuan. Kailangan natin iyong makuha Rolly. Malakas ang kutob kong may makukuha tayo don." Sabi ni Fredo.

"Eh nasaan ba ang kotse ni Oscar? Ngayon na natin tingnan." Tanong at suhestiyon ni Violy.

"W-wala dito. Nasa---" Biting sambit naman ni Rolly.

Nqg-aatubili pa rin kasi sya.

Oo gusto naman nyang makipag-cooperate para mabigyan nga ng justice si Oscar. Pero natatakot naman sya.

Hindi lang para sa sariling intensyon kundi ayaw nyang madamay ang kanyang pamilya.

Nananahimik ang mga iyon at walang kaalam-alam sa pinasok nyang gulo.

Maya-maya ay napabuntong-hininga na sya. Sabay bulong ng---

"Haaaaay... Bahala na nga..."

Sabay buntong-hininga ulet.

"Rolly?" Sambit ni Violy.

"Nasa dumpsite." Sagot nya.

Napangiti naman si Fredo sa pagsagot na iyon ng kaibigan.

Isa lang kasi ang ibig non sabihin---

.

.

.

Makikipagtulungan na ito sa kanila.

At nagplano nga silang tatlo ng maigi kung anong mga aksyon ang nararapat nilang gawin.

Kung saan ba sila mag-uumpisa?

Kung paano sasabihin sa pamilya ni Oscar ang lahat-lahat?

Kung paano makukuha ang cellphone...

Ang pagsampa ng kaso kay Lyndon...

Etecetera...

Etcetera...

Matapos ang kanilang usapan ay naisipan na rin nilang bumalik sa loob.

Baka daw kase hinahanap na sila ng mga kainuman nila at magtaka na kung bakit ang tagal nilang nawala.

Si Violy naman ay nagpaiwan na.

Sa kotse na lamang daw sya at ipagpapatuloy ang naudlot na pahinga.

Pagdating nila Fredo at Rolly sa loob, sa lamesang inookupa nila ay nagpatay-malisya na sila.

Nagpanggap silang walang alam sa harapan ni Lyndon. Dedma kumbaga.

Maging sa iba nilang kaibigan ay naka-zip ang bibig nila.

For now isesekreto na muna nila ang kanilang mga nalalaman, ang mga napag-usapan.

Pero sasabihin din naman nila iyon sa mga ito. Hindi pa nga lang ngayon sapagkat nasa paligid lang ang walang hiyang salarin.

Pati ang pamilya ni Oscar ay sasabihan din nila. Dahil bukod sa lahat, ang mga ito talaga ang nangangailangan ng hustisya.

Sila ang namatayan, kaya sila ang nararapat na magdemanda.

At dahil nakakuha na ng kakampi si Rolly sa katauhan ni Fredo, medyo kumalma na sya ngayon.

Kung kanina ay aligaga sya at halos hindi na mapakali sa kinauupuan, umokey na rin sya sa wakas.

Ayun, nakakapagsalita na sya ngayon ng derecho...

Nakakausap na sya ng mga kaibigan ng matino...

Nakakasagot na rin sya sa kwentuhan ng grupo...

At si Lyndon?

ESMERALDA Book 4Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon