"Oo ma. Hindi na tayo aalis. Ayoko rin namang mapahamak. Ang babata pa ng mga anak naten..." Desisyon ni Fredo.
Actually kanina pa nya iyon napagdesisyunan. Nung tumaob pa lang yung kotse, natakot na talaga sya.
"Tito--- Hindi po ikaw ang taong iyon." Sabi ni Esmeralda.
Nagulat ang mag-asawa sa narinig.
"Huh?!" Sabay na sambit nila.
Sabay dugtong ng---
"Eh sino?!" With matching pagkunot pa ng noo.
"Si--- (Pause) Si Mang Oscar po." Sagot nya.
"Huh?! (Pause) H-how did you know?! Ahm--- I mean sure ka ba?! Si Oscar talaga yon?" Tanong ni Violy.
"Opo." Sagot nya sabay baling kay Fredo.
"Matangkad po sya diba? Singkit ang mga mata. Matangos pero medyo borga ang ilong. Malapad po ang noo nya. At may---" Biting pagde-deskripsyon nya sa lalaking nasa kanyang pangitain.
"Ano ka ba ma! Nakalimutan mo na ba ang kakayahan nya? Magaling yan diba?" Pambabara ni Fredo sa asawa.
Kung kanina ay halos hindi na sya mapakali sa kinauupuan, kasi nga buong akala nya ay sya yung taong nasa vision ni Esmeralda---
Ngayon kampante na sya. Eh kasi nga hindi pala sya yon.
"Ooops! Sorry. My mistake. So as you were saying?" Sambit ni Violy habang nakatingin kay Esme.
Maging ito ay naging kampante na rin nung mga oras na iyon.
"Yun nga po--- May tattoo po yung lalaki sa pangitain ko. Meron syang barb wire na marka palibot sa kanyang pulsuan." Sabi ni Esmeralda.
"Si Oscar nga..." Sabi ni Fredo habang patango-tango ang ulo.
Sa kanila kasing magkakaibigan, tanging si Oca lang ang may tattoo.
At hindi lang ito sa wrist may marka kundi maging sa loob ng katawan nito ay meron din, sa may dibdib.
"Opo. Sya nga po. (Pause) At iyon na yung ganti ng tadhana sa kanya--- Sa ginawa nya kay Aling Rica." Sabi ni Esme.
"Awts..." Ang nasambit ni Fredo.
Bigla syang nalungkot.
Affected pa rin naman kasi sya sa mangyayari kay Oscar although hindi sila ganun ka-close nito.
May pinagsamahan pa rin naman kasi sila. Naging mag-tropa din naman kahit papa'no.
At saka dun sya sa company ng family nito nag-start.
Dun sya nagsimulang maging responsableng tao. Yung tipong work muna bago ang pleasure.
At yun nga, sa kumpanyang iyon nya nakamit ang lahat ng pangarap nya sa buhay---
Sariling lupa...
Bahay...
Sasakyan...
At nakapag-invest din sya sa isang negosyong sila-sila mismong magkakaibigan ang nagtayo.
Isa sya sa may malaking shares don kaya mas may boses sya compare sa iba.
Pero dahil sa isang maling aksyong nagawa, lahat ng iyon ay naglahong parang bula.
At ayun, muling bumalik sa alaala nya ang mga pagsubok na naranasan nilang buong pamilya.
From rugs to riches and from riches to rugs ang nangyari sa kanila.
Pero ngayon, muli silang bumabangon mula sa pagkalugmok.
Muli na silang nakakaahon mula sa putik na kinasasadlakan nila noon.
BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
HorrorMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...