XIII - First Premonition

693 48 1
                                        

Alas onse ng umaga...

Nung umuwi si Esmeralda sa kanilang bahay ay nagulat ang kanyang ina.

"San ka ba nanggaling bata ka? Pinag-alala mo ko ng husto." Inis pero may halong pag-aalalang sabi ni Merla.

Palabas na sana sya para hanapin ang anak.

Pero nasa bungad pa lang sya ng pinto nung bigla itong sumulpot sa kanyang harapan.

"Sa labas po. Nakipaglaro po ako kila Aiza." Sagot naman ni Esmeralda.

"Aiza?! Sinong Aiza? At bakit ka lumabas? Diba sinabi ko na sa iyo na bawal? Ba't sinuway mo ako? Pa'no kung may nangyari sa'yong hindi maganda? Pa'no kung pagkaguluhan ka? Diyos ko! Alam mo namang kakaiba ang mga mata mo eh. Pero lumabas ka pa rin. At nakipaglaro ka pa talaga ha!" Mahabang sermon ng ina.

"Si Aiza po ay anak ni Aling Nancy, kapitbahay po naten. Dyan lang po sila nakatira o, sa tapat lang po, tatawid ka lang sa kabilang kalsada." Paliwanag nya.

Iminuwestra pa talaga nya kung saan sya banda nanggaling.

"Sa sunod po ninyong tanong--- Opo. Alam ko naman pong bawal. Pero nanay nalulungkot po kasi ako dito sa bahay eh. Wala ka pa po kanina kaya ayun lumabas po ako saglet. Isang oras lang naman po akong nawala eh." Sabi nya.

At bago makapiyok ang ina ay muli syang nagsalita.

"Bitin nga po nay eh. Kung hindi lang kakain ng tanghalian--- Gusto ko pa po sanang maglaro don." May panghihinayang na sambit nya.

Ayun, tumaas na ang isang kilay ni Merla sa mga tinuran ng anak pati sa pagiging atribida nito.

Nung tinangka nyang ibuka ang bibig, inunahan ulit sya nito.

"Sa next question nyo po--- (Pause) Wag na po kayong mag-alala kasi po hindi naman ako napa'no sa labasan. Wala pong nangyaring hindi maganda sa akin nay. Hindi rin po ako pinagkaguluhan." Sabi nito.

Ang bilis talaga nitong magsalita.

At ayun, bubuka pa lang yung bibig nya pero umarangkada na ulit ang bunganga nito.

"Pero nung una po natakot po sa akin si Aiza. Napaihi pa nga po sa salawal eh. Ahahaaaa... Ahahaaaa..." Sabi nito sabay tawa.

Bumungisngis talaga ito at hindi na maawat pa ang pagtawa.

Kaya ayun, napanganga na lang sya dito.

Umawang ang bibig nya habang nakatingin sya dito.

Pero in fairness nabilib sya sa anak.

Kase ang dami nyang sinabi kanina, ang haba pati---

Pero natandaan nito ang lahat ng iyon.

Kaya ayun, imbis magalit ay napangiti na lang sya.

At maya-maya lang ay natawa na rin sya.

Hindi dahil sa nakakatawa ang ikinuwento nito kundi---

Sa anak nya mismo sya natawa. Sa paraan ng pagtawa nito na animo mabubuang na.

"Eh sino ba namang hindi matatakot sa mga mata mo? Para ka kayang aswang. Hahaha..." Pagbibiro nya.

"Ay nay--- Yan po talaga mismo yung isinigaw ni Aiza kanina. Sabi po nya o--- Aaaaaahhh nanaaaaaaay may aswaaaaaaaaang... Hahaha... Hahahaaa..." Sabi ni Esmeralda sabay bungisngis ng tawa.

Talagang inulit pa nya sa ina kung paano natakot at nagtitili si Aiza kanina.

"Haha... Ano uulit ka pa? Sa susunod huhuliin ka na nila, sige ka. Tapos itatali ka nila sa kahoy at susunugin ng buhay. Ganun ginagawa sa mga aswang." Panakot ni Merla sa anak.

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon