XXIII - Balik-tanaw

647 46 1
                                        

Para lubos na malinawan ay lumapit na si Esmeralda kay Fredo.

"Gusto nyo po bang malaman kung ano yon?" Tanong nito sa lalake.

Atubili namang sumagot si Fredo.

Para sa kanya kase ay malinis ang kanyang konsensya.

Para sa kanya ay wala syang ginawang masama dito para paghigantihan sya nito.

Naiinis at nagagalit pa nga sya ngayon sapagkat dinamay pa nito ang walang muwang na mag-iina nya.

"Tumingin po kayo sa mga mata ko Mang Fredo--- At ipapakita ko po sa inyo ang lahat." Sabi ni Esme.

Hindi pa rin sya tumugon. Umiling lang sya dito ng ilang beses.

At ang ibig non sabihin---

Hindi sya pumapayag at hindi sya naniniwala sa pinagsasasabi nito.

At yun nga, ayaw nya sana itong sundin pero parang may humahatak naman sa kanya na ito'y tingnan sa mga mata.

At nararamdaman nyang parang may humihigop na rin sa kamalayan nya.

Maya-maya nga lang ay nagbukas-sara na ang mga talukap nya.

At ilang saglit pa'y tuluyan na iyong nagsara.

Hanggang sa isang eksena ang malinaw nya ngayong nakikita sa kanyang isipan---

Isang pangyayaring naganap dekada na ang nakakaraan.

Maging si Rica May ay nanahimik din ng mga oras na iyon.

Pati kasi ito ay isinali rin ni Esme sa pagbabalik-tanaw na gagawin nya.

..........

Flashback...

"Uy Fredo anu na? Nakapag-decide ka na ba?" Tanong ni Carlito.

"Haha... Ayan ka na naman pare--- Mangungulit ka naman eh. Sinabi ko na sa'yo nung nakaraan pa--- Sumagot na ko sa'yo diba? Out ako. Kayo na lang." Sagot ni Fredo.

Tungkol sa nalalapit nilang semestral break ang inuungot ng kaibigan.

Inaaya kasi syang sumama na magbakasyon sa probinsya ng isa sa mga tropa din nila.

Ayaw nya talaga sa ideyang iyon.

Hindi dahil malayo yung lugar na pupuntahan nila. Kase free naman na sya.

Bente-dos anyos na sya kaya papayagan na sya ng parents nya saan man nya naising magpunta o magbakasyon.

Hindi rin dahil mahal ang pamasahe. Kase libre naman ang transpo at lahat ng mga gagastusin nila sa bakasyong iyon.

Sagot iyon ni Oca, ang tropa nilang nagyaya sa bakasyong iyon.

Mayaman kasi ang pamilya nito. Marami silang pera kaya sunod ito sa lahat ng luho.

At ang dahilan kung bakit ayaw nyang sumama?

Hindi nya talaga gusto ang ugali ni Oscar.

Sa sobrang spoiled kasi nito ay may mga nagagawa na itong hindi maganda at labag na talaga sa kagandahang asal.

Kagaya nung nakaraan lang---

Isang freshmen ang pinagtripan nito.

Hindi talaga ito tumigil hangga't hindi nito napapaiyak yung pobreng binatilyo.

Gusto nga nyang umalma non kase naaawa na sya dun sa binubully nito.

Kaso inawat naman sya ni Lito.

ESMERALDA Book 4Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon