X - Ang Elemento

651 48 0
                                    

"Sa ngayon, tapos na silang maglaro nung batang elemento. Pero kapag gusto ulit nitong makipaglaro--- Asahan mo, muling lalagnatin ang anak mo." Sabi ni Greta kay Tibo.

"Hala! Delikado ba yon?" Nag-aalalang tanong ni Guada.

Para sa kanya, naiintindihan nyang laro lang ang habol nung batang elemento kay Mikay.

Ang tinatanong nya ngayon eh kung ayos lang ba iyon o hinde?

May dapat bang ikabahala si Tibo o wala naman?

"Sa ngayon, hindi pa. Pero kapag nawili ang batang elemento--- Hindi na nya pababalikin pa si Mikay sa inyo." Pagtatapat nya.

Kay Tibo sya nakatingin nung sabihin nya iyon.

Ayun, biglang dumagundong yung dibdib ng lalake sa narinig.

Ni sa hinagap, hindi nya naisip na mawawala ang anak ng ganun-ganun lang.

Ingat na ingat kasi nila ang bunsong si Mikay.

Mahal na mahal nila ito.

At saka malaki ang hirap ni Amy nung ipinanganak nya ang bata.

Nagbuwis-buhay pa ito kaya hinding-hindi sila makapapayag na dahil lang sa elementong iyon ay mawawala sa kanila si Mikay.

"Ehhh--- (Pause) A-anong nararapat naming gawin?" Tanong nya.

"Halina kayo. Puntahan natin yung lugar kung saan madalas maglaro ang bata." Sabi nya.

Hindi na nag-usisa pa yung dalawa, matapos kargahin ni Tibo ang anak ay umalis na rin sila ng bahay.

Bitbit ang kanilang mga flashlight ay tinahak nila ang daan palabas ng kasukalan.

..........

Maya-maya...

Derecho ang mga paa ni Greta sa puno ng aratiles na nakatayo sa likod-bahay.

At ayun, muling namangha si Tibo sa angking galing ng babae.

Ang totoo nyan, kanina pa sya nabibilib dito.

Una---

Nung malaman nito ang pangalan ni Mikay.

Pangalawa---

Nung mapagaling nito ang lagnat ng anak ng ganun kabilis.

As in minuto lang ay bumalik na sa normal ang temperatura ng bata.

Pangatlo---

Ang pangunguna nito sa paglalakad na animo alam na alam talaga nito ang tirahan nila gayung hindi pa naman ito nagagawi sa kanila ni minsan.

At ngayon---

Natukoy agad nito kung saan madalas tumambay at maglaro ang anak na si Mikay gayung wala naman syang nabanggit na lugar dito.

Grabe! Ang husay nya talaga. Nakakabilib ang angkin nyang galing...

Bulong nya sa isipan nya habang nakatingin sya sa babae.

Samantala...

Pagkatapos humugot ng isang malalim na paghinga ay pumikit na rin si Greta.

Nag-concentrate sya at tinawag sa isipan nya ang elementong nakikipaglaro kay Mikay.

Ilang saglit pa nga'y may komunikasyon na sila nito.

At hindi lang sila basta magkausap kundi---

Magkaharap pa sila ngayon.

At dahil ordinaryong tao lang sila Tibo at Guada, hindi nila nakikita ang batang elemento.

At ayun, nakatahimik lang silang dalawa...

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon