Baryo Tugana...
Gabi.
Ang eksaktong oras, alas onse y media. Trenta minutos na lang bago mag-alas dose ng hatinggabi.
Biglang nakaramdam ng kakaibang lamig ang mag-asawang Fredo at Violy.
Kasalukuyan silang nasa kwarto at ilang minuto pa lang ang nakakalipas nung sila ay mahiga sa kama.
Late na kasi silang nakapagsara dahil mayroong isang pamilya na dayo lang sa baryo nila ang nag-dine in sa kanilang mini resto.
Pasara na sana sila non. Pero bigla ngang sumulpot ang mga ito.
At dahil late na, pinauwi na nila si Caring at ang ibang helpers nila.
Tanging si Aiko lang ang nagpaiwan upang tumulong sa pagseserve sa pamilyang iyon.
Malapit lang kase ang bahay nila. Dalawang blocks lang mula kila Fredo.
At saka hindi pa naman daw sya inaantok kaya ayos lang kung male-late sya ng pag-out sa trabaho.
Samantala...
"Ang lamiiiiig..." Ang nasambit ni Violy sabay himas sa braso sabay akap sa katawan ng asawa.
"Oo nga. Para tuloy tayong naka-aircon. (Pause) Sara ko na kaya yung bintana?" Sabi ni Fredo.
Open kasi yung bintana nila ngayon.
Well palagi naman talaga iyong nakabukas.
Mas nasasarapan kasi sila sa hanging galing sa labas kesa sa ibinubuga ng electric fan nila.
"Hinde. Wag na. Mas masarap kayang matulog pag malamig." Sabi naman ni Violy.
At ayun, lalo syang nagsumiksik sa dibdib ng asawa.
"Tulog na tayo. Maaga pa tayong gigising bukas." Sambit ni Fredo.
At nung patayin nya ang lamp shade, ganun na lang yung gulat nya nung may mamataan syang babae na nakatayo banda sa kanilang paanan.
Nakaputi ang babaeng iyon kaya inalihan sya ng takot sa katawan.
"Ma..." Ang tanging nasambit nya habang tinatapik ang kanyang asawa.
"Uhmmm..." Sambit naman ni Violy na nakapikit na ngayon.
"M-may--- (Pause) T-t-tingnan mo..." Nanginginig at nauutal na sambit nya.
May tao sana ang sasabihin nya.
Ngunit alam nyang hindi naman tao ang nakikita nya ngayon kundi---
.
.
.
Isa iyong kaluluwa.
Hindi nya iyon makilala sapagkat blurred ang mukha niyon.
Ang buong katawan naman ay animo imahe mula sa isang projector.
Nasayaw pa iyon ng mabagal kaya nakakahilong tingnan.
Samantala...
Agad namang bumaling si Violy sa direksyong tinitingnan ng asawa.
At ayun, maging sya ay nagulat at inalihan din ng takot sa kanyang nakita.
"Oh my God!" Ang nasambit nya then napa-atras pa sya paangat sa headboard ng kama.
Umahon ang dibdib nya sa kaba.
Well hindi kasi sya sanay makakita ng mga espiritu.
At sa tanang buhay nya ay never pa talaga syang nakakita ng ganon.

BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
TerrorMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...