Dahil sa kakaibang lamig ng hangin, ipinasya ni Sheryl na bumalik na sa loob ng bahay.
Hindi na rin naman kase nag-reply yung kaibigan nya.
At saka nagmumuka na syang tanga doon.
Mag-isa lang kasi sya.
Pinapapak na rin sya ng mga insektong pang-probinsya.
At habang naglalakad sya papasok, isang pares ng mata ang nanlilisik na nakatingin sa kanya.
Hinding-hindi ako makapapayag!
Guguluhin ko ang mga buhay nyo!
Hindi pwedeng kayo ay masaya---
Samantalang ako nagdurusa!
May galit na usal nung babaeng nakaputi.
At sa isang iglap, bigla na lang itong naglahong parang bula.
..........
Samantala sa loob ng bahay...
Abala sila Violy at Jasmine sa kusina.
Sila kase ang nagluluto nung tinolang manok, na sila Fredo at Isagani naman ang nagkatay kanina.
Si Jomar nasa itaas na ng bahay, sa kwartong napili nitong okupahin.
Abala naman ito sa pagtugtog at pagkanta.
Yun ang libangan nito.
Kapag wala itong ginagawa or nabobored ito, yung gitara nito ang palagi nitong hawak-hawak.
Hindi pa maayos ang silid ng binatilyo pero pwede naman ng tulugan.
Ang mga kalat lang naman eh yung ibang mga damit nitong hindi pa nito naipapasok sa built-in closet.
Ang ibang gamit naman nito ay naka-box pa at maayos naman iyong nakatabi sa may gilid.
Pagod na kasi ito kaya hindi na nito iyon maharap na ayusin at ligpitin.
Sabagay marami pa namang araw para gawin iyon.
Bakasyon pati, kaya marami pa itong time na mag-ayos ng silid na iyon.
..........
Bale anim ang lahat ng kwarto sa pangalawang palapag na iyon ng bahay.
Tatlo sa kanan at tatlo rin sa kaliwa.
Ang napiling kwarto ni Sheryl ay yung malapit sa hagdanan, sa bandang kaliwa iyon.
Sa dami ng mga silid doon ay iyon talaga ang trip nyang maging kwarto.
Hindi lang dahil iyon ang pinaka-maayos sa lahat---
Yung tipong konti lang ang ingit nung pinto...
Kumpleto ang capiz ng dalawang bintana...
Maayos ang kisame...
Maayos ang mga dingding...
At maayos din ang sahig...
KUNDI---
Ayaw na ayaw nya talaga ng may katabi.
Hindi lang sa higaan o sa kama kundi sa mismong tao sa katabi nyang kwarto.
Nasanay kasi sya sa tahimik na lugar.
Sa dating room nya sa lungsod na pinanggalingan nya, solo lang nya.
Sounds-proof ang kwarto nyang iyon.
Kaya tanging sya lamang ang may karapatang mag-ingay sa silid nyang iyon.
BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
HorrorMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...
