XI - Nanay Greta

640 43 3
                                    

Back to present time...

"Huy nay! Natulala ka na dyan. Ano bang nangyayari sa'yo? Nakakahiya yang inaasal mo..." Sambit ni Estong.

Siniko pa nya ang asawa dahil kanina pa ito titig na titig sa mabait na doktora.

"Huh?! Ahhh---" Biting sambit naman ni Merla.

At ayun, bigla syang nahimasmasan na para bang nakatulog sya ng ilang oras.

"Naku pasensya na po. Pasensya na po talaga." Nahihiyang sambit nya.

"Its okay. Its okay." Nakangiting sabi naman ng doktora.

Pero iba ang nadinig nya---

"Iha, ineng at batang nuknukan ng kulet. Hindi ka pa rin nagbabago. Hehehe..."

At ewan nya kung bakit iyon ang naulinigan nya.

Siguro namiss ko lang si Nanay Greta. Kapangalan naman kasi nya eh...

Sabi na lang tuloy nya sa sarili nya.

"Next patient na po ba doctora?" Tanong naman nung staff.

"Ah yes. Sige magtawag ka na para matapos na sila at makauwi na rin." Sagot ng mabait na doktora.

Pero ang totoo, ang tunay na duktora ay may pagka-istrikta---

Yung tipong ayaw na ayaw nito ng maraming cheche-bureche.

Isang tanong, isang sagot lang ito.

Ayaw nito ng paulit-ulit, yung paliguy-ligoy.

Medyo masungit din ito---

Yung tipong palaging nakataas ang isang kilay...

Hindi mabiro-biro talaga...

Napakadalang ngumiti.

At maselan din ito sa mga taong nakakasalamuha---

Yung tipong mag-aalcohol pa ito ng paulit-ulit gawa ng nandidiri nga ito kapag napapadikit sa balat ng hindi nito kauri...

Kagaya ng mga taong nakatira sa squatter...

Mga taong taga-baryo.

Ganun ang pag-uugali ni Dra. Alcantara, ang totoong duktor sa mata.

Kaya lang ito mabait ngayon dahil nga sinapian ito ni Greta Mia.

"Kami po'y magpapaalam na rin doktora. Maraming salamat po." Sabi ni Estong.

"Your welcome Estong." Sagot ni Greta.

Nangunot ang noo ni Merla sa narinig.

Hindi naman kasi nagpakilala si Estong dito.

Sa patient's lists pangalan naman nya ang isinulat nya, hindi sa asawa.

Eh paano nya nalaman ang pangalan ni Estong?!

Tanong nya sa sarili nya.

Tanong na hindi na nya masasagot pa dahil iginiya na sya ng asawa palabas ng kwartong iyon.

May next patient na rin kaya nahihiya na syang mag-usisa pa at magtagal pa doon.

Pero isa lang ang taong umuukilkil sa utak nya ngayon.

Si Greta Mia---

Ang babaeng hindi nya kaanu-ano subalit hindi sya itinuring na iba...

Ang babaeng parang totoong anak talaga ang trato sa kanya...

Ang babaeng ilang dekada ng wala sa mundong ibabaw.

Naalala pa nya ang palagi nitong sinasabi sa kanya noon---

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon