Sa bukid...
Kakatapos-tapos lang palayain ni Esmeralda ang kaluluwa ni Jomar.
Maya-maya...
"Nasa bahay na rin ba sya?" Tanong ni Gani.
Si Jomar ang tinutukoy nya.
Umiling naman si Esmeralda.
"Wala pa po. Dahil ang totoong katawang-lupa nya ay nasa ibang lugar--- Wala po sa inyo." Sagot nya.
"Ahhh--- A-anong ibig mong sabihin?!" Kunot ang noong tanong nito.
"Dahil po sa matinding poot at galit na nararamdaman ni Aling Rica--- Ninais ho nyang kit'lin ang buhay ng anak nyo. Kahapon, dinala nya si Jomar sa killer cliff--- Ang lugar kung saan marami na ang nagbuwis ng buhay." Paliwanag nya.
"Ang bangin?!" Sambit ni Gani.
Iyon lang naman kase yung lugar sa baryo nila na binansagan ng ganon.
Marami na kasi ang aksidenteng nahulog doon.
May mga nakaligtas naman pero mas marami talaga ang mga nasawi.
"Oo kuya. Dun nga." Sagot ni Esme.
"Bu--- B-buhay pa ang anak ko--- Diba? B-buhay pa sya..." Sambit ni Fredo.
Halos bumikig pa iyon sa lalamunan nya.
Kinakabahan kasi sya. At sobra syang natatakot para sa anak na si Jomar.
Sa narinig tungkol sa bangin na iyon, binundol talaga ng sobrang kaba ang dibdib nya.
At ayun, nananalangin sya ngayon na sana nga ay buhay pa ang kanyang nag-iisang anak na lalake.
"Opo. Buhay po sya. Pero---" Biting sagot ni Esme.
"Pero?" Patanong na sambit nila Fredo at Gani.
Si Jasmine, nakatahimik lang. Inaalihan kasi ito ng takot sa katawan. Ang dilim kase sa lugar na pinupuwestuhan nila ngayon.
At dahil sa nerbiyos, kulang na lang ay magpakarga na sya sa nobyo. Ang higpit talaga ng kapit nya sa braso ni Gani.
At ayun, halos lahat ng balahibo nya sa katawan ay nagtatayuan na ngayon.
Hindi dahil may espiritu o sobrang dilim ng paligid, kundi sa malamig na hanging pang-probinsya na dumadapyo sa balat nya.
Pero dahil matatakutin talaga sya, yung una ang pinaniwalaan nya---
Na may mga kaluluwa silang kasama sa lugar na iyon.
Samantala...
Muling nagpatuloy si Esme sa kanyang pagsasalita.
"Comatose po si Jomar ngayon. At naroon ang katawang-lupa nya sa kabilang baryo." Sabi nya.
"Kailangan ko syang puntahan. Kailangan ko syang maitakbo kaagad sa pinakamalapit na pagamutan." Desisyon ni Fredo.
At ayun, hindi na nya hinintay pa ang sagot ng mga kasama.
Pagkatapos nya iyong sabihin ay nagsimula na syang maglakad paalis sa lugar na iyon.
..........
Minutes later...
At dahil sa delikadong sitwasyong kinasusuungan ni Jomar, walang nagawa sila Fredo kundi ang aminin na kay Violy ang totoong kalagayan ng anak.
Sa tulong ni Esmeralda ay naipaliwanag naman sa ginang ng maayos ang lahat-lahat.
Nung una ay nagulumihanan ito...
Nalito...
Nagtaka...
BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
HorrorMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...