XXVI - Kakaibang Trip

580 41 0
                                    

Bagama't galit ay kinontrol ni Rica ang kanyang emosyon.

Ang totoo nyan, kaya madali lang para sa tiyahin na sabihin at gawin ang banta nito sapagkat hindi naman talaga sila nito kaanu-ano.

Wala silang relasyon sa dugo dahil pangalawang asawa na ito ng kanyang tiyuhin, na syang pinsang buo ng kanyang ama.

At ang tiyuhin nyang si Manolo ay wala ng kakayahang ipagtanggol o kampihan pa sila sapagkat matagal na itong patay.

Actually kay Manolo talaga sila may malaking pagkakautang.

Mabait kasi ito at mapagkawang-gawa. Hangga't kaya nitong tumulong ay tumutulong ito ng buong puso. Ng walang hinihintay na kapalit o anumang kabayaran.

Pero ang pangalawang asawa nito na si Aida---

Nuknukan naman sa gulang. Mukang perang talaga.

Kaya lahat ng itinutulong ni Manolo sa pamilya nila Rica ay inililista nito.

At yun nga, nung mamatay si Manolo ay nagulat na lang ang pamilya ni Rica nung sabihin ni Aida na maniningil na ito.

And the rest was history.

"Ano? Sasama ka sa kanila o hinde? Papasok ka pa dito o hindi na?" Tanong ni Aida.

Muli, hindi pa rin tumugon si Rica May.

Pinag-iisipan nya kasing maigi kung ano ba ang dapat nyang ibatong mga salita laban sa tiyahing napakaitim ng budhi.

Isinasang-alang alang din kasi nya ang kanyang mga magulang kaya nag-iingat sya sa mga bibitiwan nyang mga salita dito.

May mga kapatid pa syang malilit, na syang labis na maaapektuhan kung sakaling makukulong o lalong mababaon sa utang ang kanyang mga magulang.

"Ano na?" Biglang sigaw nito na ikinapadta nya.

"Sasama na ho ko." Napipilitan at wala sa loob na sagot nya.

"Good. (Pause) O sya labas na!" Sabi nito.

Ayun, mabigat ang paang tinahak nya ang daan pabalik sa table nila Fredo.

Nakasunod naman ito sa likuran nya.

"Boss eto na yung chit nyo." Narinig nyang sabi nito.

Tumayo naman si Oscar.

Pagkatapos nyang sipatin ang mga digits na nakasulat sa resibo ay naglabas na sya ng ilang lilibuing pera mula sa wallet nya.

Napangiti naman si Aida.

Eh kasi nga hindi umalma ang lalake sa laki ng bill ng mga ito.

..........

Makalipas ang ilang saglit...

Nagsitayuan na rin ang magbabarkada.

Then lumabas na sila ng club na iyon na yakap-yakap at karay-karay ang mga babaeng bayaran.

"Lakihan mo ang bayad mo sa akin ha? Birhen ako!" Mataray na sabi ni Rica kay Fredo.

Oo papayag na sya.

At gagawin nya iyon alang-alang sa kanyang mga magulang.

Kung sa pagpuputa sya makakaipon ng pera pambayad sa gahamang si Aida---

Lulunukin na nya.

Basta matapos lang ang pang-aalipusta nito sa kanya at sa buong pamilya nya.

"Haha... Wala akong pera. Sabit lang ako dito." Parang tangang sabi naman ni Fredo sa babae.

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon