Months later...
Dumating na ang araw ng binyag.
Madaling araw pa lang, mga alas dos iyon ay gising na ang mag-asawang Merla at Estong.
Maging si Guada at ang iba nilang kapitbahay na nagboluntaryong tutulong sa pagluluto ay gising na rin.
Pinagtulung-tulungan ng mga kalalakihan na katayin ang baboy.
Pagkatapos non ay ang mga kababaihan naman ang nagtulung-tulong upang magluto ng iba't ibang putahe.
May adobo...
May menudo...
Igado...
Dinuguan...
At iba pang putaheng luto sa baboy.
Pagsapit ng ala seis ng umaga ay well prepared na ang lahat.
Ang bata naman ang inasikaso ni Merla.
Matapos nya itong paliguan ay binihisan na nya ito ng kulay puting kasuotan.
Pagsapit ng alas syete ay tumungo na sila sa simbahan kasama ng mga ninong at ninang na lilimang pares lamang.
Ang mga kapitbahay at ilang kamag-anak ay sumama na rin. Upang masaksihan ang seremonya ng pagpapabinyag sa bata.
"Ang bait naman ng anak ninyo. Puro tulog lang." Nakangiting komento ng pari habang binubuhasan ng banal na tubig ang noo at ulo ng bata.
"Oo nga po. Yung ibang bata iyak ng iyak." Sagot ni Merla.
At sa loob-loob nya, natutuwa talaga sya sa anak.
Hindi lang dahil behaved ito, kundi nakaiwas sila sa mga mapanuri at mapanghusgang mga mata ng tao sa kanilang paligid.
Kung gising kasi ang bata, sigurado syang pag-uusapan ng mga iyon ang kakaibang mga mata nito.
Baka pag nagkataon eh mapuno pa ng bulung-bulungan sa loob ng simbahan.
Nakakahiya kay father at sa mga kasama nitong naglilingkod doon.
At ayun, natapos ng lahat ang unang sakramento ng bata ay hindi man lang ito nagising kahit saglit lang.
Nung umuwi sila ng bahay, kung saan at kelan konti na lang ang mga bisita---
Dun lang ito nagmulat ng mga mata.
At ayun, nagulat yung mga ninong at ninang sa kanilang nasaksihan.
Pero hindi naman nagkomento ang mga ito. Hindi rin nag-usisa.
At dahil pinagkakatiwalaan ni Merla ang mga iyon, sya na mismo ang nagpaliwanag ng tungkol sa kakaibang mga mata ng anak.
Nakaunawa naman ang mga iyon.
Hindi rin nanghusga.
Bagkus ay natuwa pa at nakahinga ng maluwag sapagkat wala naman palang dapat na ikabahala.
Maya-maya...
Nagulat yung isang ninang nung biglang kumapit ang bata sa kahoy ng kunang kinahihigaan.
At base sa nakikita nya, parang gusto ng tumayo nung bata.
"Hala!" Nakangiting sambit nya habang nakatingin sa kuna.
Napatingin din ang mga katabi nya at kasamang kumakain sa sala.
"Wooow! Galing mo naman baby..." Sambit nung isang ninong na hindi na nakatiis pa at nilapitan na ang batang sige ang kunyapit sa kahoy.
BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
HorrorMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...