VII - Ang Engkanto

728 47 3
                                        

Matuling lumipas ang mga araw...

Isang umaga kasalukuyang nagdidilig ng halaman si Guada nung may lumapit sa kanyang mga taong hindi nya kakilala.

Tatlo iyon---

Isang pamilya sila.

"Mawalang galang ho. Magtatanong lang ho sana kame." Magalang na sabi nung babaeng halos kaedaran lang nya.

Mas matanda lang siguro sya dito ng ilang taon.

Pansamantala muna nyang itinigil ang ginagawa pagkatapos ay hinarap nya ang mga ito.

"Ano yon?" Tanong nya sa babae.

"Alam ho ba ninyo kung saan nakatira dito yung manggagamot na nagngangalang Greta?" Tanong nito na nakapagpakunot ng noo nya.

"Manggagamot?!" Patanong na sambit pa nya.

Isa lang kase ang kilala nyang albularyo sa lugar nila, si Marcial.

Pero matagal na iyong namayapa. Ilang taon na ang nakakaraan.

At isa lang din ang kilala nyang Greta.

Pero hindi iyon manggagamot. Salot pa nga raw sabi ng ilan nilang kababaryo.

"Oho. Si Greta, yung anak ni Ka Marcial at Nana Juaning." Sagot nito.

"Oh!" Ang nasambit nya.

So tumama pala yung nasa isip nya.

Pero ngayon nya lang iyon nalaman, na may angking galing din pala si Greta sa panggagamot.

"Alam ho ba ninyo ang bahay nya? Maaari nyo ho ba kaming samahan don? Importante ho ang sadya namin sa kanya eh. Buhay ho ng anak ko ang nakasalalay." May pag-aalala at pagmamadaling sabi nung babae sabay tingin sa dalagitang kasama nito.

Maganda yung dalagita pero mukang wala ito sa sarili.

Nakatulala lang ito na para bang walang kasama...

Walang nakikita...

At parang wala ring naririnig...

Sa madaling salita, para itong may sariling mundo.

"Ako po! Alam ko po ang bahay ni Nanay Greta. Sasamahan ko po kayo sa kanya." Biglang singit ni Merla.

Kanina pa pala ito sa eksena. At nadinig nito ang pag-uusap na iyon ng mga matatanda.

"Sige ho. Sasamahan namin kayo ng anak ko." Segunda naman ni Guada.

Hindi makapaniwala si Merla sa narinig.

"Sasama ka po inang?! Sigurado po ba kayo?! Baket, hindi na po ba kayo takot sa kanya?!" Sunud-sunod na tanong nya sa ina.

Bigla namang nahiya si Guada sa mga pinagsasasabi ng anak.

"Merla hindi ako takot sa kanya. Nag-iingat lang ako..." Bulong nya dito.

Hindi naman umimik ang mga dayo kahit naguluhan sila at nagtaka kung bakit natatakot ang ginang sa manggagamot na si Greta.

"Tara na ho. Hatid na namin kayo kay Greta." Sabi ni Guada.

At naglakad na nga sila.

..........

Maya-maya...

Gulat ang rumehistro sa mukha ni Greta nung makita si Merla na kasama ang ina nito.

Ayun, napatitig sya kay Guada.

"M-magandang umaga Greta. Ahm--- Hinahanap ka nila." Naiilang na sabi nito sa kanya.

Ngumiti naman sya at gumanti ng bati dito.

ESMERALDA Book 4Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon