XVIII - Si May

636 42 0
                                    

Hours before...

Sa likod ng bahay, naroon si Caroline.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pagkabilang ko ng sampu nakatago na kayo..." Pagkanta ni Carol habang nakapikit at nakasandal ng paharap sa isang puno.

Kayo ang sinabi nya pero iisa lang naman yung kalaro nya.

At yun nga, pagkatapos nyang bumilang ng sampu---

"Gaaaaame!" Sigaw nya.

At nag-umpisa na nga syang hanapin ang kanyang kalaro.

Sige ang lakad nya.

Kung saan maaaring magtago ang kalaro nya, dun sya naghanap.

Maya-maya'y may narinig syang kumaluskos sa halamanan.

"Ahhh... Andyan ka ah..." Bulong nya.

Then dahan-dahan syang naglakad.

Pagdating nya sa halamanan---

"Booooooom!" Sigaw nya.

Samantala...

Dahil sa sigaw na iyon ni Carol ay nagising si Sheryl.

"Ineeeeeet... Shet!" Inis na sambit nya.

Sanay kasi sya sa aircon. Sa lungsod na inalisan nila, naka-aircon yung room nya.

Pero ngayon, electricfan na lang ang gamit nya.

Stainless na iyon pero hindi pa rin talaga sapat ang hangin niyon para sa kanya.

At ayun dinig na dinig nya yung hagikgik ng kanyang kapatid0.

Pati ang pagkanta nito at pagbibilang ay malinaw nyang nauulinigan.

Napilitan na tuloy syang bumangon.

Pero hindi dahil sa ingay ni Carol, kundi hindi na talaga nya kaya yung init.

Pumapasok na kasi galing sa bintana yung sinag ng araw. At tumatama na iyon sa bandang katawan nya.

Nung sipatin nya ang oras sa cp nya---

"Aga pa pala... Hmpt!" Sambit nya.

Alas diyes na yon pero para sa kanya ay maaga pa iyon.

Well nasanay kasi syang nagigising ng alas onse hanggang alas dose ng tanghali.

Pero sa mga taong sanay magising ng maaga, para sa mga taong taga-probinsya ay tanghali na yung ganung oras.

Yung alas alas otso nga tanghali na para sa mga taga baryo---

Eh pa'no pa kaya yung alas diyes?

Eh di mas lalo pa. Tsss...

At yun nga, matapos bumangon ay sumilip sya sa bintana at tinanaw ang kanyang kapatid.

"Pssssssst... Sinong kalaro mo ha?" Pasigaw na tanong nya dito.

"Si May po ate..." Sagot naman ni Carol.

Saglit lang sya nitong tiningala.

Pagkatapos non ay muli nitong ipinagpatuloy ang paghahanap sa nagtatagong kalaro.

At dahil inaantok pa, napasandal na lang sya sa may gilid ng bintana.

Haaaaaaay... Ang boring talaga dito. Wala na ngang wifi--- Weak pa ang signal. Psssshhh...

Himutok nya.

"Boooom! Kala mo ha. Hihihiiii... O ikaw naman ang taya ah..." Narinig nyang sambit ng kapatid nya sa ibaba.

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon