XXIV - Droga

609 40 1
                                    

Nalusutan naman ni Fredo ang sitwasyon na iyon.

Laking tuwa nya nung pagbalik nya sa kubo ay tapos ng gumawa ng kabulastugan ang mga kaibigan nya.

At si Lito?

Hindi nya sure kung gumamit din ba ito. Hindi naman nya kasi ito naaktuhan.

Pero base sa obserbasyon nya---

Muka nga...

Parang...

Hindi man sya bihasang bumasa o umanalisa ng isang taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay alam nyang may nagbago sa ikinikilos ni Lito.

..........

Days later...

Ang pagsha-shabu nila Oca ay nasundan pa.

Hindi lang iyon naulit kinabukasan, kundi pati na rin nung mga sumunod pang mga araw.

Pinilit nyang tumanggi...

Ilang beses nyang sinubukang tumakas...

Ilang alibi din ang idinahilan nya na nakakalusot naman.

Pero hindi lahat ng pagkakataon ay umaayon sa kanya.

Nung muli iyong maulit---

Hindi na sya nakatanggi pa.

At dahil iyon sa binitiwang salita ni Oscar---

"Subukan mo uling tablahin ako--- Magsisisi ka!" Banta nito sa kanya.

Hindi sya bobo para hindi iyon maunawaan.

Ang magandang oportunindad na manggagaling sa kumpanya ng pamilya nito ang tinutumbok nito.

"S-sige..." Napipilitang sambit nya pagkatapos nyang humugot ng isang malalim na paghinga.

"Good boy..." Nakangising sambit ni Oscar na ikinausok ng ilong nya.

Taena! Ginawa mo pa akong aso! Ulul ka!

Inis na bulong nya habang sya ay nakatitig dito.

At yun nga, nung oras na iyon ay pinagamit sya nito ng shabu.

Madali lang naman nya iyong natutunan sapagkat nakapag-yosi naman na sya.

Para sa kanya ay pareho lang ang procedure niyon, parehong hinihithit.

At ang unang karanasan nyang iyon ay nasundan pa ng ilang ulit.

Hindi dahil sa nagugustuhan na nya iyon kundi---

Hindi na kasi talaga sya makakatanggi pa dahil hawak ni Oscar ang magandang future nya.

Unless, willing at decided na syang maghanap na lang ng ibang mapapasukan pagka-graduate nila.

Kaso ayaw naman nya.

Yung kumpanya talaga ng pamilya nito ang target nyang mapasukan.

So ayun, ang ginawa na lang nya sa tuwing magda-drugs sila pinapauna na lang nya yung lima.

Nagpapahuli talaga sya para konti na lang yung hihithitin nya.

At dahil sugapa yung tatlo, kapiranggot na lang talaga yung napupunta sa kanya.

Pabor.

At sa loob-loob nya---

Never nya iyong bibisyuhin...

Never nya iyong sasambahin...

At kahit kailan ay hinding-hindi nya iyon hahanap-hanapin kagaya ng nakikita at napupuna nya kila Oscar, Rolly at Andy.

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon