Minutes later...
Pinatawag ni Oscar ang floor manager ng club na iyon.
Pero abala ito kaya si Aida na ang lumapit.
"Pwede na ba naming itake out ang mga girls?" Tanong nito.
"Yes sir. Pero three hours lang ha? Kailangan kasi nilang bumalik dito pagkatapos. Alam nyo na--- Marami pang customers na naghihintay sa kanila. Sayang ang kita. Hehehe..." Prangkang sagot ni Aida---
Ang syang may-ari ng club na iyon.
May katabaan ito at nasa edad kwarenta na mahigit.
"Marami pa namang natirang babae ah..." Komento naman ni Rolly.
Anim lang kase yung ilalabas nila, marami pa ngang maiiwan sa club na iyon.
"Eh bossing--- Yang anim na yan ang pinaka dito. Ibig sabihin--- Sila yung mga mabenta." Bulong ni Aida sa pagitan nila Rolly at Oscar.
"Virgin pa nga po yung isa dyan eh..." Dugtong nito.
"Ows! Talaga? Sinu sa kanila?" Tanong agad ni Oscar.
"Yang naka-itim na dress..." Sagot ni Aida.
Si Rica ang tinutukoy nya.
At ayun, napalatak na lang ang dalawa.
Paano, si Fredo ang katabi ni Rica ngayon.
Ibig sabihin ito ang makakadonselya sa babae at hindi sila.
Pero kanina nung namimili sila ng mga iti-table nila, si Rica talaga ang una nilang napusuan.
Angat kasi ito sa karamihan.
Pero ang babae, nuknukan sa kasungitan kanina pa.
Panay ang irap at panay ang talikod.
Nag-inarte pa kaya hindi na lang nila ito pinili.
At ayun, dahil sa pagiging choosy ni Rica, ito nga ang kahuli-huliang napili, para naman sa kahuli-huliang lalaki sa grupo nila na wala pang kapareha---
Si Fredo nga.
"Sayang..." Muling sambit ni Rolly sabay iling ng ulo.
"Yaan mo na! Marami ka naman ng nakanang virgin no! Eh yang lolo mo--- Wala pa! At sure akong virgin pa din yan!" Sabi naman ni Oscar.
Na sya namang tunay.
Birhen pa nga si Fredo.
Sa edad nyang iyon ay hindi pa nya talaga naranasang makipag-niig sa isang babae.
Nakakaramdam naman sya ng pag-iinit ng libido.
Pero tanging ang palad lang nya ang kaulayaw nya pagkaganon---
Wala talagang involve na babae sa tuwing sya ay magpaparaos.
At saka, bibihira lang naman syang malibugan.
Focused kasi sya sa kanyang pag-aaral at sa iba pang gawaing mas kapaki-pakinabang para sa kanya.
"So--- Aalis na ba kayo ngayon?" Tanong ni Aida sabay sipat sa relo nya.
"Mga alas dos ang balik nila dito ha?" Dugtong nito.
"Short time na short time naman yon. Bitin!" Sambit ni Rolly.
"Sorry. Pero hanggang ganun lang talaga mga bossing. Pwera na lang kung--- (Pause) Kung babayaran nyo rin yung mga oras na wala sila dito." Pang-iisa ni Aida.
RIN, kasi nga may bayad na yung pag-take out sa mga babae.
So may additional payment pa if ma-eextend ang oras ng mga ito sa labas ng club nya.

BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
TerrorMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...