Isang araw...
"Nay..." Untag ni Esmeralda sa kanyang ina.
Kasalukuyan silang naglalaba sa likod ng kanilang bahay.
"Uhm?" Pagtugon naman ni Merla habang nagkukusot ng damit.
"Handa ka na po bang mawala si lola?" Lakas-loob na tanong nya dito.
Dahil sa narinig ay napahinto si Merla sa ginagawa.
Tinambol ng husto ang dibdib nya dahil sa tanong na iyon ng anak.
Alam nya kasi ang abilidad nito. Pag may sinabi ito, nagkakatotoo talaga.
Kagaya nung pagkamatay ng tiyuhin nya na nakatira sa malayong probinsya---
Nakita ni Esme sa pangitain nito na aatakehin iyon sa puso at hindi na makakaabot pa ng buhay sa ospital.
At yun nga ang eksaktong nangyari.
Hindi lang yon, pati ang pagkamatay at disgrasya ng kanilang mga kapitbahay eh nakita rin nito.
At lahat ng mga iyon ay nagkatotoo talaga.
Ayun, napatitig na lang sya sa anak.
Maya-maya'y tumulo na ang luha nya.
"K-k-kelan?" Tanong nya.
Halos bumikig pa sa lalamunan nya ang salitang iyon.
"Malapit na nay... Malapit na..." Sagot naman ni Esmeralda na lumuluha na rin ngayon.
Ayun, lalong napaiyak si Merla sa narinig.
Wala kasing ibang iniindang sakit ang inang nya kundi ang rayuma lang nito. Yun lang.
Kaya nagtataka at natatakot sya kung bakit ito mamamaalam.
Matapos nyang punasin ang mga kamay sa laylayan ng suot nyang palda ay hinatak naman nya ang kanyang blusa.
Dun sya umiyak ng umiyak.
Inalo naman sya ni Esmeralda.
"Tahan na nay... Wag po kayong mag-alala--- Magiging payapa po ang pag-alis ni lola." Sabi nito.
At matapos ang usapan nilang iyon, wala silang ibang pinagsabihan non kundi si Estong lamang.
Inilihim nila iyon sa matanda.
At sa araw-araw na lumilipas---
Todo-asikaso silang tatlo kay Guada.
Kung dati'y mahal na nila ito, mas lalo pa nila itong minahal ng husto ngayon.
At kung dati'y malambing na sila dito, mas lumambing pa sila dito ng husto.
Walang araw na hindi nila ito pinasaya, pinatawa.
Hindi lang dahil mamamatay na ito kundi gusto talaga nilang sulitin ang mga nalalabi nitong mga araw sa piling nila.0
..........
Days later...
"Inang gising na po. Tumayo na po kayo at mag-aalmusal na po tayo. Nagprito ako ng tinapa. Nagsangag din ako ng kanin na maraming bawang--- Na syang gustung-gusto ninyo." Sabi ni Merla.
Kadalasang nagigising ang inang nya ng alas kwatro hanggang ala singko ng madaling araw.
Alas syete na ngayon kaya nagtataka sya kung bakit tulog pa rin ito.
Ayaw nya sanang gambalain ang pamamahinga nito subalit kinakabahan naman na sya.
At ayun, lalong dumagundong yung dibdib nya nung hindi ito tumugon sa kanya.

BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
HororMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...