Kinabukasan...
Umigi na ang lagay ni Carol. Bumalik na sa normal ang temperatura nya.
Pero hindi ibig sabihin non ay titigil na ang white lady.
Wala pa syang planong huminto sapagkat hindi pa sya tapos sa kanyang paghihiganti.
Talagang iisa-isahin nya ang buong pamilya.
Hindi sya titigil hangga't hindi nya nagugulo ang buhay ng mga ito.
At saka nag-uumpisa pa lang sya sa kanyang laro.
Ngayon pa lang sya nag-eenjoy.
Samantala...
"Ma labas lang ako ha? Explore ko lang yung lugar. Hahanap na rin ako ng new friends ko here." Paalam ni Jomar sa inang kasalukuyang nag-aayos sa kusina.
"Ah sige lang anak." Pagpayag ni Violy.
Though marami syang ginagawa at marami pang need ayusin ay pinayagan naman nya ang anak na lumabas ng bahay.
Kaya naman na nya kasi yung mga naiwang ligpitin sa paglilipat-bahay nilang iyon.
Para sa kanya, ang mga sariling kwarto ng dalawang anak na malalaki na---
Yun lang yung inobliga nyang ipagawa sa mga ito.
And the rest, kayang-kaya naman na nya.
At yun nga, lumabas nga ng bahay si Jomar.
Nakasuot sya ngayon ng sports wear.
Actually nakapag-exercise na sya kanina.
But since maaga pa naman, naisipan nyang mag-jogging.
..........
Hour later...
Dahil sa pagod ay naisipan muna ni Jomar na magpahinga.
Sa isang nakatumbang puno, dun nya naisipang maupo.
Ayun, hingal na hingal sya dahil sa layo ng tinakbo nya.
Hindi naman sya maliligaw pauwe sapagkat kabisado naman nya yung mga nilikuan nya.
Maya-maya'y binuksan na nya yung bottled water na binili nya kanina sa nadaanan nyang tindahan.
Dahil sa uhaw ay naubos nya ang laman niyon.
Ayun, tagaktak pa rin ang pawis nya.
Hindi lang dahil sa pagod kundi tirik na rin kasi ang araw. At medyo masakit na iyon sa balat.
Pero mabuti na lang at nasa silong sya. Nalililiman ng mayabong na puno ang kinapupuwestuhan nya kaya hindi nya masyadong iniinda ang sinag ng haring-araw.
Maya-maya ay nakaramdam sya ng panunubig.
At dahil puro bukirin ang nasa paligid nya, wala syang ibang pag-iihian kundi dun lang din.
Tumayo sya at naglakad.
Nung makahanap ng tamang pwesto ay nag-release na rin sya ng excess water sa pantog nya.
Sa likod iyon ng puno, sa loob nga ng bukid.
Saktong katatapos nya lang umihi nung may mamataan syang babae sa may gilid.
"Ooooops!" Ang nasambit nya.
Pagkatapos non ay dali-dali nyang inayos ang kanyang sarili.
At sumakto naman dahil pagdating nung babae sa pwesto nya ay nagkunwari na syang nakasandal doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/238982169-288-k625762.jpg)
BINABASA MO ANG
ESMERALDA Book 4
TerrorMga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeralda? At saan nga ba nagmula ang angking galing nya? Tara! Alamin po natin kung paano sya nagkaroon ng...