XXVII - Maitim Na Balak

626 37 0
                                        

"Tara! Gaaaaame!" Sigaw ni Oscar.

At binuksan na ni Andy ang pinto ng van.

Isa-isa namang nagsibabaan ang mga babae.

Samantala sa harapan---

"May problema ba?" Tanong ni Fredo sa katabing si Rica.

Actually kanina pa nya napapansin ang pagiging tahimik nito.

At ngayon, kitang-kita nya ang takot at ang pangambang nakarehistro sa maganda nitong mukha.

"Huh?! Ahhh---" Biting sambit naman ni Rica.

Umaahon pa ang dibdib nito ngayon dahil sa nerbiyos na nararamdaman.

"Anong problema?" Muling tanong nya dito.

"M-may--- (Pause) May phobia kasi ako sa--- (Pause) Sa dilim." Sagot nito.

"Ah okay." Sambit nya.

Then binalingan nya si Oscar.

"Oca! Baka pwedeng wag na nating isali si Rica sa laro? Takot daw sa dilim eh. Bawiin mo na lang yung pera mo. Dito na lang siguro sya sa van." Sabi nya dito.

Naudlot naman ang pagbaba ni Oscar.

Then napatingin sya sa dalawang nasa unahan.

"Takot sa dilim?! (Pause) Wow ha! Am'benta nun sa akin. Isang hostess--- May ncytophobia?! Talaga ba?! Hahahaa..." Pang-iinsulto nya.

"So--- Sa club, hindi ka takot? Pero sa kasukalan, takot ka? Ganun ba?" Nakangising tanong nya kay Rica.

Hindi naman nakasagot ang babae.

Pero tinitigan sya nito ng pagkasama-sama.

But then napa-isip sya---

Uhmmm... Pwede rin naman siguro...

.

.

Tama! Dito na lang sya sa sasakyan... Dito ko na lang sya lalantakan... Wahahahaaaa...

.

.

.

At least dito malinis... Airconditioned pa... Unlike sa loob ng kasukalan--- Marumi na, madilim pa...

Bulong nya sa isip nya.

"Okay fine! Sige out ka na!" Kunwari'y napikon na sabi nya.

Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Rica sa narinig.

"E-eto yung pera o..." Sabi nito sabay soli nung limang libo.

"Mamaya na lang. Tabi mo muna dyan." Seryosong sabi nya.

Pagkatapos non ay binalingan naman nya si Fredo.

"Tara na..." Senyas nya dito then bumaba na sya ng van.

"Saglet..." Awat naman ni Rica kay Fredo.

"Baket?" Tanong ng lalake.

"S-salamat..." Nahihiyang sambit nya.

"Okay." Ang tanging sagot nito.

Then after non ay bumaba na rin ito ng sasakyan.

Naiwan syang mag-isa sa loob.

Hindi naman sya natatakot kasi naka-on naman yung ilaw ng van.

..........

Samantala...

ESMERALDA Book 4Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon