Chapter 11 💍

820 23 0
                                    

Spencer POV

Andito kami ngayon ni Raven sa library.

"Spencer what book do you want to read?" Tanong niya sa akin.

"Anything" sabi ko. Tumango lang siya at naglakad para tumingintingin sa mga libro. Vacant namin ngayon kaya andito kami ngayon sa library. Gusto daw niya  magbasa eh. Mamaya pa naman ang klase namin. Kaya sinamahan ko na siya rito.

Habang naghihintay ako kay Raven nakita kong pumasok si Scherzinger ng library. Sinundan ko siya ng tingin hanggang pumunta siya sa may sulok at umupo sa tapat ng isang babae na nagbabasa.

"What are you looking at?"  Napalingon ako kay Raven.

"Akin na" kinuha  ko ang libro at nilapag sa mesa. Umupo na siya sa tapat ko. Nakatingin parin ako nina Scherzinger.

"Sino ba yang tinitignan mo?" Tanong niya at tumingin siya sa tinitignan ko. Tumingin siya sa akin.

"Oh! Alam ko yang iniisip  mo. Di yan ang babae ang tinitignan ko. Kundi yang lalaki na nakatalikod na nasa tapat ng babae." Sabi ko. Inunahan ko na. Parang iba kasi ang nasa isip niya.

"Really? Kilala mo?" Tanong niya.

"Si Scherzinger"

Kumunot ang noo niya. "Sino ba yan?"

"Di mo kilala. Isa sa mga ka Lions. Si Axel"

"Sos , bakit ba kasi hindi nalang Axel ang itawag mo. Bakit apelyedo pa."

"Nakasanayan na namin eh. Kaya nga iilan lang ang may alam sa mga names namin." Si Captain kasi ang nakauna ng pagtawag sa amin ng apelyedo namin kaya nakasanayan na naming lahat.

"Bakit mo sila tinitignan?" Curious niyang tanong.

"Kasi as you didn't know. Di kami nagpupunta sa mga lugar na ganito. Pag vacant namin sa HQ lang kami nag iistambay."

"Bakit ikaw andito ka?"

"Kasi andito ka" diretsiyang sabi ko. Nag iwas siya ng tingin niya.

"Oh, eh, baka naman yang kaibigan mo pumunta dito kasi andiyan yung girl?"

"Ewan, pero nakakapanibago lang kasi." Bigla siyang tumingin sa akin.

"Naninibago ka kasi may girl siyang kasama?" Tumango ako. "Eh bakit?"

"Kasi kaming mga Lions. Di kami nakikihalubilo sa iba. Lalo na sa mga girls."

"Eh ano ako?"

"Iba naman ikaw. Asawa kita."

"Pero what  if. Di mo ako asawa at ordinaryo lang akong babae na nag aaral dito?"

"To be honest. Di kita papansinin. Wala akong paki sa iyo. Ewan, mga Leon kami sa court kasi mababangis kami sa laro. Pero di kami mababangis sa pakikipaghalubilo sa iba." Sabi ko. Totoo naman kasi.

"Maybe your friend is interested  to that girl." Sabi niya. Tumingin ako kina Scherzinger.

"Maybe." Sabi ko. Tumingin siya ulit kina Scherzinger at tumingin ulit sa akin at ngumiti.

"Why are you smilling?" Takang tanong ko.

"Nagseselos  kaba kasi may binigyan ng interest yung kaibigan mo?" Nakangiting sabi niya.

"Ano ako? Bakla?"

"I wasn't saying your a gay. What  I mean is, ayan may babae na siyang interesado siya."

Husband & Wife, for real?Where stories live. Discover now