Chapter 21 💍

715 19 0
                                    

Raven's POV

Nagising ako ng may mabangong luto akong naamoy. Bumangon ako sa kama at bumaba. Pumunta ako sa kusina at ito na naman. Nakikita ko na naman si Spencer nagluluto.

"Good Morning" bati ko. Napalingon siya sa akin at ngumiti.

"Good Morning Hon" bati niya sa akin at lumapit sa akin para halikan ako sa noo.

"Gutom ka na ba? Teka lang hahainin ko lang ang niluto ko." Sabi niya.

Kahapon sinabi niya sa akin  na mahal na niya ako at ipaparamdam niya iyon sa akin. Hindi nga siya sa salita lang pati gawa rin. Well, hindi na naman  bago ito sa akin eh. Kasi nasanay narin naman ako na sinisilbihan niya ako. Lumapit ako at kumuha ng mga plato.

"Umupo ka nalang. Ako na niyan." Sabi niya at dali daling inilapag ang pagkain at kukuhain sana ang plato na hawak ko.

"Eh ako na nito. Pwede naman nating pagtulungan ang gawaing bahay ha" sabi ko.

"Ayaw ko na papagod ang mahal ko" sabi niya. Napatitig ako sa kanya.

"Spencer ha. Ang aga aga. Tara na gutom lang yan." Sabi ko. Ewan,napangiti nalang ako. Umupo na kami.

"Bakit totoo naman na mahal kita ah" sabi niya. Nagrolled eyes ako at kumuha ng kanin.

"Ako ba mahal mo rin ba ako?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.

"Ewan" sagot ko sabay kibitbalikat.

"Then, I 'll wait until you say you love me too" sabi niya na nakangiti.

"Whatever" sabi ko.

"You really don't believe that I love you huh" sabi niya. Di ko siya pinansin at kumuha lang ng ulam ng biglang hinawakan niya ang kamay ko at tumayo and he lean forward at hinalikan ako sa labi ng mabilis.

"I love you Hon. Kain na tayo" sabi niya while smirking at umupo na ulit at kumuha na ng pagkain.

"Hon, napatulala ka. Busog kana sa halik ko" natauhan ako sa sinabi niya at binato siya ng table handkerchief. Tumawa lang siya. Again nag rolled eyes ako.

"Kumain ka nalang pwede. Nakakaasar ka"  tumawa lang siya. Kumain na kami. Sumusulyap ako pero ewan napapangiti talaga ako sa kanya. Ako ba? mahal  ko na rin ba ang lalaking ito?

-------

Hindi kami pinapasok ngayon ng coach nila. Rest day ng mga varsity player at dahil kasama kami sa outing sa tagaytay pati kami inexcuse na rin. Andito ako sa kusina nanghuhugas ng mga pinggan. Nang matapos na ako ay pumunta na ako sa labas kung saan si Spencer ay nililinisan ang kotse. Gusto talaga niya nga siya ang gagawa.

"Ma'am Raven may tumatawag po" sabi ni Manang.

"Sino manang?"

"Hindi po nagpakilala eh. Nagtatanong lang po kung saan ang amo ko" sabi ni Manang.

"Sige manang."

"Sige po Ma'am lalabhan ko lang po tong mga damit" tumango lang ako kay manang at pumunta kung saan ang telepono.

Kinuha ko ito dahil naka patong lang sa mesa.

"Hello, Who is  this?" Tanong ko.

[I-is th-thi-is the  Ha-hawkins Resi-sidence?] Mautal utal na tanong niya.

Husband & Wife, for real?Where stories live. Discover now