Raven's POV
"Dito tayu Raven" sabi ni Keith at umupo na kami. Nasa baba ang bench ng Lions. Kitang kita sila dito. Nagstart narin ang game pero di pa siya pumasok.
"Raven gusto mo?" Tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kanya.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Empanada." Sabi niya.
"Masarap ba yan?" Tanong ko.
"Oo naman. Ito sa iyo oh. Try mo" sabi niya sabay bigay sa akin nung isa.
"Try mo. May laman yan. Masarap" sabi niya. Kumagat ako. May lamang baboy.
"Masarap no?" Tanong niya. Tumango ako at nagpatuloy lang sa pagkain.
"Oo pala. Ang ganda mo. Kaya yung asawa mo ang strikto" sabi niya.
"Well nasanay na ako sa ugali niya. Pasensya na sa kanya" sabi ko. Tumango siya at ngumiti.
"Pure Pinay ka?" Umiling ako.
"Wala. Half Chinese and Half Korean ako" sabi ko. Ngumiti siya.
"Ang gaganda ng magiging anak niyo. Dahil ang pagkakaalam ko yang husband mo. Half American, Half Pinoy" nahiya naman ako at ngumiti nalang.
"Oo pala. Matagal na kayong kasal?" Tanong niya.
"Months na rin" sagot ko.
"Pagmayaman madalas talaga maaga ipapakasal ano?" Sabi niya.
"Kinasal kami. Di naman dahil sa yaman" sabi ko. Umiling siya.
"Ay Raven sorry. Wag mo sanang pag isipan ng masama ang sinabi ko ha. Na offend ka ba?" Umiling ako.
"Hindi no. Wala ka namang sinabi na nakakaoffend eh. Totoo naman kasi. Madalas sa mga mayaman ipapakasal nila ang mga anak nila dahil sa business. Pero sa amin ni Spencer. Iba sa amin. Isang promise na tinupad ng mga grandfather namin." Sabi ko.
"Masaya ka naman diba?" Tanong niya sa akin. Napangiti ako.
"Ses, wag ka nang sumagot. Ngiti mo palang may ibig sabihin na eh" sabi ni Keith.
"Papasok na ang asawa mo." Sabi ni Keith. Last quarter na pala. Sa kadaldal namin di na namin namalayan.
"WOHOOOOO!!! GO LIONS. " Sigaw ni Keith. Siniko niya ako.
"Oy mag cheer ka naman sa asawa mo Raven" sabi ni Keith at nagpatuloy ito sa pag che-cheer.
"Yeah!" Nag apir kaming dalawa dahil naka score ang Lions. Sigawan at hiyawan ang naririnig sa loob ng gym.
"WAAAHHHHHHH GO! GO! LIONS" pag che-cheer ng malakas ni Keith.
"Grabe ha bakit di ka mag cheerleader" saway ko. Ngumiti siya.
"Sos, tumahimik ka nga Miss Chinese half korean. Mabuti pa ipag cheer mo yang husband mo" napatingin naman ako kay Spencer na ngayon ay nag dri-drible ng bola patungo sa ring at shoot.
"Ang galing ng husband mo Raven" paghangang sabi ni Keith kay Raven.
Ngumiti naman ako at eksakto pag tingin ko nakatingin pala si Spencer sa akin at ngumiti ito at nag flying kiss pa siga. Napalaki naman ako ng aking mga mata.
"Ayieehhh ang ganda ng ngiti ng husband mo ha at ganadong maglaro ah" kantyaw ni Keith sa akin sabay kurot sa tagiliran.
Sa kalob-looban ko di ko maitatanggi na humahanga ako sa asawa ko. Teka? May gusto na ba ako sa kanya?
![](https://img.wattpad.com/cover/218305416-288-k811137.jpg)
YOU ARE READING
Husband & Wife, for real?
Любовные романыLions Series No. 2 : SPENCER HAWKINS [ Book 1 ]