Chapter 19 💍

688 25 0
                                    

Raven's POV

Kakarating lang namin sa bahay ng Coach nila. Dito raw kasi sila nag abutan at iisang sasakyan lang raw ang gagamitin.

Sumakay kami sa bus. Andito na rin ang ibang Lions. May mga babae rin dito na kasama.

"Raven" nakangiting tawag ni Keith sa akin. Ngumiti ako.

"Doon tayu" sabi ni Spencer at umupo kami sa may right side at second to the last seats. Umupo ako sa may bintana.

Hinihintay namin ang ibang kasama nila. Habang naghihintay. Kinuha ko ang phone ko at wala lang. Naghahanap lang ng mapaglilibangan. Nagheadset ako at nakatingin lang sa labas ng bintana.

Maya maya pa ay nakaramdam ako ng gutom. Tinanggal ko ang headset at kinalabit si Spencer.

"Nagugutom ako" sabi ko sa kanya. Napansin ko rin na nagkakatuwaan ang ibang Lions. Anong nangyari?

"Hilton, give me two nagugutom ang asawa ko." Sabi ni Spencer.

"Oo, para saiyo Raven oh" tatayo sana siya.

"Wag kang tumayo gago. Akin na nga" sabi ni Spencer. Sungit nito.

"Seloso" sabi ni Drake. Sinamaan naman siya ng tingin ni Spencer. Nag peace sign siya at binigay ang dalawang pagkain kay Spencer. Agad namang binigay ni Spencer sa akin.

"Thank you Drake" nakangiting sabi ko.

"Your welcome Raven." Nakangiting sabi rin ni Drake. Napatingin ako kay Spencer. Sinamaan naman siya ng tingin ni Spencer kaya nawala ang ngiti niya. Siniko  ko naman ng mahina si Spencer.

"What?" Taas kilay niyang tanong .

"Wag mo ngang sungitan si Drake. Akala ko ba excemption sila sa pag seselosan mo?"

"Oo" sabi ni Spencer at nag iwas ng tingin.

"Ayun naman pala eh. Psh ,wag ka nang mag sungit diyan." Sabi ko at kumain na.

"Sorry" mahinang sabi ni Spencer at hinalikan ang gilid ng noo ko. Napapadalas rin siyang ganito. Napatingin ako sa kanya.

"Kain ka rin" sabi ko. Kinuha niya ang kamay ko at kumagat siya sa pagkain. Ngumiti ako at kumain na rin ulit.

-----

Tagaytay

At the Hotel

(Knock knock knock)

"Raven, asawa mo" bumangon ako sa kama at pumunta sa may pintuan.

"Bakit?" Tanong ko. Andito na kami sa mga rooms namin. Ka roommate ko sina Carl at Keith.

"Matulog kana ha. Bababa lang kami sandali para mag inuman." Sabi niya.

"Wag kang magpakalasing ha" sabi ko. Ngumiti siya at tumango.

"Oo. Tulog kana ha. Good night Hon" sabay kiss niya sa forehead ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Lock niyo na ang pinto." Tumango ako. Tumalikod na siya at ako nakatingin lang sa kanya na naglalakad.

Sinarado ko na ang pinto. Bumalik ako sa kama ko.

"Raven, Mauna na akong matulog ha." Sabi ni Keith na inaantok na ang mukha.

"Sige. Hintayin ko lang bumalik si Carl tsaka kami matutulog  na." Sabi ko.

"Okey Goodnight sa inyong dalawa ni Carl" sabi niya at umayos na sa paghiga.

Pumunta ako ng banyo at nagbihis ng pampatulog. Paglabas ko ng banyo eksakto na pumasok si Carl ng room.

“Si Keith tulog na?” tanong ni Carl. Tumango ako.

“Ikaw bat di ka pa natutulog?” tanong niya sa akin.

“Ah kasi parang nababaguhan ako ngayon na matutulog ako wala sa tabi ko si Spencer” sabi ko. Totoo naman kasi. Na sanay kasi ako na katabi ko siya lagi.

“Di ka pa ba inaantok?” tanong niya..

“Ikaw ba?” Tanong ko pabalik. Umiling siya. Umiling rin ako. Kaya nagngitian kami. Pumunta kami sa veranda. Umupo kami sa upuan at wala mag chichika muna kami.

“Matagal na kayong kasal?” tanong niya. Napapansin ko, ito ang kadalasan tinatanong ng mga tao pagnakakausap ako. Heheh.

“Bago lang. Arrange marriage” sabi ko.

“Nagkasundo naman kayo?” tanong niya. Ngumiti ako.

“Minsan. Kaso may problema yan eh.” sabi ko.

“Ha?" Taka naman siya sa sinabi ko. Ngumiti ako.

“Hehehhe. Ang seloso kasi” sabi ko. Tumango siya at ngumiti.

“Ang ganda mo kasi” sabi niya. Pang ilan na ba siya na nagsabi niyan. Heheh.

“Oy di naman. Ikaw ka ano ano mo si Dwayne?” tanong ko sa kanya.

“Dwayne ang name niya?” takang tanong niya.

“Oo si Dwayne Stanford.”

“Ah. Wala. Nung game kasi nila. Pinakyaw niya ang paninda ko. Di siya nakapagbayad kaya dapat magbabayad siya kanina. Pero ewan bigla nalang akong hinila at ito kasama niyo na ako.” Napangiti naman ako .

“Weird ba?” tanong ko. Tumango siya.

“Well, as you didn't know. Yang mga varsities na iyan. May mga kanya-kanyang topak yan sa ulo eh. Intindihin mo nalang” Pareho naman kaming napatawa ng mahina. Baka magising si Keith eh.

“Pero ang di ko maintindihan ay di ko naman siya kilala. Stranger lang kami tapos ito.”

“Hahahhah sabi sayo may mga topak yang mga iyan eh. Pero wag ka ha. You’re the first girl na ginanyan ni Dwayne”

“Ha?” Hays, halata talaga itong si Carl nga talagang Stranger talaga sila ni Dwayne. Walang ka alam-alam.e

“I mean. Lahat naman sila eh. Walang babaeng pinansin at wala pa nga yang mga naging girlfriend. Akala ko nga takot sa babae o allergy sa babae o di kayay bakla. Pero sabi ni Spencer na ganyan lang raw sila. Di pa raw time na magkainteres sila sa babae kaya nga sa ibang tao ang strikto ng mga iyan at ang cold pero pag sila sila lang. Na notice mo naman kanina sa bus paano mag asaran sila diba?” tumango siya.

“May lalaki palang ganyan?” Di makapaniwalang tanong niya. Napangiti ako at tumango.

“Oo naman. Di naman lahat ng lalaki mukhang babae eh hahahah” natatawang sabi ko. Mukha naman kasing di mga hilig sa babae ang mga Lions. Humaba na ang kuwentuhan namin hanggang sa dinalaw na nga kami pareho ng antok. Kaya nagdecide na kaming pumasok at matulog.

Husband & Wife, for real?Where stories live. Discover now