Raven's POV
Naglalakad ako ngayon pababa patungo sa first floor. Nang mapalingon ako.
"Girls, kilala niyo ba ang girl na Danielle ang name?" Tanong nung isang girl.
"Oo isa siyang fashion student. May ipapabibigay ka?" Sabi nung babae.
"Oo meron. Sige thanks" ayun umalis na ang babae. Bumaba na agad ako at sinundan ang babae. Nasa left side lang pala ng building namin ang Fashion designing business. Pumunta siya sa third floor. Huminto siya sa pangalawang classroom. Andito lang ako sa may unang classroom.
"Hi, is someone name Danielle here in your class? She is a girl ha." Rinig kong tanong niya. Ang lakas ng boses niya. Maya maya at nakita kong lumabas si Dan.
"Are you Danielle?" Tanong nung girl.
"Yes, who are you?" Tanong pabalik ni Dan. Ni head to foot nung babae si Dan.
"So, your Grey's girlfriend? Well, not bad. Well, ito pala. Gift ko yan kay Grey. He is the reason why I transferred here so give that to Grey myloves. Thank you. Send my message to him saying I love him. Chao" sabi nung girl at naglakad na. Madali naman akong tumalikod at ng mapansin kong nakababa na ng hagdan ang babae. Lumingon ako sa gawi ni Dan. Papasok siya ng classroom.
"Dan" tawag ko. Napalingon siya sa akin. Lumapit ako sa kanya.
"Why are you here?" Takang tanong niya sa akin. Tumingin ako sa loob ng classroom.
"No Prof?" Tanong ko.
"I don't know. Walang nagsabi eh kaya naghihintay lang kami. Baka dumating yun mayamaya" sabi niya. Tumingin ako sa relo ko.
"Malapit na ang lunch break. Di na iyon darating. Tara lunch tayu. Nagugutom na ako eh tapos si Spencer ay mamaya pa iyong alas dose. Ano tara?" Sabi ko na nakangiti sa kanya. Tumingin siya sa relo niya.
"Oo nga. Baka gugutomin lang namin ang sarili namin sa kakahintay sa Prof na iyon. Wait for me. Kukunin ko ang bag ko" sabi niya at pumasok na. Pagkakuha niya ng bag ay naglakad na kami pareho patungo sa cafeteria.
Nakakuha na kamo ng pagkain at palakad ako sa Lions Spot ng mapatingin ako kay Dan.
"Dan tara" sabi ko. Umiling siya.
"Pwede bang sa ibang mesa nalang tayo kumain." Sabi niya. Walang pag aalinlangan ay tumango ako. Nasa ibang mesa kami kumain. Nakaupo na kami. Nag umpisa na kaming kumain.
"Uhm. Dan. Danielle ang name mo talaga?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin.
"Oo, si Papa ang nagpangalan sa akin niyan. Bakit?" Takang tanong niya.
"Ang lakas kasi ng dating."
"Ikaw rin naman eh. Raven. Pero look at you ,ang nice mo, humble at ang simple mo. Di ka mukhang Ravena hahahhah" natawa ako sa sinabi niya.
"Hahhaha. Uhm Dan. Can I ask?" Tanong ko. Tumango naman siya.
"Kamusta ka?" Tanong ko. Tinignan niya ako na nagtataka.
"Ako? Kamusta ako?"
"Oo, kamusta ang araw mo?" Tanong ko.
"Okey lang. Ikaw kamusta araw mo?" Tanong niya pabalik sa akin.
"Ayos lang may tao lang ako na iniisip at nag aalala ako sa kanya." Sabi ko.
"Sino? Si Spencer? Okey lang ba siya. Okey lang ba kayo?" Umiling ako.