[Hello Kuya Spencer?]
“Uhm, Cy may itatanong lang sana ako sa iyo” sabi ko. Shit. Nakakaawkward naman nito.
[Ano yun kuya?]
“Uhm. About being a girl” panimula ko.
[Ha?]
“I mean, diba may monthly period kayong mga girls?” Tanong ko. I feel so awkward. Ito namang mga ito nakayuko lang.
[Oo kuya. Why did you ask?] Napatingin si Chen sa akin at tumango.
“Sabi ni Kuya mo. Pag period mo raw moody ka at highblood. Bakit?” Tanong ko.
[Well, to tell you honestly kuya. Ewan rin eh. Maybe ganyan talaga ako na tipo na girl na moddy at highblood pag period time. Although ang sa iba, mainit ang ulo nila because of their dysmenorrhea?]
“Dysmenorrhea?”
[Yes kuya, ang ibang girls kuya sumasakit ang puson pag may period. Pero ang iba sabi nila dahil raw may dugo na mainit kaya mainit ang ulo. Ewan sabi sabi lang yun eh. Bakit mo natanong kuya? Ang weird kasi nagtanong ka sa akin niyan.] Nag iwas ng tingin si Chen. Bumuntong hininga ako.
“Sorry Bunso, wala kasi akong alam sa mga girls eh. You know na”
[Heheheh Teka, si ate Raven ba?....]
“Oo, di ko kasi siya maintindihan eh” sabi ko.
[Kaya pala. Sos kuya ang gawin mo. Pagpasensyahan mo na. Normal lang sa aming mga babae na ganyan pag may period heheh intindihin mo nalang. Mawawala rin yan basta wag mo lang sabayan ang init ng ulo. Lalala yan]
“Thanks bunso”
[Ge kuya. Kamusta mo nalang ako kay Ate. Bye] inend na niya ang call.
“Oy mga bayad niyo. Andiyan na ng pagkain” sabi ni Stanford. Kumuha ako ng pera sa wallet at binigay sa kanya. Umalis siya.
“Oh ano sabi ni Cycy?” tanong ni Chen. Bumuntong hininga ako.
“Sabi ni bunso. Normal lang naman daw. Pagpasensyahan ko lang daw at intindihin at wag sabayan ang init ng ulo baka daw lalala.” Sabi ko.
“Talaga. Eh ako rin nga kay Cycy eh. Nagpapasensya nalang. Ang bangis pag ganyan” sabi ni Chen. Siya lang kasi ang kapitid na babae sa amin.
“Oh ito na pagkain niyo.” Sabi ni Stanford at inilapag ang mga pagkain sa mesa. Tumayo ako.
“Oh asan ka?” tanong ni Lou.
“Kayu nalang ang kumain. Uuwi ako. Mag isa lang si Raven. Ge mga pre” sabi ko at nag apir kaming apat at umalis na ako.
---------
Raven's POV
Nalibot ko na ang buong bahay. Wala siya. Ako lang mag isa. Saan na iyon? Umalis siya? Hays. Napatingin ako sa labas ng may narinig akong sasakyan na huminto. Sinilip ko may babaeng tumitingin sa bahay. Lalabasin ko na sana ng sumakay siya ulit sa taxi at umalis. Sino yun?
Umupo ako sa sofa. Ang sakit ng puson ko. Anong oras na ba? Makaidlip lang nga ng kunti. Ang sakit kasi talaga ng puson ko eh.
“Raven” may naririnig akong tumatawag sa akin.
“Raven”
Nakakarinig ako ng boses ni Spencer.
“Raven. Hon gising”