Spencer's POV
Magdadalawang buwan na si Raven na tulala at nagwawala. Umaga na ngayon at bumaba ako para pumunta sa kusina para magluto. Sunday ngayon at walang duty si Manang. Nasa kalagit anan ako ng pagluluto ng sumigaw si Raven. Napatakbo ako ng napakabilis.
"RAVEN"
Ayan na naman siya. Takot at umiiyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ginagawa ko ang lahat mawala lang ang trauma niya pero wala parin. Hanggang nagyon wala paring alam sina Yeye.
"Shhhh.... Tahan na. Please. Lahat na ginawa ko para sa iyo makalimutan mo lang ang nangyaring iyon. But this time please help yourslef also Hon. Hindi naman ako nahihirapan pero lang kasi Hon. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo. Please naman. Tama na." Bulong ko sa kanya habang niyayakap siya para kumalma. Unti unti naman siyang kumalma at tumahan na sa kakaiyak.
------
Nang kumalma siya pinakain ko na siya at pinahiga ulit para makapagpahinga. Andito ako sa sala dahil may tumunog sa telepono.
"Hello"
[Sir Spencer. Ang Lolo niyo po]
"Oh bakit? Nasaan si Lolo? Uuwi ba siya?" Tanong ko sa sekretarya niya.
"Hello. Are you still there?" Tanong ko dahil natahimik kasi sa kabilang linya.
[Si-sir. Ang Lolo niyo po.]
"Oo nga, ano nga?"
[W-wala na po si Sir. Patay na po siya] kaba ang nararamdaman ko ngayon.
[Sir nasa news po ngayon. Pakitignan niyo nalang po Sir] agad akong pumunta sa may TV at binuksan ito. Bumangat sa akin ang News.
Lahat nagulat ng mabalitaan at malaman ang nangyaring pagkamatay ng isang bilyonaryong businessman at owner ng isang famous na hotel sa bansa ang Hawks Hotel — na si Mr. Benjamin Hawkins.
Nakasaad rito na ang ikinamatay ng biktima ay pinasabog ang kanyang kotseng sinasakyan kasama ang mga bodyguard nito. Nangyari ang trahedya na ito sa Beijing, China kung saan may pag aari rin itong business sa Beijing na Hotel rin.
May nakapagsabi na ang dahilan sa nangyari ay dahil sa inggit sa yaman. Sa ngayon wala pang suspect kung sino ang nagpasabog at ito ang iniembistigihan ngayon.
Nanghina ang kalamnan ko ng makita ang balita. Gusto kong umiyak pero walang luhang babagsak pero sa kaloob looban ko umiiyak na ako.
"Bat ba nangyayari sa akin ito?" Sambit ko at napasalpak sa sofa at napapikit.
------
Araw ngayon ng Martes. Ngayon ang pagdating ng katawan ni Lolo. Nasa kuwarto ako ngayon habang nakatingin kay Raven na natutulog.
"Sir ,andiyan na po Lolo niyo at ang taga funerals" sabi ni Manang.
"Ikaw na bahala na magpaset manang. " Sabi ko.
"Sige ho Sir"
Hinawakan ko ang kamay ni Raven.
"Andiyan na si Lolo ,Hon. Hanggang ngayon kinokontak ko parin ang Yeye mo. Di ko siya ma kontak pero alam ko na alam niya ang nangyari kay Lolo. Hon, pagaling kana please. Kailangan kasi kita ngayon. Kailangan ko ng kasangga sa sakit na nararamdaman ko. " Di ko na alam napaluha na ako at inilagay ang kamay niya sa may mata ko.------
Nasa baba ako at wala akong lakas ng loob na lumapit sa kabaong ni Lolo.
"Condolence pre" sabi ng mga Lions. Wala si Captain.
"Si Raven?" Tanong nila.
"Nasa kuwarto. Ganun parin" walang ganang sabi ko.
"Sir, andiyan po ang mga ka business partner ng Lolo niyo." Sabi ni Manang.
"Face them Hawkins. Dito lang kami" sabi ni Scherzinger.
"Sige help yourself" sabi ko at nakipagharap sa mga tao na malapit kay Lolo. Mabait ang Lolo kaya madami siyang ka business partner na close friend niya.
"Spencer, Condolence" sabi ni Dan. Tumango ako.
"Andoon parin si Raven sa kuwarto. Puntahan mo kung gusto mo." Sabi ko.
"Oo naman. Okey ka lang?" Tanong niya. Umiling ako. Niyakap niya ako.
"Cheer up. Andito pa kami para sayo" ngumiti ako at tumango. Pagkatapos kung makipagharap sa mga tao ay pumunta ako sa mga Lions.
"May suspect na ba?" Tanong ni Chua.
"Wala pa pero ang sabi ng abogado ni Lolo. 100% possibility isa lang itong businessman rin. Business partner or whatsoever. Siya muna ang pinatutok ko sa trabaho sa kaso na iyan. Kailangan pa ako ni Raven eh. Di ko maiwan iwan." Sabi ko.
"Oo pala. Still?" Gets ko na ang tanong ni Samson.
"Oo mga pre. Di ko na nga alam ang gagawin ko eh" sabi ko. Inakbayan ako ni Arellano.
"But you still understand her situation diba?" Tanong niya sa akin. Tumango ako.
"Oo naman. Kahit ako nightmare iyong nangyari sa kanya." Sabi ko.
"Hawkins pre sorry late ako. Hinintay ko pang matapos tumalak si Dad. Condolence" sabi ni Lou na kakarating lang.
"Upo kana rito. Di ka ba napapagod sa ama mong iyan?" Tanong ni Marco kay Lou.
"Sos kung pwede nga lang makahanap ng ibang ama eh " napatawa naman ang mga Lions at napangisi lang ako.
"Bat wala si Captain?" Tanong niya.
"Ewan di namin ma kontak eh" sabi ni Marco.
"Si Veatrice, Baka magkasama sila" sabi ni Anderson.
"Oo pala Marco. Ano na kayo ni Vedaclee?" Tanong ni Lou.
"Ito chill chill lang."
"Okey na ba siya?" Tanong ko. Nagfake smile si Marco.
"Magiging okey rin." Sabi niya.
"Tawagan mo kaya si Vedaclee at ipatanong kung saan si Captain baka nagdate yun kasama ni Veatrice" sabi ni Lawrence.
"Okey sige wait" at tumayo siya at dumistansya.
"Okey na ba kayong dalawa?" Tanong ko kina Stanford at Chen. Ayon nag akbayan ang dalawa.
"Ayos na kami. Parehong gago eh" sabay sabi nilang dalawa. Napangisi naman kami.
"Mga pre, di magkasama si Captain at Veatrice." Sabi ni Marco.
"Baka naman may pinagawa ang Dad niya sa kanya. Alam niyo naman tapos ngayon. Magiging busy na" sabi ni Scherzinger.
"Oo pala. Training na." Sabi namin.
"So ikaw na ngayon ang CEO pre?" Tanong ni Stanford sa akin.
"Oo pero tatapusin ko parin ang training then doon ako na ang CEO." Sabi ko.
"Kayanin mo nalang yan pre. Alam mo naman na nangyari man ito o hindi kay Lolo. Gagawin mo parin ang dapat mong gawin" sabi ni Hilton. Tumango ako.
"Aba aba Hilton. May sense ka kausap ngayon ah" pambubuwisit ni Anderson sa kanya.
"Anderson naman nakakawala ka naman ng sense eh" sabi ni Hilton na napatawa sa amin pero mahina lang. It's still good thing though dahil kahit papaano alam kong kasangga ko tong mga ito.