Third Person's POV
One week had passed at ngayon na ang libing ng Lolo ni Spencer. Napakulong narin ang isang businessman na siyang gustong makipagsusyo sa Lolo ni Spencer pero hindi ito inamproban ni Mr. Hawkins dahil sangkot ang umanong businessman sa isang illegal na business kaya hindi ito nakipagpartner dito. Sa galit nito kaya niya pinasabog ang kotse na sinasakyan ni Mr. Hawkins. Nakakuha na rin niya ang hustisya. Napalibing na rin ang mga bodyguard na kasama ni Mr. Hawkins sa pagsabog at lahat ng gastos ay sagot na ni Spencer bilang pasasalamat sa family ng mga ito.
Andito sila sa private cementery kung saan ililibing ang Lolo niya. Nagkaroon ng maikling misa. Madaming dumalo at hindi na nila ito pinatelevice. Pinagbawal nila ang mga taga media. Isa isa nagsipagtayuan ang mga tao na close ni Mr. Hawkins para mag alay ng bulaklak. Lahat nakapag alay na habang si Spencer ay nakaupo lang sa silya at walang ganang tumayo.
"Pre, kailangan na ni Lolo ang bulaklak na iaalay mo" sabi ni Marco. Di umimik si Spencer.
"Hon" napatingin si Spencer sa kamay na nakalahad sa harap niya. Tumingala siya at si Raven ito.
"Tumayo kana and hold my hand. Andito na ako. Sorry natagalan ako" sabi ni Raven. Napatayo si Spencer at napayakap kay Raven. Dito na humagolgol ng iyak si Spencer. Na kahit ang mga Lions ay di makapaniwala sa pag iyak ni Spencer ng napakalakas dahil dito lang nila nakita na ganto si Spencer.
"Shhhhh... Andito lang ako." Bulong ni Raven sa tenga ni Spencer at hinahagod ang likod nito. Naghiwalay sila ng yakap at naglakad patungo sa kabaong ng Lolo ni Spencer.
"I know this is your first and last na makakaharap ka sa kabaong ni Lolo. Sulitin mo na ang gusto mong sabihin na paalam before you let go of that flower" sabi ni Raven kay Spencer.
"Hold my hand" sabi ni Spencer. Humawak naman si Raven sa kamay ni Spencer at huminga ito ng malalim.
"Lo" with his husky voice dahil na sa pag iyak niya.
"I know sinabi mo na sa akin na. Darating ang panahon na iiwan mo na ako. Pero naman Lo. Di pa ako prepare eh. Di ako handa. Alam kong di mo rin akong gustong iwan sa ngayon pero wala eh. Kinuha ka na sa akin. Sabi mo nga sa akin noon. Di mo ako iiwan kung di mo pa ako nakikitang reading-ready na. But still, kahit iniwan mo akong di pa ready. Magiging ready ako para sa iyo Lo. I won't let you down. I won't let down the people you've trust and the people you trust with my hand. Just guide me Lo, thank you for everything since I was born and now I'm a married man. Thank you and I'm letting you go Lo. Have a safe trip to heaven. I love you Lo." Huling mensahe niya sa Lolo niya at inalay na ang bulaklak. Nag alay rin si Raven ng bulaklak. Niyakap siya ni Spencer. Ngayon unti unti ng ibinaba ang kabaong at matatag na nakatingin si Spencer rito.
--------
Raven's POV
Nakarating na kami sa bahay. Dumiretso si Spencer sa taas.
"Raven. Mabuti okey ka na pala?" Tanong ni Jasper sa akin. Andito sila pati si Dan at Keith pero wala yung Captain nila.
"I need to be strong also for Spencer." Sabi ko.
"Oo Raven. Kailangan ka niya ngayon eh" sabi ni Shone.
"Ako na bahala sa kaibigan niyo. Salamat pala sa ginawa niyo para sa akin at pag tingin tingin kay Spencer nung di pa ako okey." Umakbay si Hilton sa akin.
"Sos no worries." Hinila siya nina Jdex at Dwayne.
"Ikaw talaga mag chachansing ka pa. Kung andito si Hawkins. Nakutusan ka na non" sabi ni Zander. Napangiti naman ako.