Nandito ako ngayon sa lugar kung saan maraming pangyayare na naganap sa buhay ko.Mga tawa, sagutan, asaran syempre di mawawala ang pikunan at meron den naman ang iyakan.
Tuwing titingin ako sa isang lugar naririnig ko ang mga halakhak at kung gaano kalakas ang mga tawa. Lumalabas ang ngiti sa aking mga labi kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha na nanggagaling sa aking mga mata.
Lagi kong sinasambit sa aking sarili na "Sana panaginip nalang lahat ng ito, lahat ng nangyayare" Puro sana nalang ako ngayon. Napangiti nalang ako ng mapait sa isipin kong ito.
Habang nagmumuni ako dito, di ko namalayan na papalapit na pala si kuya, kaya dali dali kong pinunasan ang aking mga luha.
"Let's go Eli" sabi ni kuya kaya agad akong tumayo at pinagpag ang aking damit at sumunod sa kanya.
Sa hindi inaasahan sa paglingat ng aking mga mata nakita ko ang isang taong pinagkatiwalaan ko ngunit ngayon ay kinamumuhian ko na.
" Ikaw, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito,kung hindi dahil sa kagagawan mo di mangyayare ito" sambit ko at biglang namuo ang galit sa aking mga dibdib.
Sa daming pwedeng gumawa noon, bakit ikaw pa? Nagsimula na naman at naguunahan tumulo ang aking mga luha......
------
First story ko lang po ito kaya wag kayo mag expect ng sobra hehe.The story of how met

BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Ficção AdolescenteHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...