Chapter 21:

8 3 0
                                    

Vote. Vote. Vote.

ELI POV:

" Sorry na nga kasi Eli, e ayaw mo kasi magising kahapon e, " pagpapaliwanag ni Dein kinabukasan.

Kung hindi ko pa pinaamin yang hinayupak na yan, di aamin. Siya na lang naman ang alam kong pwede pang gumawa saakin gaya nga ng sabi ko kung hindi sila Yue, siya lang.
Nagpapanggap akong walang naririnig. Kinuha ko ang aking ballpen at notebook sa bag, at nag drawing na lamang. Ginuhit ko kung ano ang nasa isip ko, kung ano ang iniimagine ko.

" Sorry na kase Eli, Huy, pansinin mo na naman ako, " pangungulit nito saakin at inuga uga pa ang aking kamay, tinanggal ko lamang ito at nagpatuloy sa aking ginagawa.

" Eli, sorry na nga e, pleasee, " Sinilip niya ang kanyang mukha sa mukha ko at nag puppy eyes, naging magkalapit din naman ang aming faces. Agad ko naman nilagay ang aking kamay sa kanyang mukha at pinalayo ito.

" Bakit kase sa dami ng pwede mong gawin e bat yun pa ang naisip mo? " tumunghay ako at tinaasan siya ng kilay.

" E kase, Sorry na nga e. Ano ba dapat gawin ko para lang mapatawad mo ako? " Biglang nagliwanag ang aking mukha dahil sa narinig ko.

" Gagawin mo lahat? " mabilis na pagtango ang kanyang naisagot.

" You'll be my slaved for one month, " bigla namang napaawang ang kanyang bibig. " And ililibre mo rin ako ng lunch, " I smirked.

" Mukhang mauubos allowance ko sayo ah, pero kung yun lang ang paraan para mapatawad mo ako, gagawin ko, " may gana pang ngumiti ang isang to. Napailing na lamang ako sa inasta nito.

Pumunta kami sa cafeteria at gaya nga ng napagusapan, siya ang gumastos ng makakain ko.

Kinuha ko muna ang aking cellphone at nilibang muna ang aking sarili habang hinihintay siya.

May panibago na naman silang pinagchichismisan dito, araw araw nalang at wala rin namang bago doon. Hindi naman ako interesado sa pinaguusapan nila, walang kwenta tss.

" O ayan napo pagkain mo, maam," sabi ni Dein pagkarating dito. Mukhang mageenjoy ako dito ah.

Imagine, ang isang Deinylhor Beilg ay magiging alipin. Tsk tsk tsk.

" Oh Eli andito ka na pala, " sabi saakin ni Dad pagkarating ko dito sa bahay. Nakaupo siya sa isang sofa sa salas at mukhang may inaasikaso na naman. Tinignan ko lamang siya, i dont want to say anything. Gusto ko kusa nilang maramdaman yung tampo ko sakanila, kaso mukhang wala e.

" Dito muna titira pansamantala ang iyong pinsan, " sabi pa nito.

" Sinong pinsan? " simpleng pagtatanong ko sakanya.

"Si Mailyrin, nandoon siya ngayon sa kusina kumakain, " Bigla akong natuwa sa narinig ko, hindi nako nagdalawang isip agad naman akong nagtungo doon na may ngiti sa mga labi.

Finally, makikita ko na ulit siya. 3 years na kaming hindi nagkikita. Sa state kasi siya nakatira. Nagvivideo call na lamang kami kapag may time.
Isa siya sa mga pinakamalapit din saakin,bukod kay Yue, halos ituring ko na siyang kapatid.

" Ate Mail! " Tuwang tawag ko sakanya. Para akong bata kung umasta pfft.

" Oh Eli, kanina pa kita hinihintay e, " sabi nito at agad naman akong niyakap, kaya niyakap ko rin siya pabalik. I really really miss her!

" Bakit ka nga pala nandito? " tanong ko ng pagkahiwalay ko sa yakap sakanya, at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

" O bakit ayaw mo ba akong nandito?" biglang naging malungkot ang kanyang mukha kaya naman natawa ako.

" Ofcourse not! "

" Well, dito muna ako pansamantala kaya makakasama kita, " sabay tingin nito saakin at kinain ang nasa tinidor niyang pagkain na cucumber.

" How long? "

" Maybe 5 months? Di ko rin alam e, " napatawa siya sa sarili niyang sagot.

Grabe sobrang saya ko!

Sa guestroom naman natulog si Ate Mail, remember di ako sanay ng may katabi? Gusto ko panaman siya makatabi kaso mukhang di ako makakatulog. Ewan ko ba.

Nandito kami ngayon sa Mall kasama ko si Ate Mail, mag wiwindow shopping kami. Antagal na rin nung last na ginawa namin ito e.

Pag ganitong magkasama kami, gusto niya siya ang bibili ng mga damit ko kaya hindi narin ako nangingielam. Magaganda naman ang binibili niya, at nagugustuhan ko rin naman iyon.

Pinapasukat niya saakin ang mga damit para masigurado kung nagkasya ba.

Pagkatapos ng pamimili niya saakin, syempre kailan siya din.

Kumain kami sa isa sa mga restaurant dito, siya na daw ang gagastos kahit nagpumilit pa ako. Minsan lang daw ito kaya naman pumayag na ako, mapilit rin naman siya e.

Nagikot ikot rin naman kami dito, mabuti narin na kakaunti lang ang tao dito.

Agad naman akong naglinis ng katawan pagkarating ko dito sa aking kwarto, at pagkatapos ay pabagsak akong humiga sa aking higaan. 

Di parin ako makapaniwala na nandito na si Ate Mail yehey!

---
The Story of how we met.

The Story of how we met (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon