Chapter 13:

10 4 0
                                    

Vote. Comment.

ELI POV:

Habang tumatagal mas nagiging komportable na ako kay Dein. Di ko ren alam kung bakit nag kaganoon bigla. Kung tutuusin hindi naman kami nagkakasundo.

May mga araw na siya ang kasama ko buong maghapon, dahil naren sa busy sila Yue at Ley sa mga project nila samantalang ako parela-relax lang.

Kahit naman na hindi ako gumawa ng ganyan pasado paren ako hindi nga lang kasing taas ng grado nila. Ang unfair man tignan, pero ganoon talaga e.

Syempre, hindi rin lumilipas ang isang araw nang hindi siya nang aasar at hindi ako napipikon. Ewan ko ba dyan sa lalaki na yan, buti nga napagtitiisan ko pa e.

" Tara Eli! " pag aanyaya saakin ni Dein at hinihila ang aking mga kamay, papunta sa kung saan.

" Saan na naman ba tayo pupunta? " tanong ko sakanya, at patuloy paren siya sa paghila

" Sa El Lae Garden," sagot niya at tumigil muna para lang sabihin yan

"Jusko Dein! Di mo ko kailangan hilahin, sasama naman ako e, " sabi ko na mababahiran sa aking pagsasalita ang pagkairita

" Chill, wag ka magalit, papanget ka lalo nan, " pang aasar pa nito

"You mean panget na nga ako, papanget pa lalo? " tanong ko sakanya at nakataas na ang isang kilay

" Di ako may sabi nan ha, ikaw, " sagot nito at sinamahan niya pa ng tawa

" Bahala ka nga jan! " sabi ko at nauna ng maglakad sakanya

" Hoy joke lang naman e, ang ganda ganda mo kaya, " pambobola nito, pero  sa ganoong paraan napapula niya agad ang dalawa kong pisngi.

At the end, napasama niya paren ako, nagpumilit ang hinayupak e, gusto ko rin naman

Nang makarating kami sa El Lae Garden, agad kaming nagtungo sa pwesto namen

" Eli? " pagtawag nito, kaya lumingon agad ako sakanya

" Hmm? "

" Okay na ba kayo ng pamilya mo? I mean, naguusap at nagpapansinan na ba kayo? " natahimik bigla ako sa mga tanong niya

Antagal na noong sagutan na nangyare saamin, pero hanggang ngayon di paren kami okay. Nakakatawa, hinahayaan lang nila lumayo ang loob ko sakanila.

"Let's not talk about that please?Gusto ko muna maging masaya kahit saglit lang" seryosong sabi ko sakanya, kaya tinignan niya ako at nginitian

May mga bata rin na naglalaro dito, pero hindi siya gaya sa iba na sobrang ingay, yung tipong nakakarindi na. Dito kasi sakto lang, oonti lang rin naman napunta dito.

Biglang tumayo si Dein, kaya tinignan ko siya na may nagtatanong na tingin at mukhang naintindihan naman niya agad ito, kaya sinagot niya ren

" Sa mga bata, makikisali tayo. Tara? " at ang kanyang mga kamay ay nakahanda na para tulungan ako tumayo

"What? Teenager na tayo uy, di tayo bagay sa mga ganyan" sabi ko pa sakanya at tinaasan ko pa siya ng kilay

" It's a big NO, NO, NO" Dugtong ko pa sa sinabi ko at may kasamang pag iling.

" Diba sabi mo you want to be happy? Kaya tara na, kikita mo yang mga bata nayan?" sabay turo niya sa mga ito.

"Ansasaya nila tignan oh, sa simpleng paraan lang napapasaya na sila kaya sana ganoon ka rin Eli. I want you to be happy. Tara?" sabi nito at nginitian ako. Kaya sa huli, pumayag narin ako.

Di ko alam kung bakit pagdating kay Dein napapasunod at napapayag niya agad ako. Kasi sa iba hindi ako ganyan, kahit kanila Yue.

Ano ba ang ginawa mo saakin Dein?

The Story of how we met (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon