Vote. Comment.
" Ansaya mo kagabi Eli ah? " sabi saakin ni Ley ng makasalubong ko siya dito sa hallway.
Tinaasan ko na lamang siya ng kilay at patuloy paren sa paglalakad. Iniisip ko paren yung nangyare kagabi at di ko maiwasan mapangiti.
"Ayiie si Eli, ngumingiti mag isa oh. May naalala yan, si Dein ba? Yung ginawa niya kagabi? " paguusisa ni Ley at may panuksong tingin
" Gash Eli, yung ginawa ni Dein kagabi di ako makapaniwala. Sumakit tyan ko kakatawa sakanya tapos ikaw nakisabay pa gash kayong dalawa! " dugtong pa nito, tawa paren ng tawa.
" Sana ganoon ka lagi kasaya Eli," seryosong sabi ni Yue, kaya napatigil sa pagtawa si Ley at napatingin kay Yue. Habang ako natigilan.
"What do you mean Yue? " tanong sakanya ni Ley at lumapit.
" Wala, nevermind" sabi nito at tumingin at binigyan ako ng simpleng ngiti.
"Punta pala muna ako library may kailangan ako isearch e, byeeee! " paalam saamin ni Ley at agad ren naman umalis.
Tuloy lang kami sa paglalakad ni Yue, samantalang ako tumitingin tingin na lamang sa paligid.
" Alam kong may problema ka Eli, kahit hindi mo sabihin. I know you well Eli, kita ren sa mga mata mo" sabi ni Yue sa kabila ng katahimikan. Childhood friend ko yan si Yue, kaya di naren ako magtataka. Samantalang si Ley ay 5 years palang kami magkaibigan kaya hinde niya pa ako lubusan kilala di gaya ni Yue.
" You know me well ha," sabi ko at tinignan siya, nagpatuloy paren sa paglalakad.
" Is this all about your family? " tanong niya kaya mas lalo akong natahimik at hinde nasagot ang tanong niya.
" I see, you know Eli I'm always here for you. Handa ako makinig, I can be your crying shoulder. Kahit hindi mo sabihin, alam kong may problema ka"
" I know Yue, I know. Thankyou" sabi ko sakanya at napayakap nalang bigla ng maramdaman kong tumulo ang luha sa aking mga mata.
Tinaas, baba niya ang kanyang mga kamay sa aking likod, para maramdaman ko na nandyan lang siya.
"Go cry Eli, alam kong matagal mo ng dinidibdib yan. Shhh, I'm here Eli" dahilan lalo ako mapaiyak.
Pamilya ko lang naman ang rason kung bakit ako gabi gabi umiiyak, but they dont know about that. Di nila alam yung nararamdaman ko.
Nang tumahan na ako niyaya niya ako sa CR naming mga babae para maghilamos at ayusin ang sarili ko. Nang maayos na naman taas noo akong nagpatuloy sa paglalakad, na para bang walang nangyare.
"Tuloy nako sa classroom ko Eli. Kaya mo yan ah? Bye," paalam ni Yue at sinuklian ko lamang siya ng ngiti.
Pagdating ko roon wala pang teacher kaya dumiretso nako saaking upuan, at agad akong nagsalpak ng earphones dahil ang ingay nila.
Mga nagsisigawan, nagiiritan na akala mo mga hindi Senior High kung makaasta itong mga to.
Maya maya Dumating narin ang professor namen kaya tinanggal ko na ang earphones.
Nang bumati ito, bumati ren naman ang mga kaklase ko at nagsitayuan.
Makita niya na ako lang ang hindi nakatayo, tinignan niya ako at tinignan ko ren naman siya pabalik na may kasamang taas kilay, tanging pagiling lamang ang nagawa nito.
Isang oras lang naman ang klase pero bat sobrang tagal? Feeling ko mga 3 hrs e.
Tumayo naman agad ako at nagtungo palabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Teen FictionHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...