Chapter 23:

6 2 0
                                    

Vote. Vote. Vote.

ELI POV:

Heto na naman tayo, nagtatalo na naman ang dalawa. Lagi nalang silang ganyan, hay nako kailan ba ako masasanay?

Dinala ako ng aking mga paa sa library, nagbasa na lamang ako dito ng mga novels.

Mas gusto ko pa basahin ang mga ganito kesa sa mga lessons na tinuturo ng mga teacher. Boring lang kase duh.

Biglang may naglapag ng gamit sa unahan ko kaya tinignan ko naman ito. I dont know her.

" Hi I'm Coleen. Transferee lang pp ako  dito e, " oh may transferee na naman pala, bakit hindi ko alam? Hindi ako nainform? Sabagay, di rin naman ako interesado sa mga ganyan.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. May makakapal na kilay,  malaking suot na salamin, maluwag na unifor, may  suot na mahahabang medyas at higit sa lahat may dalang makakapal na libro. Yeah, tama kayo ng iniisip isa itong nerd.

" Umalis ka sa harapan ko, " matigas na sabi ko at binalik ang aking mga paningin sa libro na binabasa ko.

" Ahm, wala na po kasing bakante na lamesa e, eto nalang po yung available, " sabi niya kaya naman agad akong tumingin sa paligid at tama nga siya eto na lamang ang bakante, pero kahit ganoon ayoko parin ang nandito siya.

" Umalis ka sa harapan ko, " paguulit ko, mukha namang natinag ito kaya agad naman niyang inayos at sinalansan ang kanyang mga gamit at dali daling umalis.

Kung makasuot akala mo nasa unang panahon, sabagay nerd nga diba. Aish, nakakadiri naman hindi man lang inayos ang sarili kahit yun lang.

" Sungit, " pagkarating na pagkarating dito, ayan agad ang sinabi ng hinayupak.

" O bakit ka nandito? " nakatunghay na ang aking mga ulo, at tinignan siya.

" Syempre wala doon, " pamimilosopo ng hinayupak na Dein.
Tinignan ko naman ito agad ng masama kaya naman agad niyang binawi ang kanyang sinabi at napakamot sa kanyang mga batok.

" Eh joke lang, gagawa ako ng  mga project. E bakit ikaw hindi mo ginagawa yung project? Malapit na deadline ah, " sinalansan niya ang kanyang mga gamit dito sa lamesa. Mga notebooks, bondpaper, ballpen, and yung mga printed, marami pa. Wala nakong magagawa kung papalayasin ko pa yan dito, di rin naman susunod yan.

" Tinatamad ako sa mga ganyang bagay, papasa rin naman ako, " walang ganang sabi ko sakanya.

" Let's say papasa ka nga kahit hindi ka gumawa. But you need to be fair Eli, " Eto na naman po,mangangaral na naman po siya.

" Isipin mo yung paghihirap na ginagawa ng mga classmate mo para lang makakuha ng mataas na grado, or just let say makapasa. Then you, pachill chill lang dyan? Mali yan Eli, kailangan mo din maghirap. Wag kang umasa sa kung anong meron at kaya mo, wala kang mararating sa buhay mo kung aasa at aasa ka lang," oh diba ang galing ko, hindi nga ako nagkamali manenermon na naman yan.

" Oo na, eto na, " sinarado ko ang binabasa kong libro at kinuha kung anong meron akong gamit sa aking bag. Pagdating sa kanya tumitiklop ako. Nakita ko naman, ang ngiti sa kanyang mga labi tss.

Naglalakad na ako ngayon palabas ng gate at para narin hintayin si Manong.

" Eli! " boses palang alam na agad kung sino.

" Oh? " sabi ko, tumigil muna sa paglalakad, at tinignan siya.

" Mamaya kana umuwi, Street food muna tayo, " pangiti ngiti niyang sabi. What the hell? Yung mga pagkain dyan sa kalye kakainin namin, at sa yaman ng hinayupak nato kumakain siya non? Yaks

" It's a no no no Dein, mag isa ka" tumalikod ako at nagpatuloy na sa paglalakad, malapit nako makaratingsa gate tapos bigla naman akong hinarang ng hinayupak.

" Please? Minsan lang to oh, " pinagdikit niya ang kanyang mga kamay at nilagay ito sa ilalim ng baba niya, kumbaga parang nagdadasal ganoon ang style.

" No Dein, yayain mo na ako kung saan wag lang dyan, " Di ko man natitikman mga pagkain dyan, at ayoko talaga tikman yaks.

" Dali na Eli, " nagmamakaawa na ampotek, kagwapong lalaki tapos ang ganyan ang itsura.

Shh lang kayo na sinabihan ko siyang gwapo ah? Baka biglang lumaki ulo nan.

" Fine, " Ang dugyot na kasi niyang tignan e, kulang nalang lumuhod sa harapan ko para lang mapapayag ako.

Pinapanood ko siya tumusok ng what do you call this? Fishball? Ah basta yun. Inalok niya naman saakin pero tumatanggi ako, pero mapilit e. Kaya sa huli kinain ko ito ng pilit rin.

" Oh akala ko ba ayaw mo? Nakakailan kana ah, " Yeah tama siya nakakailan na nga ako, gad ansarap pala nito bakit ngayon ko lang kasi ito natikman.

Pinatikim niya naman saakin ang iba dito, at lahat naman masasarap.

" Bakit ka nga pala kumakain nan? Sa yaman mong yan, sa itsura mong yan, kumakain ka nito, " sabi ko sakanya ng maubos ko na ang binili kong pagkain.

" Sa Yaya ko lang din to nalaman e, when i was a child dinadala niya ako rito. Alam na nila mom yon, nung una hindi sila sang ayon di rin naman nagtagal pumayag sila, " pagkukwento niya.

" Ohh, asaan na pala yung yaya mo na sinasabi mo? "

" She's dead, 3 years ago, " malungkot na ngiti ang naibigay niya saakin. Oh shit.

" Ahm, sorry," paghingi ko ng paumanhin sakanya, bakit kasi natanong ko pa yon e.

" It's okay Eli, so tara baka gabihin pa tayo dito mukhang napasarap ka panaman sa pagkain e, " patawa tawa na sambit niya at may halong pangaasar na kasama. Hinampas ko lamang siya sa balikat at napatawa narin.

Hays, ilang araw narin akong naguguluhan. Ilang araw ko na rin tinatanong sa sarili ko na kung ano ba yung nararamdaman ko kay Dein? Bakit everytime na kasama ko siya, siya lang nakikita ko? The heck! Bakit ganon?! Aish Eli, umayos ka nga. Mukhang kailangan ko na ata ipayos ang mga mata ko, may diperensya na ata e.

Arghhhh! Bago lang saakin to, kaya wala akong alam sa mga ganitong bagay! Ano ba ito?!  Hay nako Dein! Pinapa-stress at pinagiisip mo ako ng ganito. Aish Eli! Eli! Wala yan okay? Kakapanood ko lang siguro ito ng movie kaya ganito e.

-----
The Story of how we met.

The Story of how we met (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon