Chapter 2:

25 6 0
                                    

Vote. Comment.
ELI POV:

*tinining* *tinining*

Tinignan ko ang alarm ko kung anong oras na. Gaddd! It's already 8:00 Am, bat ngayon lang to tumunog?!! Aish.

Dali dali akong bumangon, at agad na dumiretso sa CR. Ginawa ko yung daily routine ko.

Again, hinde na naman ako kumain sa bahay.

Nakarating ako sa school namen ng 10:00 Am, 2hrs late.

Pagkarating ko sa classroom agad akong pumasok, wala akong pake kung may teacher na nagtuturo sa unahan. Basta tuloy tuloy lang ako.

"Ms. Leinborg why are you late?" tanong ni Sir lumpia, kaya napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

" Pake mo? May reklamo ka? Iskwelahan mo? Baka gusto mong mawalan ng trabaho" Taas kilay na sagot ko,na dahilan ng ikatahimik niya.

"Bastos" tinignan ko ang nagsabi non, oh the transferee boy.

" Nakahubad bako para maging bastos sa paningin mo? Pinagnanasaan mo siguro ako no? " Naka smirk na sabi ko at dumiretso na sa aking upuan.

Wala pakong limang minuto sa pagkakaupo ng biglang nagpaalam na si lumpia.

"Saan tayo ngayon? " tanong agad ni Ley.

"Tambayan" simpleng sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad, agad naman silang sumunod.

"Dito nalang tayo baka lalong masira na naman ang araw ko dahil sa transferee boy na yon" sabi ko ng makarating dito.

"Bakit ba ang init init ng ulo mo kay kyuti boy? Wala naman ginagawa sayo yun ah" Tanong at sabay tingin saakin ni Ley.

"Kyuti boy? The transferee one? Yaks Ley, tigil tigilan mo nga pagtatanggol sakanya" Iritang sagot ko.

"Umorder nalang tayo at ipadeliver nalang naten dito." at ganoon nga ang ginawa namen

Pagkarating ng pinadeliver namen na Pizza, Rice, fried chicken, Fries, and sundae agad kaming kumain. Di ko alam kung bakit gutom na gutom ako kahit na kakapasok ko palang naman, maybe kase di ako kumain ng breakfast?

Pagkatapos namen kumain at linisin ang pinagkainan agad na kaming dumiretso sa kanya kanya naming classroom. Yes, di kami magkakaklase.

" Good afternoon class"

"Good afternoon maam! " nakatayo at magalang nilang sabi habang ako eto nakaupo lang at walang pakialam.

"Ms. Leinborg?" Problema nitong gurang nato sa akin?

"oh?" walang galang na sagot ko sakanya

" Baka gusto mong tumayo gaya ng mga kaklase mo? Sabi ko good afternoon"

" Ayoko tamad ako, di ako gaya gaya para gayahin sila. Alam kong afternoon na di pa kailangan sabihin kase may orasan din ako dito" Tsss daming alam pwede naman magturo nalang.

Napailing nalang ang naisagot nitong gurang nato.

Nagsimula na siya magturo, habang ako? Eto bored na bored. Boring niya kase mag turo e. Nagsalpak na lamang ako ng earphones sa aking tenga at nakinig sa musics. Di ko namalayan nakatulog na pala ako

"Hoy eliii! "

"Jusko eli, wake up! "

"Eliiiiii!" sino ba naman tong mga to?! Istorbo sa tulog ko.

Minulat ko ang aking mata at doon ko lang na realize na uwian na pala.

"Lez go" sambit ko at agad na tumayo.

"Ano na naman ba ginawa mo Eli at puyat na puyat kana naman? " usisa ni Yue.

"Chismosa ka talaga Tss" Kahit kailan talaga to si Yue, lahat nalang naitanong

Pagkarating ko sa bahay agad akong nagtungo sa aking kwarto at naglinis ng katawan. After doing that, bumaba nako para maghapunan.

Nagulat ako ng makita ko si daddy na nakaupo sa sofa. Usually kase wala siya dito or late na siya umuwi, busy sa work e.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kusina ng bigla niya akong tawagin.

"Eli"

"Yes dad? " nakangiting sagot ko

"Ano na naman itong nababalitaan ko na di mo na naman nirerespeto mga guro mo?" Eto na naman tayo. Agad napawi ang mga ngiti saaking mga labi.

"Sino nagsabi sainyo nan dad? " simpleng tanong ko

"Next time Eli, ayos ayusin mo ugali mo. Di kita pinalaki ng genyan, bakit ayaw mo gumaya sa mga kapatid mo?! Kababae mong tao ganyan ugali mo! " Nanggagalaiting sabi niya. Tf, sino na naman kaya ang nagsumbong?

He's always like that. He always compared me to my siblings.

Pasok sa isang tenga labas sa kabila, ganiyan nalang lagi ang ginagawa ko.
"Tuloy na ko sa kusina, kakain lang" Pabalang na sagot ko. Pati tuloy sakanya nawawalan ako ng respeto

"Eli! Di pa tayo tapos mag usap! " Sigaw saakin ni Daddy.

Patuloy paren ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa kusina at naghanda ng aking makakain. Kakaonti lang ang kinain ko, nakakawalang gana.

Pagkatapos nito nilagay ko na sa lababo at agad na nagdiretso sa aking kwarto.

Makalipas ang ilang minuto, dinalaw na ren ako ng antok.

-----
The Story of how we met

The Story of how we met (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon