A/N: I also write convo story, if you want to read them add me on my facebook account, Tricia Caraan. Thanks! Enjoy Reading.
DEIN POV:
Tahimik lang akong nagmamaneho habang si Eli ay tahimik rin na natutulog dito sa tabi ko.
Tinignan ko saglit si Eli, at binalik rin naman agad sa daanan.
Ang peaceful niyang tignan, at the same time ang ganda niya rin.
Baka mamaya lumaki ulo nan, dahil sa compliment na binibigay ko sakanya.
Nang makarating na agad dito sa resorts, which is yung venue agad kong ginising si Eli.
" Eli, wake up. Andito na tayo" tinapik tapik ko ang kanyang mga balikat.
"Hey Eli, puyat ka na naman ba? " kahit anong gawin ko ayaw niya paren magising kaya may naisip akong kalokohan.
-----
ELI POV:
" Sunog! Sunog! Sunog! " sigaw nung kung sino kaya naman agad akong napabangon.
"Nasaan yung sunog? Asaan? " tumingin tingin ako sa paligid ko at nakita kong si Dein na tawa ng tawa.
"Bwiset ka talaga! Akala ko may sunog na! " pinaghahampas hampas ko siya, habang siya naman ay todo ilag na.
" E kasi po kanina pa kita ginigising dyan, ayaw mo magising. E yun lang naman ang paraan na naisip ko," patawa tawa parin na sabi niya.
" Bwiset ka parin! " nababahiran ng pagkairita sa aking boses.
" Yaks! May laway," sabi pa nito at tinuro ang bandang labi ko, kaya naman agad akong tumingin sa salamin. Gash nakakahiya!
Pagtingin ko, wala naman kaya tinignan ko ang hinayupak ayun humagalpak na ng tawa.
Napakamasayahin naman, sana ol.
" Wala ka bang magawa sa buhay at ako ang pinagtitripan mo? " sabi ko at tinaasan siya ng kilay
" Wag ka na maraming tanong, tara na baka naghihintay na sila sa loob, " Tinignan ko muna ang aking sarili ko bago ako tuluyan lumabas ng sasakyan.
Inalalayan naman ako ni Dein sa paglalakad.
"Wow, ang gentleman mo ngayon ah ano nakain mo? Pahinge naman, " sabi ko sakanya ng may halong pang aasar.
Ako naman ngayon, Dein. Napangiti nalang ako sa isiping ito.
" Di pa po ako nakain, tsaka gentleman naman ako ah lalo na pagdating sayo, " mababakas ang ngiting pang asar sa kanyang mga labi
" Baka gentle dog kamo,"
" Wow, ano ako aso? " sambit pa nito.
" Oo, mukha mo palang asong aso na," napatawa ako sa sinabi ko, hay nako.
" Aray ko ha, awts, " sabi pa nito na may pahawak dibdib effect pa
" Oa mo, di bagay sayo, " sabi ko at nauna nakong maglakad sakanya.
Ang bagal e, akala mo babae kung maglakad.
"Eli, hintayin mo ko uy! " sigaw pa nito, kaya nag tinginan yung ibang tao.
" Ako ang babae kaya hindi dapat ako ang maghihintay, " sabi ko at tinignan siya, pagkatapos nito tsaka nako nagpatuloy sa paglalakad.
Nakahabol naman agad ito, at hingal na hingal na
Kawawang Dein, bagay nga sayo yan.
" Para kang aso dyan na nanghihingi ng pagkain, " pang aasar ko sakanya. Paano ba naman nakasimangot ang mukha, di naman bagay sakanya." Ansama mo talaga saakin kahit kailan, " sambit niya at tinignan ako.
" Di kaya, " pagtatanggi ko kahit alam kong totoo naman yon.
" Di daw, " bulong pa nito.
" Bubulong kana ngalang yung maririnig ko pa, o bakit may angal ka? "
" Wala po hehe," agad naman kaming nakarating sa dito sa room ko kung saan niya ako pinagreserved.
Duh, ako lang magisa dito ayoko sa lahat ng may kasama matulog o kasama sa iisang kwarto.
" Pwede kana umalis, " sabi ko ng makapasok na ako.
" Taray, eto na aalis na nga, wag mo kalimutan ilock pinto mo. Sunduin kita, pagkakain na, magsuot ka ng maayos na damit. Gusto ko maging presentable ka. Sige na bye, " pagkasabi nito ay agad naman siyang umalis at sinarado ang pinto, at nilock ko rin naman ito gaya ng sabi niya.
Nilibot ko ang aking mga mata dito sa loob, hmm maayos, maganda at malinis naman. Sabi ko sa isiping ito na may kasama pang pagtango.
Nagpahinga muna ako saglit, tsaka ko na pagdesisyunang magbabad muna sa bath tub, may ilang oras pa naman.
Pagkatapos ng mahabang pagbabad at paliligo, sinimulan ko na ayusin ang sarili ko.
Makikita ko na pamilya niya, gash. Sinimplehan ko lamang ang paglalagay ng make up, ayoko rin naman masyadong maraming kalorete sa mukha kaya ayos nato.
I wore a simple dress and a simple sandals.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, wow ang ganda mo Eli. Habang ang ginawa ko naman sa buhok ko ay plinantsa ito.
Nang makita ko na okay na naman ako, maayos na sarili ko hinintay ko na lamang si Dein.
Hindi rin naman nagtagal sinundo niya narin ako.
" Pinaghandaan talaga ah, " sabi nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
" Hoy hindi ko to pinaghandaan na, baka nakakalimutan mo biglaan mo kong sinundo. Sadyang maganda lang talaga ako duh, " sabi ko sabay irap sakanya at talabsik ng buhok.
" Alam mo kanina mo pako tinatarayan, " pansin ko rin.
" Di ko pa nakakalimutan ginawa mo saakin kanina, " sabi ko habang patuloy parin sa paglalakad kasabay siya.
Nakarating din naman kami agad sa pinaka venue ng event. Andaming tao, di ganito ang ineexpect ko, bigla tuloy akong nahiya
" Akala ko ba kakain lang tayo, at pamilya mo lang kasama? E bat andaming tao? " pagtatanong ko at pinagmasdan ang paligid.
" Kakain nga tayo, nandyan rin naman sila mom nakalimutan ko sabihin sayo na madaming tao hehe," sabi pa nito at napakamot nalamang sa kanyang mga ulo.
Kahit kailan talaga Dein, buti nalang naayusan ko talaga sarili ko, kung hindi magmumukha talaga akong dugyot.
Hinatid naman ako ni Dein sa isang table at sinamahan niya narin ako doon. Duh, wala akong kilala dito bukod sa kanya.
" Dyan kanalang, ako na kukuha ng pagkain, " sabi nito sabay alis.
Nilibot ko ang aking paningin, mukhang mayayaman ang lahat na nandito sa pananamit at pagsasalita pa lang nila malalaman mo na.
Maya maya dumating narin naman si Dein dala ang mga pagkain, at nilapag niya rin ito sa lamesa
" Bakit ang dami mong kinuhang pagkain Dein, di ko kayang ubusin yan,"
" Edi pag di mo naubos o dimo kaya, iwan mo dyan simple as that Eli, " agad niya rin naman sinimulan ang pagkain, ganoon rin naman ako.
Tahimik lamang kami parehas na kumakain, nang biglang may babae na dumating.
" Dein, " tawag nito kaya naman biglang kaming napatingin.
Kahit si Dein lang tinawag e. Bakit ba gusto ko tignan kung sino yon e.
" Ah hi mom, " sabi pa nito at agad namang tumayo para humalim sa pisngi nito.
Gash ayan na pala mom niya, hindi halata kasi ang dalagang tignan at ang ganda.
" Oh, who's that beautiful lady? " sabi nito sabay tingin saakin.
" Btw mom, Si Eli po," pagpapakilala nito kaya agad naman akong tumayo at nginitian siya. Sign of respect.
" Girlfriend mo? " tanong pa nito
-----
The Story of how we met.
BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Teen FictionHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...