Vote. Comment.
LEY POV:
Hi, pakilala muna ako. I'm Ley Pein friend of Eli. The daughter of the owner of El Lae Garden. Yes, yung pinagtatambayan ni Eli. Madalas ren na naman na kami ang kasama niya sa pagpunta roon.
" Yueee! Yueee! " Pangungulit ko dito na may halong panggigigil.
" What? " Matipid niyang sagot. Kahit kailan talaga ang tipid nito magsalita.
"Whatawat. Andyan na si Dein! Ang gwapo niya talaga. Omygashhhh! " kinikilig na sabi ko na may kasamang hataw
"Aray ko naman ah. Ano gusto mong gawin ko? Magtatalon den kagaya mo? Magpaparty? "
" Panira ka talaga kahit kailan Yue! Suportahan mo nalang kaya ako, mas matutuwa pako sayo"
" Sige, mukhang kailangan mo talaga ng suporta pag naabutan kang ganyan ni Eli. " Aish! Diko alam kay Eli bakit ang init init ng ulo kay Dein.
Tumunog na ang bell sign na magiistart na ang klase kaya agad akong nagtungo sa classroom ko at ganoon ren naman si Yue. Wala pa si Eli, late na naman yung babaeng yon. Panigurado puyat na naman, ano kaya ginagawa non at lagi nalang puyat. Kahit kailan talaga.
-----
ELI POV:
Naglalakad na ako ngayon papunta sa classroom ko. Sa bawat classroom na nadadaanan ko may mga napapatingin na Studyante, sino ba naman ang hindi mapapatingin sa ganda kong ito?
As usual, pagkapasok ko naguumpisa na sila.
Papasok na ako ng tuluyan at patungo sa upuan ng bigla akong tawagin ni Ms. Gonzales, ang English teacher namen.
Tumingin muna ito sa kanyang oras at sinabing" It's already 9:30 Am Ms. Leinborg. You're late"
" May orasan ako, di mo kailangan sabihin at alam kong late ako" Dami pang sinasabi bat hinde na lang ako hayaan.
" Hey Ms. Leinborg, hindi porket ikaw ang anak ng may ari ng school na ito pede mo na ko ganyanin, bastusin. Pwede mo na gawain ang lahat ng gusto mo" Sa lahat ng teacher namen, siya lang ang ang lakas loob sumabat sa akin.
" Gusto mo mawalan agad ng trabaho? " Taas noo at kilay kong sabi sakanya,dahilan ng pagkatahimik niya.
Pagkatapos ng sagutan na naganap, agad naman siyang nagpatuloy sa pagtuturo. Samantalang ako eto papikit pikit na sa isang gilid. Antok na antok pa talaga ako.
Nagtungo agad ako sa tambayan namen para umiglip muna. Nang matapos na ang klase namen sa subject na iyon. Antok na talaga ako, di na kaya ng mga mata ko. Kaya pagkarating ko doon, agad kong hinagis ang gamit ko kung saan at pabagsak na humiga." Yue naman kase e! "
" Ikaw nalang ang umorder, ikaw ang nagugutom diba hinde naman ako? "
" E ikaw nalang kase, andami ko pang ginagawa oh"
" oo na, oo na, manahimik kana dyan"Nagising nalang ako dahil sa ingay ng dalawa.
"Ang ingay niyong dalawa. Nakikita niyong may natutulog diba?" minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanila.
" Bakit kaba kase puyat na puyat? Ano ba ginawa mo? " tanong saakin ni Ley, at sinisimulan na niyang ayusin ang kanyang mga gamit.
" Bar" simpleng sagot ko dahilan ng pagtitinginan nilang dalawa.
" Bar?! Paano kanaman nakapasok doon? Bawal kapa diba? " Tanong saakin ni Yue, at sabay lapit.
" I have my ways. Wag na kayo maraming tanong,nasaan na yung pagkain? " sabi ko at agad na nagtungo sa salamin para tignan ang itsura ko, grabe walang pinagbago Maganda paren.
*Dingdong* *Dingdong*
" O ayan sakto lang yung dating" sabi ni Yue at binuksan ang pintuan para kunin ang inorder na pagkain. Pagkalapag naman nito sa lamesa agad namen sinimulan kainin.
Naglalakad lakad muna ako ngayon, samantalang sila Yue ay naiwan doon dahil may ginagawa pa sila.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakabangga saakin dahilan ng pagkatumba ko.
"Aray! Ano ba? Tignan mo kase ang dinadaanan mo!" agad akong tumayo at tinignan ko ang gumawa nito.
"Ikaw na naman?! " dugtong ko ng malaman kong si Dein pala ito. Lagi ko nalang ba siya makikita?
"Tignan ang dinadaanan? Bat hinde yan ang sabihin mo sa sarili mo? Kung saan saan ka kase nakatingin" sabat pa neto.
" Pwede wag kana maraming sinasabi? Pwede mag sorry kanalang? "
" Bakit ako ba ang may kasalanan? Diba hinde? Ikaw ang magsorry sa ating dalawa" I admit it, ako ang may kasalanan pero never ako magsosorry.
"Ikaw ang nakabunggo diba? Kaya mag sorry kana, para tapos ang usapan"
" Hinde ako magsosorry sa ayaw at sa gusto mo" sabay alis pa nito. Aba, siya pa may ganang umalis! Bwiset ka talagang lalaki ka! Kailan kaba may magagawang tama?!
Buong maghapon iritang irita ako. No one ever try to talk to me kase nasisigawan ko talaga sila.
Nang matapos ang klase tinext ko agad si manong para sunduin ako.
Hinintay ko naman siya sa parking lot at maya maya ren naman ay dumating na siya.
Nagsalpak ako ng earphones sa aking tenga at nakinig sa mga musics. Inopen ko den ang IG account ko.
Deinylhor started following you.
Di ko na tinignan ito dahil hinde rin naman ako interesado sakanya lalo lang ako naiinis pag nakikita ko pagmumukha niya.
Maramdaman kong tumigil ang sasakyan, binaba ko ang bintana at tumingin sa paligid.
Tinanggal ko muna pansamantala ang earphones ko at kinausap si Manong.
"Manong what happened? "
"Ma'am nasiraan po tayo" Gashh! Kung kailan ko gustong gusto na makauwi, kesa naman nangyare to.
Bumaba naman si Manong at sinimulan na itong ayusin.
"Manong matagal pa ba yan? "
"Malapit na po maam" Inip na inip nako, gusto ko na humiga sa malambot kong kama.
Natapos ren naman agad ito kaya agad niyang pinaandar at nakarating naren kami sa wakas sa bahay.
Bago ako tuluyang umakyat sa kwarto nakita ko si mommy na sa sala.
Matutuwa na sana ako, kase andito siya, kaso inaatupag na naman ang business at seryosong nakaharap sa laptop niya kaya hinde ko na siya inistorbo at nagpatuloy na sa pag akyat.
"Ma'am nakahain napo pagkain niyo" katok ng isa sa mga yaya dito.
" Coming! " Pagkasabi ko nito lumabas ren naman agad.
Nandito sila, pero hindi ko man lang nakasabay kahit man lang sa pagkain. Lumabas nalang ako muna ng bahay at pumunta sa garden para magpahangin.
Kaso sa hinde inaasahan biglang umulan, dahilan ng pagkabasa ko.
Ano ba yan! Anong kamalasan ako meron ngayon?!
----
The story of how we met
ShaliciousA/N: Slow update po hehe.
BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Teen FictionHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...