Chapter 10:

12 5 0
                                    

Vote. Comment.

DEIN POV:

I can't believe na isang Eli Leinborg/ the mataray girl/ the dragon ay ngitian ako. Mukhang may himalang nangyare. O baka naman namamalikmata lang ako? Nag iimagine?

Pero impossible dahil nakita ng dalawang mata ko ang isang tunay na ngiti na nanggagaling sa kanyang mga labi. Sana lagi ka nalang ganyan

Mas bagay ang nakangiti sayo, Eli.

------

ELI POV:

" Andito na ang listahan ng mga magkakapartner niyo para sa gaganapin na prom" sabi ni Ms. Gonzales pag kapasok niya dito sa aming classroom.

Sinisimulan na niya banggatin ang pangalan ng iba habang ako naghihintay sa pangalan at sa magiging partner ko. Curious ako kung sino ba ito, baka isa na naman itong dugyot tss.

" Eli Leinborg, and Dein Beilg" biglang nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Wtf? Sa dami ng pwede kong makakapartner siya pa?

" Bakit siya ang makakapartner ko? Baguhin niyo yan! " utos ko, bakit kasi si Dein pa?!

" Sorry to tell you Ms. Leinborg naisettle napo lahat. Kung babaguhin papo ito, magkakaroon ng conflict" Ano bayan! No choice ako kundi siya nga ang makakapartner ko.

Tinignan ko si Dein at nakita ko itong pangiti ngiti.

" Nginiti ngiti mo dyan? Tuwang tuwa ka na ako makakapartner? Well, ako kase hinde e! "

" Ang cute mo kase" sabi nito dahilan para mag "Ayiiiie" ang mga kaklase namen.

"What? " ayan lang ang nasabi ko sa kabila ng pagkagulat ko.

" Ambingi mo sabi ko" sabi ng hinayupak na si Dein.

"Tama na yan, mamaya na kayo magharutan. Let's proceed to our lesson now" Mas lalo akong nahiya sa sinabi ng teacher na ito, gash di naman harutan yon ah? Epal kase itong Dein na ito!

Sinabihan ako ng cute? Grrrr! Malinis naman ang tenga ko, pero bakit hindi ko ito narinig ng ayos? Jusko, Dein! Nacucurious ako sa sinabi mo!

Kaya pagkatapos ng klase agad ko siyang nilapitan.

"Kailangan mo? " sabi nito, wow antaray ah.

" Ano ulit yung sinabi mo kanina? Na cute ako? " naglakas loob pako para lang itanong sa kanya yan.

" Di makamove on? "

"Gash Dein, sagutin mo nalang! Nacucurious ako!  " nababahiran na ng pagkairita sa boses ko.

"Alam mo lagi nalang iritang irita yang boses mo. Nagmumukha ka tuloy na manang" sabi pa nito habang nakatingin saakin at nagpipigil ng tawa.

" Sabi ko ang cute mo" dugtong pa nito dahilan para mamula ang pisngi ko. Tama pala ang pagkakarinig ko, akala ko mali ako. Gash, nakakahiyang nagtanong pako.

" Oh, bat natameme ka dyan? Kinikilig ka no? " sabi nito at may mapanuksong tingin.

" Ang kapal mo, mahiya ka nga" sabi ko sakanya pabalik.

"Hinde daw, pero biglang natameme at namula ang pisngi" bulong niya, pero narinig ko naman ng buo, pero nag mang maangan ako na di ko ito narinig ng ayos.

" May sinasabi ka? " taas kilay na tanong ko.

"Antaray mo na naman. Susundiin kita bukas ng gabi sa inyo" oh, bukas na nga pala ang prom namen. 6:30 pm ang start.

"Kaya ko pumunta dito mag isa"

" Partner kita, at yun ang responsibilidad ko. Sa ayaw at sa gusto mo susunduin kita" mukhang no choice ako dahil mapilit ang isang to kaya tumango nalang ako bilang sagot.

"Una nako, dika pa uuwi? " sabi nito, pakialam niya ba?

" Dipa, may pupuntahan pako e. Tsaka di ako magpapasundo kay Manong, gusto ko muna mapagisa" simpleng ngiti lamang ang sagot ko.

"Wow, sa pangalawang pagkakataon nginitian moko" sabi neto, yes pangalawang beses na ito.

" Samahan na kita? Baka kung ano pa ang mangyare sayo"

"Akala ko ba uuwi kana? " tanong ko sakanya, kase yun ang sabi niya.

" Samahan na kita, ang lungkot ng mga mata mo e" sabi nito at nauna ng maglakad saakin. Hinde man lang ako pinauna, walang ka gentleman sa katawan tss.

Di ko alam pero pumayag den ako sa gusto niya. Siguro kailangan ko lang ng masasabihan. Diko masabi kanila Yue, dahil nahihiya ren naman ako sakanila. Kahit kaibigan ko sila, di ko magawang magkwento, diko den alam kung bakit.

Agad naman akong sumunod sakanya, at nakita ko siyang naghihintay sa labas ng sasakyan niya.

Nang makita niya ako, agad niya naman akong pinagbuksan at agad ren naman ako pumasok.

" Saan tayo? " tanong nito habang sinisimulan ng paandarin ang sasakyan.

"El Lae Garden" sabi ko at agad ren naman siyang sumunod.

Pagkarating namen roon, hindi ko na siya hinintay pagbuksan ako ng pinto, nagkusa nako.

Makababa ako hinintay ko ren siyang makababa at sabay kaming pumasok.

Agad naman ako nagtungo sa pwesto ko at sumunod ren naman siya. Hinayaan ko na lamang siya, dahil wala ren naman akong oras para makipagtalo ulit.

Antahimik, ang peaceful tignan kahit medyo gabi na.

" May problema ka ba Eli? Ang lungkot ng mata mo, that's not Eli" siya na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Ah, wala lang to" isang simpleng ngiti lamang ang binigay ko.

"Dalasan mo pag ngiti mo, mas bagay sayo" sabi nito, gash Dein.

"You know, you can share it with me. Makikinig ako, kahit na ang sama sama mo saakin" bigla naman ako napailing sa huli niyang sinabi.

" Pwede? Secret lang naten to ah? Promise? " sabi ko at sabay tingin sakanya.

"Promise, go makikinig lang ako dito"

Kaya sinimulan ko na ikwento sakanya ang nangyareng sagutan namen nila Mom.

"Alam mo Dein, All i need is their time and attention pero bakit di nila maibigay yon. Yes, malaki ang responsibilidad nila sa trabaho pero kahit konting oras di nila ako mabigyan" kanina pako naiyak dito, at panay punas ren naman ako gamit ang binigay niyang panyo. Habang siya tinotoo niya ang sinabi niya na makikinig lamang siya.

"I dont know what to do, Dein." tinignan ko siya.

" Pinagkait ng mundo ang saya na gusto ko" dugtong ko pa at pinunasan ang tumulong luha sa aking mga mata.

Niyakap niya lamang ako, di na ako umangal kase ito ang kailangan ko ngayon. Thankyou, so much Dein.

Nang medyo okay nako, niyaya na niya ako umuwi dahil gabing gabi naren naman. Hindi ren naman ako hahanapin sa bahay, kahit siguro di ako umuwi e. Wala na naman silang pakialam.

-----
The Story of how we met

The Story of how we met (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon