ELI POV:
Pumipili kami ni Dein ngayon ng mga susuotin namen na damit sa darating na Pageant. Ngayon na namin na isipan, tutal wala rin namang pasok, tsaka free time naren.
May inoffer saakin si Mom, kaso mas gusto ko ako yung bibili, para magpares ang damit naming dalawa ni Dein.Sports attire, gown, casual, lahat lahat ng kakailanganin namen sa pageant binili na namin ngayon. Isang bilihan nalang, isang puntahan naren.
Nang masigurado namen na ayos na, kumpleto at wala ng kulang agad naman namin itong binayaran. Naka 8k+ mahigit na ako, ang laki.
Nagtungo na ren naman kami ni Dein sa kanyang sasakyan, at pupunta kami sa practice.
Magpapractice kami ng talent na gagawin namen. Ang balak namen ay mag gigitara siya, tapos kakanta ako. Duh, ang ganda ganda ng boses ko, sayang to kung hindi ko ipaparinig.
Mukha siyang common right? Pero hindi lang yan." Wala sa beat Dein, " simpleng sambit ko, ng hindi niya masabayan ang kanta na kinakanta ko.
" Pinagaaralan ko pa kase yang sinabi mong kanta e, " sagot naman niya habang inaayos ang mga string sa kanyang gitara
" Okay, take 2," agad naman siyang tumango at sinimulan nang mag strum sa hawak niyang intrustemento which is ang gitara, nag iimprove naman onti nalang sasakto na.
Nakailang ulit kami, pag may mali ulit uli sa umpisa. Di namin ito tinigilan hanggat sa hindi namin ito napeperfect.
Nang maging maayos na ang lahat, sumakto na sa beat, at maganda ang kinalabasan tumuloy naman kami sa next naming gagawin.
" Pahinga muna tayo Eli, pwede? Kakapagod e, " sumang ayon na lamang ako sa gusto niyang mangyare, masakit na rin ang boses ko.
Nakakapagod naman kasi talaga siya, kanina pa kami dito tuloy tuloy walang pahingahan.
Ayaw namin kumuha ng magtuturo sa amin, mas gusto namin kami talaga makakatipid den sa pera. Masyado ng magastos itong pageant na ito.
" Order tayo ng foods? " tanong niya pagkatapos ko umupo dito sa kanyang tabi
" Sige, " sabi ko habang nakapikit ang mga mata, habang dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin at nakatingala.
Andito nga pala kami sa Garden ng bahay namin. Ayaw namin sa loob dahil maraming babasagin at mahahalagang bagay doon baka makasira pa kami, malagot kami parehas.
Pinili naming umorder dahil ayaw narin namin makaabala sa mga yaya dito, andami nilang kailangan gawin, maramig pinapagawa sila Mom and Dad sakanila, kaya kailangan agad nila matapos iyon kundi mapapagalitan silang lahat.
Gusto kasi nila Mom pag binigay na ang isang gawain kailangan gawa agad, huwag ng patagalin pa, ayaw rin nila ng pabagal bagal ang kilos.
*Dingdong* *Dingdong*
"Order na ata naten yan, ako na kukuha, " sabi ni Dein sabay tayo at agad rin naman nagtungo roon para kuhanin.
Bumalik siyang dala dala ang pagkain at agad naman itong nilapag sa isa sa mga lamesa na nakalagay dito sa aming garden.
Pizza, fries, at burger ang inorder na pagkain. Ayos na ito, dalawa lang naman kaming kakain e. Pagka-lapag niya nito, ay agad rin naman naming sinimulan kainin.
" Alam mo Eli, " Panimula niya
" Hinde, " Pambabara ko
" Wala pa kase epal to, makinig ka muna, " sambit niya at tinignan ako ng masama kaya naman natawa ako sa reactiong pinakita niya. Sarap talaga asarin ng isang to, mabilis mapikon hays.
" Gustong gusto ka ni Mommy for me, Support niya pa nga ako sa panliligaw sayo e, " nakangiting sambit niya habang nakatingin saakin, di naman ako agad nakaimik dahil sa narinig ko.
" Oh bakit bigla kang natahimik dyan?" tanong niya, halatang nanunukso. Kibit balikat na lamang ang naisagot ko.
" Yiee kinikilig siya oh, namumula ang pisnge yiiie, " Mapang asar na sambit niya, grrr.
" Blush on lang yan, " sambit ko habang nakatingin sa malayo. Di ako makatingin sakanya, gad naiilang ako.
" Blush on? Nakalimutan mo maglagay nan diba, kakasabi mo lang kanina, " Owgad, oo nga pala. Palusot mo bulok Eli.
"Yiee si Eli babe kinikilig, "
"Babe mo mukha mo. Tigil tigilan mo ko sa kakaganyan mo Dein, " agad ko naman siyang hinampas sa kanyang mga balikat, kaso ang hinayupak biglang nakailang, hangin tuloy ang naihampas ko
Dahil sa pikon, agad rin naman akong tumayo at umalis doon.
"Hoy joke lang e, " habol niya Tss. Bakit kase kailangan niya pa ikwento yon e, ayun tuloy naiilang ako.
"Ewan ko sayo, " sambit ko at patuloy paren sa paglalakad, kaso ito naman parang asong nakabuntot.
"Sorry na, " harang niya sa dinadaanan ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay, kaso biglang nagpuppy eyes, kaya natawa ako. Ang rupok ko ah.
"Alam mo para kang aso, " tatawang sambit ko kaya naman agad siyang napasimangot.
Maya-maya napagdesisyunan rin naman naming bumalik sa pagpapractice, para matapos na agad namin.
Duh, sayang lahat ng pinaghirapan namin kung mawawala lahat ito, kung matatalo kami.
Kaya hangga't sa kaya namin manalo, gagawin namen. Ito na yung chance, hindi na namin ito sasayangin.
BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
JugendliteraturHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...