Vote. Vote. Vote.
DEIN POV:
" Siguro eto na nga ang tamang panahon para sabihin ko sayo, " sambit ko at mahahalata mo saaking boses ang kaba.
Kahit walang kasiguraduhan, susugal ako.
"Ha? " nagtatakhang tanong niya.
Kaya mo yan Dein, kaya mo yan.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa aking sasabihin.
" I know this is weird, but i like you Eli,no no no, Let me replace it. I love you Eli, " diretsuhang sambit ko, bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Kahit ako rin naman kasi e magugulat.
" H-how? " nauutal na sambit niya.
" I dont know how Eli. But everytime na kasama kita, ansaya ko. Buo na ang araw ko. Gusto ko buong attention mo na saakin lang Eli. I dont know," First time ko lang umamin ng ganito! Para akong babae kung umasta, pero kinakabahan talaga ako.
" And pag nagmahal ka, kusa mo nalang yang mararamdaman. Magugulat kanalang, One day ganoon na ang nararamdaman mo. Walang pinipili ang pagmamahal, " diretsuhang sambit ko at naglakas loob akong tignan siya sa kanyang mga mata para mas maramdaman niya na sincere ako sa mga sinasabi at inaamin ko.
" Ako? Mahal mo na agad? Wow ah, speed ka, " natatawang sambit niya.
May gana pang magjoke ang isang to, samantalang ako todo na kaba rito.
"Nagjojoke ka ba Dein? Kase kung oo, di ako natutuwa, " dugtong pa nito.
" I'm not joking Eli. Totoo lahat ng sinasabi ko, mukhang speed pero wala e eto talaga ang nararamdaman ko. Di ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob Eli, para lang umamin sayo, " pageexplain ko sakanya.
Namayani ang katahimikan saaming dalawa, di alam kung sino ang unang magsasalita.
Kaya kinuha ko na ang pagkakataong iyon.
" Eli, please look at me, " pagkasambit ko nito, ay agaran rin naman niya akong tinignan. Kinuha ko ang mga kamay niya at nilagay ko naman ito sa aking mga kamay, at tinignan siya sa kanyang mga mata.
" Eli Leinborg, Can i court you? " mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko dahilan para lali siyang hindi makapagsalita.
" Yes or No man ang sagot mo, liligawan pa rin kita. No can stop me. Gagawin ko ang lahat para makuha kita, para mapasaakin ka, "
" But how about my parents? Bawal pa ako Dein, malalagot ako nito kanila Dad e," natatarantang sambit niya. Buti naman naisipan niyang magsalita.
" That's not a problem Eli, " sabi ko at abot langit ang ngiti. Kung kanina ay kabado, ngayon ay hindi na.
" Ha? " salubong ang kanyang mga kilay at lalong nagtaka siya dahil sa reaction ko at the same time sa sinabi ko.
" Bago pa man ako umamin sayo, una nakong lumapit sakanila and napagpaalam na kita, " sabi ko sakanya, at bigla naman nanlaki ang kanyang mata.
Kanina niya pa reaction yan, wala na bang iba? Tss.
"B-but h-how? " pagtatanong niya kaya naman kinwento ko sakanya ang nangyare.
*Flashback*
Nagdadrive ako ngayon papunta sa company ng mga Leinborg, siguro ito na ang tamang oras.
Patuloy lamang ako sa pagmamaneho, ng biglang mag red ang traffic lights kaya tinigil ko na muna ang aking sasakyan.
Inipon ko ang lahat ng lakas na loob na meron ako.

BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Teen FictionHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...