Chapter 8:

17 5 0
                                    

Vote. Comment.

ELI POV:

" Calling to the attention of all students please proceed to our auditorium now" sabi sa speaker. May mga speaker dito each room para sa mga announcement, gaya na lamang nan.

Nagsitayuan ang mga studyante samantalang ako nagpapahuli at humahanap ng tyempo para makausap si Dein.

Nang makahanap nako agad akong lumapit sakanya.

"Ahh,  Dein ano kase.... " ewan ko ba pero kinakabahan ako, di lang talaga ako sanay "Ahm, thankyou pala kahapon" mataas pride ko pero ngayon binabaan ko, narealize ko kase na siguro kung hindi niya ako tinulungan hindi paren ako maayos ngayon at nakahilata lang sa daan, kung saan ako bumagsak.

Wala kaseng nagtatangkang lumapit saakin, alam kase nila ugali ko. Alam nila na ayokong ayoko dumikit mga balat nila saakin pero si Dein lang ang nag lakas loob para tulungan ako.

"Wow, ano nakain mo at nagthankyou ka? at parang ambait mo ata?" Gulat na gulat ang kanyang mukha. Sino ba naman ang hinde magugulat ang isang Eli Leinborg ay magpapasalamat sa isang hinayupak na si Dein.

"Alam mo, mag welkam kanalang kaya andami mo pang sinasabi dyan e, buti nga nagthankyou pako sayo e"

"Responsibilidad ko pa na magthankyou ka? "

"Mag welkam kana lang kaya ano, dami mo pang dada diyan e"

" Ayan na naman, ang taray mo na naman. Balik mo nga yung Eli kanina na nagthathankyou" sabi nito at may mapaglarong ngiti sa mga labi.

"Ah, Dein ano kase.. Ahm, thankyou pala kahapon" panggagaya niya pa sa boses ko dahilan ng pagkairita ko.

"Bwiset ka talaga Dein kahit kailan! Panira ka e! " Nang makita niya na naiirita nako, agad siyang tumakbo palayo at patawa tawa pa

Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!!!! Nagpapadyak na ako dito sa inis. Kahit iritang irita nako dito nagdesisyon paren ako magtungo sa auditorium.

Nakita ko agad sila Yue na kumakaway kaya agad akong nagtungo roon.

" Bat nakasimangot na naman mukha mo? " daldal talaga ni Ley kahit kailan.

Tinaasan ko nalang siya ng kilay kaya agad ren siyang tumahimik.

" We have a prom on next week" agad agad? Prom lang naman pala ang iaannounce nila, dami nilang alam pede naman teacher nalang mag announce sa bawat room.

" Kami ang magbibigay ng partner niyo, kaya pinapunta ko kayong lahat dito dahil may chance na hinde ang kaklase niyo makapartner niyo, may chance na manggagaling ito sa ibang section" nakakainip naman e, dami pang sinasabi tsss. Btw, yung nagsasalita sa unahan ay ang principal ng school na ito, si Mrs. Quer.

Pagkatapos ng announcement na iyon, ay agad kaming nagtungo sa cafeteria.

Pagkarating doon agad naman silang umorder, sila na nag order saakin, alam na naman nila kung ano gusto ko.

Usap usapan dito sa loob ng cafeteria ay ang tungol sa prom. Kung ano susuotin nila, kung sino gusto nila makapartner.

Samantalang ako eto walang pakialam sa prom nayan, wala naman akong mapapala dyan, despite of that kailangan ko paren umattend kung hindi mapapagalitan na naman ako ni Dad. I dont know kung bakit kailangan lagi akong nandyan sa mga occasion na ganyan. Diba sila makakapag celebrate ng wala ako?

" Eksayted nako sa prom omygashhhh! " sabi ni Ley pagkarating nila dito sa table habang sinasalansan ang mga dala nilang pagkain.

"Kahit hinde mo sabihin saamin Ley, halata naman sa mukha mo" seryosong sabi ni Yue.

" Pake mo ba? Masama ba magshare? " pabalik na sagot ni Ley.

" Tama nayan, kumain na tayo. Wala namang bago sa prom na yan" Sumingit nako sa usapan ng dalawa dahil magsisimulang magbangayan na naman yan.

"Btw Eli, Sama sama ba ulit tayo bumili ng gown? " nakatingin na tanong ni Ley at sinagot ko lamang siya ng simpleng tango.

Nakasanayan na namen yon, pag may mga ganitong occasion sabay sabay kaming mamimili ng damit o ng mga kakailanganin

After class, I decided to go home. Wala ren naman akong gagawen kung mag iistay lang ako sa school, nakakaboring lang.

"Mom, may prom pala next week" sabi ko at tumabi sa kanya sa upuan.

"I know and yung money na pang gagastos mo pala nailagay na namen sa bank account mo" simpleng sabi nito na may kasama pang tango habang nakatingin at may inaasikaso sa kanyang laptop.

"Ahm, pupunta po ba ulet kayo doon? " Usually kase pag may ganito sa school napunta sila, hinde sila nawawala. Tsaka kailangan ang pamilya namen roon.

" No, may kailangan kami asikasuhin sa company naten" Trabaho na naman.

" Puro trabaho nalang inaatupag niyo" sabi ko nito at sabay tayo, bigla na lamang ako nawala sa mood.

"What?" sabi nito at tinignan ako dahilan para tumigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya.

"Asikasuhin mo nalang trabaho niyo, sabagay mas mahalaga naman yan sainyo diba? "

"You know Eli, ginagawa namen to para sayo. Para sa kinabukasan mo, para mabigyan ka ng magandang buhay" sagot nito saakin.

"Mom, hinde pa ba sapat to? Itong buhay na binigay niyo? Nakakatawa kayo mom, sabi niyo para saakin lahat ng ginagawa niyo? E para lang naman yan sa company na pinatayo niyo" Pinipigilan ko tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

" Company nalang ba ang mahalaga sainyo? Paano naman ako? Mom, may naghihintay sainyong anak dito." Pagpapatuloy ko

"Eli! Saan ka natutong sumagot saakin ng ganyan?! Para saiyo itong ginagawa namen! Why dont you appreciate it?! You know Eli hinde ako ginaganyan ng ate at kuya mo! Kailan mo ba ako gagalangin gaya ng pag galang nila saakin?! " galit na galit na si mom, samantalang ako ito pinupunasan na ang mga luha na nagsisi-unahang bumagsak.

"Dyan naman kayo magaling mom e, ang ikumpara ako sakanila! "

"Eli! Respect your mom! " nangibabaw ang sigaw ni Daddy dito sa loob ng bahay. Tumakbo nalang ako pataas ng hagdan para magtungo saaking kwarto.

"Eli bumalik ka dito! Di pa tayo tapos mag usap! Bumaba ka! " pahabol na sigaw pa nito ngunit patuloy paren ako sa pag takbo hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.

Nang makarating ako, agad akong pumasok at nilock ang pinto.

Umiyak lamang ako ng umiyak dito sa isang gilid.

Paano ko sila rerespituhin kung ganyan naman sila saakin? Paano? Mom, dad, kailan niyo makikita halaga ko? When I'm dead? Palagi nalang bang ganito? Kailan ba na ako naman ang uunahin niyo?
-------
The Story of how we met
Shalicious

The Story of how we met (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon