Vote. Comment.
ELI POV:
Patuloy paren sa pagtakbo si Dein, at patuloy parin ako sa paghabol sakanya. Bwiset talaga kahit kailan e.
"Ayiiie, sila Ate Eli at Kuya Dein," kantsawan ng mga bata.
Jusko mga batang ito, ambabata pa andami agad mga alam.
Hanggang sa mapagod ako, tumigil naren ako sa kakahabol. Di talaga nagpapatalo tss.
Umupo ako sa isang tabi at kumuha ng tubig saaking bag, at ininom ito.
Hingal na hingal ako, gash!
" Oh pagod ka na agad? Ambilis naman yata," sabi ni Dein ng makarating siya dito sa pwesto ko at umupo.
" Di naman ako gaya mo no! Alam mo ba? Syempre hindi mo alam, first time ko lang humabol ng ganoon, at first time ko lang din ng mapagod ng ganito tas sayo pa," hihingal hingal na sabi ko
" Edi ayos" sagot nito sakin habang pinagmamasdan ang mga bata
" Anong ayos doon? Nakakapagod kaya, wala ng susunod, " sabi ko at sabay inom ng tubig. Hoo.
" Ayos yon kasi, first time mo tas saakin pa" bulong nito, ngunit hindi ko masyadong narinig.
" Anong sabi mo? Kasi ano? " sabi ko dito at tinignan siya. Nacucurious ako sa sinabi niya. Sa ganyan kasi kahit maliit na bagay, mabilis ako macurious.
" Wala" sabi nito at nilayo ang mukha ko sakanya, dahil sobrang lapit na talaga.
"Ano nga kasi? " pangungulit ko sakanya
" Wala nga, tara bumili nalang tayo ng ice cream, my treat, " pag aaya nito at tsaka tumayo. Napasimangot naman ako bigla.
" Ayaw mo? Bahala ka jan, mga ganitong oras panaman may nagpaparamdam dyan sa bandamg likod mo" pananakot nito at natakot naman ako. Kaya agad agad akong tumayo at sumunod sakanya habang siya ay patawa tawa
" Takot" bulong nito na narinig ko naman, kaya agad ko siyang hinampas sa braso.
Doon kasi sa pinagpwestuhan namin mapuno na siya, madamo medyo malayo rin kami sa mga bata, pero kahit nandoon kami sa pwesto nayon tanaw parin namin sila. 5:30 narin kasi ng hapon.
" Anong flavor sayo? " tanong nito ng makarating kami dito sa bilihan ng mga pagkain. Grocery store den siya, kaso hindi ngalang kasing laki nung sa iba. Yung dito kasi sakto lang.
" Cookies n' cream," simpleng sagot ko sakanya at binili niya naman agad ito.
"Same vibes," sabi naman nito.
Libre niya daw so hindi na ko nagbigay ng pambayad madali naman akong kausap.
Nang mabili na niya ang ice cream, agad naman kaming lumabas at bumalik sa favorite spot namen.
Tahimik lamang akong kumakain at ganoon rin naman siya. Hanggang sa...
" Gash Dein! Ang lagkit nan oh! " sabi ko sakanya na may halong pagkairita.
Sino ang hindi maiirita pinahiran niya lang naman ako ng ice cream sa mukha kaya hindi ako nagdalawang isip na pahiran den siya.
Aba, hindi nagpatalo si hinayupak pinahiran din ako pabalik pagkatapos nito gawin tumakbo agad siya.
Bwiset ka talaga Deinylhor! Agad naman akong tumayo at hinabol na naman siya sa pangalawang beses na pagkakataon.
Kaso dahil sa katangahan ko, bigla nalamang akong nadapa.
" Aray, " sabi ko at agad namang lumapit saakin si Dein para alalayan ako. Tinignan ko siya ng masama
"Kasalanan mo to e! " sabi ko ng maiyak iyak na, gash sobrang sakit talaga
" Mamaya mo nako sermunan, kaya mo ba tumayo? " tanong nito
" Sa tingin mo kaya ko? E sobrang sakit nga nito" pagtataray ko sakanya, nakakainis talaga.
Inalalayan niya naman akong tumayo at pumunta kami sa isang bench at doon umupo.
" Ano po nangyare kay Ate Eli? " tanong ng mga bata pagkakita sa tuhod ko.
" Natatanga tanga e, di tinitignan ang dinadaaanan ayan nadapa" sagot ni Dein sa tanong ng mga bata. Paghampas na lamang ang nagawa ko.
" Dyan kalang wag kang aalis, wag matigas ang ulo. Mga bata, pakibantayan si Ate Eli ah? Sumbong niyo saakin pag matigas ang ulo" bilin nito at agad namang umalis.
Gash Dein, saan kaba pupunta? Tinignan ko ang tuhod ko kung saan may sugat. Gash! Antanga mo rin naman kasi Eli e, bat di mo napansin na may bato doon!
Hindi rin nagtagal bumalik rin si Dein dala ang kanyang Kit. Mukhang kumpleto naman ito at mukhang kinuha niya rin ito sa kanyang sasakyan.
Pagkarating niya dito, agad naman siyang lumuhod at ihanda ang mga gagamitin sa sugat ko.
Isa isa rin naman nagsiuwan ang mga bata, dahil nandyan rin naman ang mga sundo nila.
" Aray ko naman Dein! Dahan dahanin mo naman! " sabi ko sakanya na mababahiran ng pagkairita, ginawa niya naman agad ang sinabi ko.
" Ikaw kase e, hindi mo tinitignan dinadaanan mo ayab tuloy," sabi nito
" So ako pa may kasalanan? Kung hindi kanaman kasi nagpahabol di naman mangyayare ito e,"
" E bakit mo naman kasi ako hinabol? Pede namang huwag na ah" sabi nito. Bakit nga ba? Kahit ako hindi ko rin alam.
" E sa gusto ko makaganti sayo e," pagpapalusot ko nalamang, ayoko din naman ipahiya sarili ko
" Alam mo Dein, first time yan. I mean, first time magkasugat yang mga tuhod ko at first ko lang din madapa" Sabi ko nga sainyo, nung bata pa ako nasa loob lang ako ng bahay.
Gash todo ingat panaman ako sa mga tuhod ko.
" Ah, first time, " mababakas ang mga ngiti sakanyang mga labi
"Ngini-ngiti ngiti mo dyan? "
" Wala lang, " simpleng sagot nito ngunit may halong ngiti parin. Napailing nalamang ako, weird.
" Mawawala din naman agad yan diba? " Pagtatanong ko na sakanya, kasi mukhang hindi na naman niya sasagutin yung tanong ko. Tanging pagtango lamang ang naisagot niya.
Pagkatapos niya gamutin ang sugat ko, inalalayan niya naman akong tumayo papunta sa sasakyan niya.
Magdidilim naren, kaya napagdesisyunan na namaing umuwi.
----
DEIN POV:
Hi guys! Ampogi ko paren.
Tuwa ang naramdaman ko ng malaman ko na, first time yon ni Eli at saakin ba.
Maliit man na bagay, pero para saakin hindi e. Ansaya lang sa feeling
Ano ba ginawa mo saakin Eli at naging ganito ako sayo?
-----
The Story of how we met

BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Novela JuvenilHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...