A/N: Thank you po sa mga nagbabasa, so much appreciated!
ELI POV:
Ilang buwan na rin ang nakalipas pero andami na agad na nangyare, di pa man natatapos ang taon.
It's Christmas Day! Kaya eto kami ngayon nasa loob ng Mall. Yes Kami, ibig sabihin may kasama ako, at walang iba ang nagiisang hinayupak na si Dein.
Ayoko sana e, gusto ko ako lang ang mag isa pero mapilit e, kaya wala rin akong nagawa. Ugali niyan, ang pilitin ako ng pilitin hangga't pumayag ako.
Habang naglalakad ay tumitingin tingin din ako sa paligid na nagbabakasaling may magustuhan ako.
" Dein, " tawag ko sakanya at patuloy parin sa paglalakad.
" Oh? " simpleng sagot siya, ang tahimik at mukhang malalim ang iniisip ng isang ito.
" Ramdam mo? " sambit ko sakanya.
" Yes kanina pa, just continue what you're doing. Wag nating ipahalata na nakakahalata na tayo, " gaya nga ng sabi niya tinuloy ko ang ginagawa ko, hawak hawak ang aking bag na nakasabit sa isa kong balikat ay pumasok ako sa isang bilihin ng mga pabango agad naman sumunod si Dein.
Sa ilang buwan na lumipas, siya na ang nakasama ko sa lahat. Wala sila Yue at Ley e, busy sila sa mga bagay na pinagkakaabalahan nila.
Tumingin ako sa mga nakapaligid na pabango dito, sa panlalaki muna ako ngayon. Balak ko sana bigyan ng regalo si Dad. Tinitignan ko kung anong brand, presyo at especially ang amoy nito.
Sa ilang buwan narin yon, nagpapansinan at naguusap narin kami nila Mom and Dad, pero hindi na gaya ng dati. Tuluyan nang lumayo ang loob ko sakanilang dalawa.
" Tahimik mo ata, " sambit ko ng mapansin kong kanina pa hindi umiimik ito, patuloy parin ako sa pagtingin sa mga pabango hanggang ngayon wala parin akong nagugustuhan hays.
Tanging ngiti lamang ang naibigay niya.
" May problema ka ba? " tinignan ko siya ng seryoso at diretso sa mga mata.
" Wala, go continue kalang dyan sa ginagawa mo, wag mo ko ako isipin okay lang ako, " mukhang walang balak sabihin ang isang to, at finally! May napili narin ako. Di matapang ang amoy, masakit sa ilong iyon, sakto lang ang amoy nito at nakakapang akit ng chix choss.
Pagtapos naman nito ay agad kaming nagtungo sa bilihan ng mga necklace, this time para naman ito kay mom.
" Wala ka bang bibilhin Dein? Regalo sa parents mo? O kahit na sino? " antahimik talaga niya! Gad hindi ako sanay. Kumikinang ang mga alahas na nandito sa loob, at sa unang tingin pa lamang ay mapapansin mo ng mamahalin ang mga ito.
" Ay oo nga pala, " kamoy batok na ika niya, lutang ata to e.
" Maiwan na muna kita, text nalang ako sayo pag tapos nako and mag reply ka kaagad ah? Wag mo isilent phone mo tsk. Text ka kung nasaan ka, pupuntahan kita, " pagkasabi nito ay agad naman siyang tumalikod at naglakad kung papunta saan. Hindj man lang hinintay sagot ko ampotek.
Yeah, laging nakasilent phone ko kaya minsan di ko napapansin mga tawag at text niya. Tinignan ko ang papalayo niyang katawan, at ng hindi ko na ito makita nagpatuloy nako sa pagtingin.
Ramdam ko parin na may nakamasid sa bawat kilos ko kaya naman agad akong tumingin sa bandang iyon, pero napansin kong wala naman. Aish!
Pagkatapos nito ay agad naman akong tumungo sa bilihan ng mga damit, balak ko sanang regaluhan si Dein, tutal wala naman siya ngayon nako bibili.
Ngunit sa pangalawang pagkakataon, tinignan ko na naman ang paligid ko, may nagmamasid talaga e! Kaso sa pagtingin ko, wala naman.
DEIN POV:
"Maiwan na muna kita, text nalang ako sayo pag tapos nako and mag reply ka kaagad ah? Wag mo isilent phone mo tsk. Text ka kung nasaan ka, pupuntahan kita, " pagpapaalam ko kay Eli, at agad rin namang tumalikod.
Gaya nga niya, bumili narin ako ng mga regalo para sa family ko, at para na rin kay Eli.
Ramdam ko rin simula ng pagpunta namin dito ay may nakasunod at nagmamasid. Who the hell are you? At ano ang kailangan mo sa aming dalawa?
Alam kong kanina niya pa napapansin pagiging tahimik ko, may iniisip lang talaga ako. Di ko alam gagawin ko Aish!
Pero siguro ito na nga ang tamang oras...
SOMEONE'S POV:
Nang makita kong paalis na sila Dein, ay agad naman akong sumakay sa aking sasakyan at sumunod sa kanilang dalawa. Pero medyo malayo ang agwat ngaming sasakyan, dahil baka makahalata sila. At napansin ko rin na ang daan na na tinutungo namin ay papuntang Mall, ano naman gagawin nila dito?
Patuloy lamang ako sa pagsunod at pagmamasid sa kanilang dalawa.
Bakit parang lutang ata ang Baby Dein ko?
Maya maya umalis rin naman si Dein, pero hindi ko siya sinundan, patuloy parin ako sa pagmamasid dito kay Eli.
Nang mapansin kong tumingin siya dito sa banda ko agad naman akong nagtago.
" Sorry po, " sambit ko ng sa nadanggi ko.
Mukhang nakakahalata na ah, pero hindi ito magiging hadlang sa mga plano ko.
At sa pangalawang pagkakataon tumigin na naman siya at sa pangalawang pagkakataon rin nagtago na naman ako. Nakakapagod to ah.
Hindi kita hahayaan maging masaya Eli. Akin si Dein, para siya saakin at wala ng iba. Mine is mine alone.
---
The Story of how we met.

BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Dla nastolatkówHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...