Vote Comment.
ELI POV:
*tok* *tok*
"Ma'am may bisita po kayo," sabi nito
Sino naman ito? Wala naman akong inaasahang bisita o pupunta dito sa bahay e.
Kung sila Yue man ito magtetext o tatawag muna sila.
" Sino daw?"
" Dein daw po pangalan niya," Ang hinayupak. Ano naman naisipan non at pumunta dito?
" Sige, baba na ako, " sabi ko at inayos ko muna ang aking sarili at sinuot ko ang tsinelas ko na panloob at agad rin namang bumaba.
Nakita ko ang hinayupak na nakaupo sa isa sa mga sofa namin dito sa salas.
Naglakad ako palapit sakanya habang nakataas ang mga kilay.
" Ano ginagawa mo dito? Bakit mo naisipan pumunta dito? " sabi ko ng malapit ako sakanya.
" Chill, isa isa lang ang tanong. Yayayain sana kita sumama sa family gatherings namen" sabi nito at parang senyorito kung makaupo
Gash, family gatherings. Meaning to say kumpleto sila. Eto na ba ang meet the family? Choss. Kung ano ano iniisip mo Eli.
" So bakit ako ang naisipan mong yayain? " Sabi ko at umupo narin sa tabi niya
" Kasi hindi sila, " pamimilosopo nito kaya agad ko siyang hinataw sa kanyang mga braso.
Ang tigas, ano bayan! Aish.
" E basta wag ka na maraming tanong, sasama kaba o sasama ka? " tanong nito.
Gumawa pa ng pamimilian parehas lang din naman.
" O," sagot ko sakanya na may kasamang pagtaas ng kilay.
"Oblong," sabi pa nito, kaya mas lalo akong nairiga
" Bahala ka pumunta ka mag isa mo,"
" Sure ka? Di ka sasama? Okay hahanap nalang ako ng iba," sabi nito at handa ng tumayo.
" Oo na, oo na sasama na nga! " sabi ko at padabog na tumayo at agad nagtungo sa aking kwarto.
Bakit ka pumayag agad Eli? Ano na nangyayare sayo? Bakit ka ganyan? Umayos ka!
Bakit nasaktan ako bigla ng malaman ko na hahanap siya ng iba?
Erase! Erase! Erase! Napailing na lamang ako.
Inayusan ko naman ang aking sarili. Ayoko mag mukhang dugyot duh, family niya yon e.
Kinulot ko ang aking mga buhok, nilagyan ko ng make up ang aking mukha, yung sakto lang sinuot ko na ang aking dress at sandals.
Nang makita kong ayos na, kumpleto na, agad naman akong bumaba.
Makita ako ni Dein na pababa na agad naman siyang tumayo, para alalayan ako sa pagbaba.
"Grabe, ang ganda mo," sabi nito ng tuluyan na kaming makababa.
"What? " pagpapanggap ko na kunware hindi ko narinig, gash Dein.
"Wala, di ka na ba magpapaalam sa mga parents mo? " tanong pa nito kaya nginitian ko siya mapait.
" Di na, wala naman silang pakialam e, "
Inalalayan niya ako hanggang makarating kami sa kanyang sasakyan. As usual, sa front seat niya ako pinaupo.
" Saan ba ang venue? " tanong ng kaagad naman niya itong pinaandar.
" Isa sa mga resorts namin sa batangas," sabi pa nito habang nakatingin ng seryoso sa unahan, nag dadrive kasi siya e.
Kailangan niya mag ingat kasi kasama niya ako, kung hindi nako nako.
" Medyo malayo layo rin pala, "
" Yeah,"
Nangalikot na lamang ako sa aking cellphone. Buti nalang may onting games ako dito, so may pagkakaabalahan ako at para narin di ako maboring.
Sa mga ganitong bagay kasi, mabilis ako mabored hmp.
"Nagugutom kana ba?" tanong pa nito maya maya
" Hindi pa naman, " kahit na ang totoo e, kanina pa talaga ako nagugutom.
Hindi ako kumain bago umalis e.
" Wag kana mahiya, wala kanaman non. Tsaka makapal naman ang mukha mo diba? Kaya nasa back seat yung pagkain, kunin mona" kung hindi lang siya nagmamaneho, kanina ko pa yan pinaghahampas, epal talaga kahit kailan.
" Alam kong nagugutom kana, kaya go na," dugtong pa nito, alam naman pala magtatanong pa tss. Agad ko rin naman kinuha yung pagkain.
Ako na nga inalok, aangal pa ba ako?
" Ikaw, di ka ba kakain? " nakatanging tanong ko sakanya.
" Hinde, mamaya na, "
" Okay, " simpleng sagot ko ay binuksan ko na ang pagkain.
" Wow, hindi talaga namilit," aba gusto pala na pipilitin pa siya, bahala ka magutom dyan.
" Sabi mo mamaya na, madali naman akong kausap e, " sabi ko at kinagatan na ang burger.
" Dein! Dein Dein! " tawag ko sakanya at tumingin naman siya.
" Hmm," sabi ko habang iniinggit siya.
" Dein! Dein! Gusto mo? Ansarap oh, " pang aasar ko at nakita ko naman ang pagsimangot niya kaya naman natawa ako.
Ayun, naiinggit na ang kupal.
" Ang kulit mo, umayos ka Eli nag dadrive ako baka madisgrasya tayo, " sabi nito kaya agad rin naman akong tumahimik
Duh, ayoko pang mamatay. Magpapakasaya muna ako, bago ako mamatay no.
Sa sobrang tagal pa ng byahe, nagsalpak na muna ako ng earphones at nagpatugtog. Naisipan ko munang matulog, mukhang malayo layo pa naman e.
----
The Story of how we met
BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Teen FictionHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...