Chapter 27:

11 3 0
                                    

ELI POV:

Pasukan na naman! Nakakatamad na, parang ayoko na lang mag aral. Ayaw ko man kumilos pero kailangan, kung hindi malilintikan ako kay Dad baka mawalan pa ako ng allowance nito.

Tumayo ako at agad na nagtungo sa aking Banyo.

Inayusan ko ang aking sarili, binlower ko ang aking buhok.

" Ma'am naghihintay po si Sir Dein sa labas, " sabi ng isa sa mga kasambahay dito. Kilala na nila yan, paano banaman laging natambay dito kulang nalang dito na tumira.

Uumpisahan ko palang sana kumain ng breakfast e, kaya napagdesisyunan ko na ilagay na lamang ito sa lunch box at sa school na ito kainin.

Sinalubong naman agad ako ni Dein ng makita niyang palabas na ako ng bahay. Balak niya sanang kuhanin ang bag ko, kaso hindi ako pumayag.

Pinagbuksan niya na lamang ako ng pinto ng sasakyan at agad rin naman akong pumasok.

" Oh bakit nakasimangot yang mukha mo? " tanong niya at pinaandar rin naman ang sasakyan.

" Wag ka na maraming tanong diyan, magdrive ka nalang, " sabi ko at inirapan siya.

" Sungit, " bulong nito na narinig ko din naman. Wala akong oras para makipagtalo ngayon, tinatamad talaga ako bayan!

Makarating kami sa school ay agad naman kaming sinalubong nung dalawa.

" Hi Dein, Hi Eli, " bati nila saamin.

Si Dein lamang ang bumati pabalik, pati pagsasalita kinakatamaran ko na rin.

" O bakit nakasimagot yan? " Maya maya tanong ng madaldal na chismosa na si Ley.

" Ewan ko, yan nga din ang tanong ko kaso sinungitan lang ako, " kibit balikat na sagot nito.

" Nako Eli, bago bago rin. Bagong taon, bagong buhay " sabat naman ni Yue.

" Di uso saakin yon, tss," sabi ko at nauna ng maglakad sa kanila papunta sa aking classroom.

" Okay class, since na bagong taon na, baka gusto niyo ring magbagong buhay? " Isa pa ito. Akala ko ako lang ang tinatamad at walang gana, ganoon rin naman pala ang iba.

" Okay, okay. Napag usapan namin kanina sa office na magkakaroon tayo ng pageant, " bigla naman nabuhayan ang mga ito dahil sa narinig.

" So sino magiging representative niyo?" tanong pa nito.

" Sir si Kim! "

"Si ano po Sir si Rein! "

"Si Philip po! "

" Si Gia! "

" Isa isa lang pwede? Isa lang ako oh, madami kayo, mahina ang kalaban, " saway nito. Ayoko pa dumagdag sa ingay.

" Sir! " taas kamay ng isa sa mga kaklase ko.

" Yes? Volunteer mo sarili mo? "

" No po Sir! Si ano po sana si Coleen! " tawang sabi nito at nagtawanan din naman ang iba.

" Baka pag yan ang ipinanlaban natin,  baka matalo pa tayo, "

" Bakit ayan? Wala namang maibubuga yan, " lalo pa silang nagtawanan.

At kung naalala niyo si Coleen, ay yung nerd dito at bago lang den.

" Can you please just shut up? Kung wala rin naman kayong sasabihing maganda? " taas kilay na sabi ko sakanila dahilan para tumahimik sila, tumigil sa pagtawa at ang iba naman ay inirapan ako.

" Sir! Kung si Eli nalang po kaya! " sigaw ng kung sino mang kupal na yon

" Oo nga po sir! Siya nalang," nagsisisi tuloy ako bat sumabat pa ako.

" Okay okay, I'm agree. Sige si Eli na, how about boys? " pagsang ayon at pagtatanong naman nito.

Wow, hindi man lang kinuha sagot ko kung papayag ba ako o hindi.

" Sir ako nalang! Kung si Eli rin naman ang makakapartner, "

" Hindi po sir ako nalang! Mas bagay kaming dalawa,"

" No sir, ako po mas may chemistry po kami! " kanya kanya silang volunteer sa kanilang sarili.

Parang mga bata naman ang mga ito kung umasta.

Nagulat naman ako ng biglang nagtaas ng kamay at tumayo si Dein.

" I volunteer myself Sir, " ika nito na kinagulat naman ng iba habang ako walang reaksyon.

" Magbotohan nalang tayo. Kung sino ang mananalo siya na ang magiging partner ni Eli,"sabi nito at nilista sa blackboard ang listahan ng mga lalaki na nagvolunteer isa na rito ay si Dein.

" Kitang kita naman na ang pinakamaraming boto sa inyo ay si Dein. So ang magiging representative niyo ay si Eli at si Dein, " mabuti nayon, kesa naman sa iba na, kadiri di naman marunong mag ayos ng mga sarili.

Matapos ang pilian at botohan na naganap, natapos na rin naman ang klase.

" Bakit mo naisipan na ivolunteer sarili mo? " tanong ko kay Dein habang naglalakad kami dito sa Hallway.

" Kasi gusto ko, tsaka di ako papayag na makapartner mo yung ibang lalaki, " sagot naman nito na dahilan ng pag iling ko.

" Sino representative sa section niyo? " Ley questioned ng magkita kita kami dito sa cafeteria. Nilabas ko naman ang baon kong sandwich.

" Kami, " simpleng sagot ni Dein na ikinagulat nila. Oa ah.

" Himala pumayag ka Eli, " sabi pa ni Yue.

" Hindi ako pumayag, sila ang pumayag magkaiba yon. Tsama hindi man lang nila kinuha sagot ko kung papayag ba ako o hindi, " nakakabwiset talaga. Wala naman kasi akong hilig sa mga ganyan e.

Mas gugustuhin ko pang gumala at matulog kesa sa mga ganyan.

"Anyway, kailan niyo balak bumili ng susuotin? " tanging pagkibit balikat lamang ang naisagot naming dalawa.
Di pa naman kasi namin napaguusapan at napagpaplanuhan yan.

-----
The Story of how we met.

The Story of how we met (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon