Vote. Comment.
ELI POV:
" Girlfriend mo? " tanong ng mom niya, na ikinabigla ko.
Nakita ko naman na patawa tawa dito si Dein sa aking tabi. Kaya naman agad ko siyang kinurot sa kanyang tagiliran at tinaasan ko pa siya ng kilay.
" Mom, ayan magiging girlfriend ko? Asa, " sabi nito at di mapigilang tumawa.
" Nako hindi po, hindi po," sabi ko na may kasamang pag iling.
" Sa sama ng ugali niyan? Asa, " sabay naming sagot kaya napatingin kami sa isa't isa.
" Alam niyo, bagay kayong dalawa. May chemistry, " sambit pa nito at nakatingin saamin.
" Yaks, " at sa pangalawang pagkakataon, nagkasabay na naman kami.
Narinig naming tumawa ang mom niya kaya napatingin ako sakanya.
Gash, bakit pati pagtawa niya ang ganda? Anong meron sayo?
" See? Nagkakasundo kayo. Oh btw Dein, isayaw mo naman si Eli, sa gandang niyan? Dapat sinasayaw yan, " mababakas sa kanyang pananalita ang pang aasar
" Ayoko mom, " sagot nito na akala mong tamad na tamad kung magsalita.
" Okay, ikaw bahala. Paghanap mo ako andoon lang ako, kasama dad mo, excuse me, " pagkasabi nito ay agad naman rin siyang umalis at bumalik naman ako sa pagkakaupo.
Nakakangalay yun ah.
Kakaupo ko palang ng makita ko na tumayo si Dein, at pumunta sa aking tabi at inoffer ang kanyang kamay.
" Gagawin ko dyan? " tanong ko sakanya kahit alam ko na naman ang ibig sabihin non.
" Aish slow mo talaga. Let's dance? " wala sana akong balak kuhanin ang kanyang mga kamay, kaso pagtingin ko sa paligid ang daming nakatingin kaya naman sa huli pumayag narin ako, baka mapahiya pa ang hinayupak.
Hawak hawak niya ang aking mga kamay at nagtungo kami sa gitna kung saan maraming nagsasayaw.
Gaya nung ginawa niya sa Prom, nilagay niya ang isang kamay niya sa isa kong bewang at ang isa naman ay sa aking balikat, ganoon rin naman ang akin.
Nakatingin lamang ako sa malayo, habang siya ay nakatitig saakin. Gad, naiilang ako.
May mga magasawa, mag jowa, na nagsasayaw din dito.
" Tinitingin tingin mo dyan? " taas kilay kong tanong sakanya at tinignan naman siya.
" Masama ba? "
" Di naman lalo na kung ang titignan mo ang isang maganda na gaya ko, " i smirked.
" Kapal mo talaga, ang hangin din. Ilugar mo naman kahanginan mo, "
" Saan mo gusto ko ilugar? Sa baguio? Sa manila? Saan? "
" Aish, ewan ko sayo," sabi pa nito na may kasamang iling at napatawa na lamang ako.
Di namin namalayan na kami nalang dalawa ang nagsasayaw kaya naman agad akong nahiya.
Mukhang naramdaman din naman ito ni Dein, kaya niyaya na niya ako pabalik sa pwesto namin.
" Dein," tawag sa kanya.
" Hmm? "
" Doon na muna ako sa tabing dagat, gusto ko lang magpalamig, "
" Samahan na kita, " tanging tango na lamang ang nasabi ko, at nauna na sakanya. Sumunod rin naman agad siya.
Pagkarating doon, agad naman akong umupo at nilagay ang aking ulo sa tuhod ko.
Wala nakong pake kung madumihan ang suot kong dress, gabi naman kaya ayos lang.
Ang tahimik, ansarap ng ihip ng hangin.
Tumabi naman saakin si Dein, na may dala ng alak. Di ko alam kung saan kinuha yan ng hinayupak, wala nakong pakialam don.
Inabot niya ito, kaya agad ko namang kinuha at binuksan ito.
This is what i need, a liquor.
Gusto ko muna kalimutan yung problema ko sa pamilya ko.
Alam kong ilang araw na rin ang nakalipas, pero hanggang ngayon di ko parin makalimutan iyon.
Sana bata nalang ulit ako, sana. Sa pagsambit ko nito sa aking isipan, kasabay nito ang pagtulo ng aking mga luha.
Kung sa iba mga lovelife nila ang inaatupag o pinoproblema nila, saakin pamilya ko.
Para sa iba maliit na bagay lang ito, pero para saakin hindi ah.
Isa akong babae na nanghihingi ng atensyon ng mga magulang.
Isa akong babae na simple lamang ang kahilingan, ay yun ay ang bumalik kami sa Dati.
When i was a child, buong atensyon nila na saakin.
Kami yung tipo na pamilya na hinihiling ng iba.
*Flashback*
" Hey Dad and mom, look what i did! "patalon talon na sabi ko.
" Wow goodjob baby, " sabi ni mom na may ngiti sa mga labi.
" Dahil sa ginawa mo, pupunta tayonv Mall lets celebrate it, " dahil sa sinabi ni Dad agad naman akong napangiti at nagtatalon sa tuwa.
--
" Hey baby, look what mommy bought you, "
" Wow mom, ang ganda! Bagay talaga saakin yan. Yay! Thank you mom, " napayakap nalamang ako sa kanya sa tuwa.
--
" Mom! I got 5 stars, "
" Wow, ang galing naman talaga. So proud of you, "
*End*
Niyakap naman agad ako ni Dein na ikinagulat ko. Hindi nako umangal.
Mas lalo akong napahagulgol.
Sa dami nang pwede ko isipin at problemahin, bakit pamilya ko pa?
Sila yung inaasahan ko na hindi ako sasaktan, pero nagkamali ako sila pa pa pala ang mangunguna.
Ilang beses na nila nakong pinaiyak, pero lahat nang iyon wala silang alam.
Ilang beses ko na hiniling na sana bumalik na.
----
The Story of how we met

BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Teen FictionHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...