Chapter 5:

17 7 0
                                    

Vote. Comment.

ELI POV:

"Manang, wala pa ba sila mommy?" tanong ko ng pagkarating ko dito sa bahay.

"Wala pa po maam"

"Dipa ba umuuwi simula pa kanina?" Tss.
"Di papo maam e" Magdamag na naman sila sa trabaho, bakit hindi pa ba ako nasanay? Lagi na naman silang ganyan. Lalo lang lumalayo ang loob ko sakanila.

Since wala naman sila i decided na pumunta nalang sa Bar. Di naman nila malalaman ito kung walang magsusumbong and wala na ren naman silang pakialam saakin.

Nagsuot na lamang ako ng Red dress at sandals, at agad na nagpahatid sa driver.

"Manong, wag mong sasabihin kanila mommy na pumunta ulit ako, kung gusto mo pa magkaroon ng trabaho. Naiintindihan mo bako?" taas kilay na sabi ko sakanya.

"Yes po maam"

"Good. Now, you can leave. Wag mo nako sunduin, uuwi ako magisa" saad ko at agad na tumalikod at nag simula na pumasok sa loob.

"ID ma'am" harang saakin ng isang bouncer bago ako tuluyan makapasok. Agad ko naman itong binigay, at agad ren naman nila akong pinapasok.

Gumamit ako ng fake ID. Remember, I'm just 17 years old. Bawal pa ko dito, pero hinde yun sapat na dahilan para hindi ako pumunta dito. What i want, is what I get.

Agad akong humanap ng table at nagorder ng maiinom.

"Waiter! 5 bottles of tequila" order ko at nang dumating na ito, sinimulan ko na.

Medyo may tama naren ako ng biglang may lumapit na isang lalaki dito sa table ko at inaya ako sumayaw. Di nako nagdalawang isip at agad ng sumama sakanya.

Nagtungo kami sa dancefloor at nagsimula ng sumayaw. Sumasabay sa beat ng tugtog ang aking bewang, giling dito giling doon. Wala nakong pakialam sa mga nadadanggi ko.

Maya-maya may naramdaman akong kamay na naglalakbay na papunta sa dibdib ko

"Bastos" sambit ko at agad ng lumayo at sinampal siya. Pagkatapos ko ito gawen sakanya, agad akong tumalikod at nagsimula ng maglakad palayo sakanya.

Ganito man akong babae, pero di mawawala ang respeto ko sa sarili ko.

"Miss! Miss!" sumunod pala ang hinayupak na ito.

"Can you please Leave me alone?!! " may halong pagkairita sa boses ko ngunit patuloy paren siya sa pagsunod.

Hinila niya ang kamay ko papalapit sakanya dahilan ng lalong pagkairita ko.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!"

"No, you're mine" may halong diin ang pagkakasabi nito at nakatitig pa sa mga mata ko.

"Walang sayo! Kaya pede ba bitiwan mo nako?!" Nang hindi niya ito ginawa, ginamit ko ang iba kong natutunan  sa pagtaekwando at agad siyang sinipa sa pagkalalaki niya, dahilan ng pamimilipit niya sa sakit.

"Ayan ang nababagay sayo. Mama mo mine, manyakol" at agad akong umalis pagkasabi ko nito sakanya

Buti nalang pinag aral nila ako ng taekwando when i was 13 years old, then natigil na kase umayaw na din ako. Pinagaral nila ako non bilang self defense daw, good to know nagamit ko siya ngayon.

Nang may makita akong taxi agad ko itong pinara, tumigil den naman ito sa harapan ko.

" Leinborg Village " sabi ko ng makasakay ako. Agad naman  niya itong pinaandar.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, at tanaw ko dito sa loob ang mga masayang pamilya na sabay sabay kumakain, mga nagtatawan. Napangiti nalang ako ng mapait dito, sana ako den. Kailan ko kaya mararanasan yung ganiyang kasaya? Kailan kaya kami magkakasama ng buo ng walang inaatupag na business? Kailan kaya?

"Ma'am andito napo tayo" di ko namalayan, sa lalim ng iniisip ko.

"Eto po bayad ko. Keep the change" pagkabigay ko agad akong bumaba.

Since may bodyguard na nakabantay dito sa labas ng bahay namen, dahan dahan nalang akong umakyat dito sa bakod. Di naman siya ganoong kataas kaya medyo madali naren ito. Natuto lang ako nito noong mga panahon na gusto ko sila takasan at pagtaguan.

Nang makababa ako, dumaan ako sa likod at binuksan ng dahan dahan ang pinto. Tumingin muna ako sa paligid para siguraduhin na walang tao. Mapansin kong wala, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko

Nang makapasok ako, humiga muna ako saglit para magpahinga. Napagdesisyunan ko ren naman bumangon para maglinis ng katawan at agad ren naman akong nagbihis ng pantulog, kung iisipin andaming nangyare ngayong araw nakakapagod. Imbes na marelax ako, lalo lang akong naiistress.

-----
The Story of how we met

A/N: Wala po akong alam sa mga alak, tequila lang po ang alam ko kaya yun na lang ang nilagay ko hehe.

The Story of how we met (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon