Vote. Vote. Vote.
ELI POV:
Tahimik akong kumakain ngayon dito sa kusina, sa di inaasahang pagkakataon bigla kong nadanggi ang baso na nasa kanan ko.
Sabi nila pag daw may nabasag may masamang mangyayari, pero hindi naman ako naniniwala dito. Mga pamahiin lamang iyan ng mga matatanda tss.
Tinawag ko ang isa sa mga kasambahay dito para ipalinis yan at pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
Pagkatapos nito, nagtungo ako sa kusina para manood sana ng bigla akong may matanggap na tawag galing kay ate Mail, kaya agad ko rin naman itong sinagot baka importante ito.
" Oh Ate Mail napatawag ka? " sabi ko sakanya
" Kase Eli, ano... " narinig ko ang paghagulgol nito sa kabilang linya kaya agad naman akong nagtaka at the same time kinabahan.
Hindi naman kasi siya iiyak ng walang dahilan at kung walang nangyare
" Kase what Ate Mail? "
" Nandito kami ngayon sa hospital, " sagot nito at mapaghahalataan mo sa boses na umiiyak parin hanggang ngayon.
" Why Ate? Ano nangyari? " gad! Natataranta na ako, bigla kasi akong kinabahan na ewan, ayoko ng mga ganitong senaryo e.
" Naaksidente sila Tito at Tita, " sambit nito. Bigla naman akong napatigil ng marinig ko ito, kasabay nito ang pagbagsak ng aking mga luha.
" St. Joseph---" di ko na ito pinatapos sa pagsasalita at agad ko rin naman itong pinatay, alam ko na rin naman yang hospital na yan.
Agad ko naman tinawag ang driver, tutal di rin naman ako marunong magdrive, at agad sinabi kung saan kami pupunta.
Hindi ako mapakali dahil sa nalaman ko. Mom, Dad..
" Manong pakibilis naman oh, please, " mapaluha luha na sabi ko.
Para saakin eto na ang pinaka matagal na byahe.
" Ate Mail, asaan sila? " salubong ko ng makarating naman agad kami at tinuro niya naman agad ito. Emergency room, agad akong tumakbo papunta roon.
Nakita ko naman agad ang itsura nila Mom and Dad, kaya mas lalo akong napaiyak.
Dumating naman sila Ate at Kuya, tanging yakap lamang ang tanging nagawa nila saakin.
" Mom, Dad, please lumaban kayo... " sabi ko habang nakayakap kay kuya habang umiiyak.
" Mom, Dad, please.. Sorry sa mga nagawa ko. Lumaban naman kayo please oh... "
Nang marinig kong bumukas ang pinto ng Emergency room, at lumabas ang doctor agad naman akong lumapit dito.
" Doc, ano po nangyare? Nakaligtas naman sila diba? Nakasurvive naman sila diba?! Diba?! " sabi ko habang patuloy sa pagtulo ang aking mga luha.
" Ginawa napo namin ang lahat ng aming makakaya, but sad to say di sila nakasurvie" nginitian kami ng malungkot nito.
" Akala ko ba magagaling doctor dito?! Bakit hindi niyo nailigtas?! Bakit?! Mom.. Dad... " Napaluhod at napahagugol na sambit ko. Lumapit naman saakin si kuya, ganoon rin naman si ate Mail.
" Shhh, " sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.
" No kuya, hindi pa pwede! Subukan naten sa ibang hospital kuya, gawin natin lahat para lamang makaligtas sila! Kuya please..." pagmamakaaawa ko. " Ate Mail pleaseee.. " sabi ko at tinignan siya tanging pagiling lamang ang naisagot nito. Puno ng iyakan ang maririnig mo dito.
Agad naman akong tumayo at patakbong lumapit kung saan nakahig ang mga bangkay nila Mom and Dad. Mas lalo akong napahagulgol.
" Mom, Dad, bumangon kayo diyan please. Sorry sa mga nagawa ko, babawi ako sainyo promise. Bumangon lang kayo dyan, mom, " niyakap ko ang kanilang mga bangkay.
Ansakit lang isipin na makita mong anlamig ng katawan ng mga magulang mo.
" Mom, Dad, iloveyouuu... "
Bigla na lamang ako nagising sa ingay ng paligid. Gad! Panaginip lang pala yon.
" Finally, gising ka narin Eli kanina ka pa namin ginigising pero ayaw mo magising, " sabi ni Ate Mail at nandito rin naman ang ibang kasambahay.
" Paano kayo nakapasok dito? " pagtatakhang tanong ko.
" Hiniram ko na ang isa sa mga susi, at binuksan ang iyong pinto. Napadaan ako dito sa kwarto mo kasi papunta narin naman ako sa guestroom ng marinig kitang naiyak, kaya noong una pinagsawalang bahala ko ito, kasi sabi ko baka nanonood kalang ng movie, " huminga siya ng malalim at agad nagpatuloy
" Nakakailang pabalik balik nako dito, pero naririnig padin kitang umiiyak, kaya agad naman akong kumantok pero ayaw mo buksN kaya doon ko na naisipan na hiramin yung susi since nakalock nga ito, at binuksan ang pinto, then nakita na kitang umiiyak. Ginising kita kaso ayaw mo naman magising, bubuhusan na nga sana kita ng malamig na tubig e, " bigla naman nanlaki ang mga mata ko dahil sa huling narinig ko at the same time natawa rin.
Gad! Bat ba kase ganon?! Ansama ng panaginip ko, hays.
" Nananaginip ka no? " tumango ako bilang sagot sakanya.
" Tungkol naman saan? " tanging ngiti lamang ang naibigay ko sakanya.
" O mukhang bad dream. Sige maiwan ka na namin dyan, " pagkasabi nito ay agad naman siyang tumayo at nanguna ng lumabas sumunod naman yung ibang yaya na nandito at agad rin naman nila itong sinarado.
Akala ko totoo na! Aish.
" Bakit maga ata yang mata mo? Umiyak ka ba?" tanong agad ni Ley ng makapasok ako kinabukasan.
" Obvious naman diba Ley? " sabat sakanya ni Yue, inirapan naman agad siya ni Ley. Tss.
----
The Story of how we met.

BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Novela JuvenilHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...