Chapter 20:

11 3 0
                                    

Vote. Comment.

ELI POV:

Di ako makatulogggg! Hanggang ngayon iniisip ko parin yun!

Gad, namamalikmata ka lang Eli okay? Wala yun. Gadddd Eli, matulog kana.

Tinignan ko ang alarm clock ko kung anong oras na. It's 2:30 am, may pasok pa ako.

Nagbilang na ako ng tupa sa isip ko, ginawa ko na lahat lahat, pero di pa rin ako makatulog.

Nag internet muna ako na baka sakaling dalawin na ako ng antok ngayon, at di nga ako nagkamali.

Aantok antok akong naglalakad ngayon papunta sa room ko. Gad, sino ba kasi nagiisip saakin?!

" Eli, oh ano nangyare sayo? " salubong saakin ni Ley at Yue.

" Di ako nakatulog ng ayos, " simpleng sagot ko sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad.

" Oh bakit na naman? Nag bar ka na naman ba? " usisa ng madaldal na si Ley.

" No, ewan ko ba, di ko rin alam, " ayoko sabihin sa kanila yung nangyare kahapon, kung ano yung napansin ko.

Mag aalala at maghihigpit na naman yang dalawa na yan.

Kaya minsan may mga bagay na hindi ko pinapaalam sakanila, gaya na lamang ng minsan kong pagpunta sa bar dahil alam ko pipigilan lang nila ako.

Pabagsak akong umupobsa aking upuan, at tinungo ang aking ulo.

Antok na antok na talaga ako, bakit kase ngayon lang dumalaw itong antok na to.

Narinig ko naman bumati na si Sir Lumpia, pero wala nakong paki doon. Ganoon rin naman talaga ako sakanila, kaya dapat na silang masanay.

Di ko pinapansin yung mga nasa paligid ko gusto ko ngayon ay matulog.

Papikit pikit na ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na nga itong pumikit.

----
DEIN POV:

Mula dito sa aking upuan nakita kong papikit pikit ang walang iba kung hindi si Eli.

Parang ano ang itsura, di malaan kung ano, habang ako nagpipigil ng tawa dito.

At tuluyan na ngang nakatulog. Puyat na naman ang dragon.

Dumating na si Sir at mukhang nakita niya nga ito, pero hindi na rin niya pinansin. Takot pala ang isang to e.

Nagklase na at nagkaroon nga kami ng performance at pagkatapos nito nagkaroon rin kami ng quizzes. Pero ni isa sa mga yan walang nagawa si Eli, paano tutulog tulog.

Ang ingay na nga dito sa classroom hindi parin nagigising hays.

Matapos na ang klase agad naman akong lumapit para gisingin ito.

" Eli, tapos na ang class, " sabi ko tinapik tapik ang kanyang braso. Ayaw magising.

Ginawa ko na ang lahat ng posibleng gawin para magising ang isang tao, pero wala parin. Ang himbing ng tulog kaya naman may naisip na naman akong kalokohan para dito.

Sakto na pagtapos ko dumating naman ang second subject teacher namin.

Tumingin na muna ako sakanya, at patawa tawang bumalik sa aking pwesto.

Napailing na lamang ako, malalagot na naman ako sa dragon pag nagising ito.

---
ELI POV:

Nagising lang ako sa sigaw ni Ley.

Ansakit sa tenga nyeta

" Hinaan mo naman boses mo Ley, ansakit sa tenga hindi naman malayo kausap mo tss, " iritang irita ang boses ko.

" E paano banaman po kasi kanina ka pa namin ginigising, pero ayaw talaga kaya naisip ko sigawan ka, " tinignan ko ito at mukhang nagpipigil ng tawa.

" O ano nakakatawa sa ginawa mo? " taas kilay na sabi ko sakanya. Totoo naman ah, anong nakakatawa doon duh.

" Pfftt," at hindi na nga niya napigilan tumawa, at nakita ko pati narin si Yue. Agad naman akong nagtaka, ano ba kasi ang nakakatawa?!

" Tinatawa tawa niyo dyan? " naiinis na ako! Ayaw kasi nila sagutin tanungin ko, kanina pako nagtatanong e!

" E kasi naman, " sabi ni Yue sabay turo sa aking mukha at nagkaroon naman agad ako ng clue doon, kaya agad kong kinuha ang aking salamin sa bag.

" What the hell? " malutong na sabi ko, at mababahiran ito ng pagkagulat.

" Sino gumawa nito?!! " galit na sabi ko.

Gad! Andaming pwedeng gawin, bat sa mukha ko pa?!

" Sinong hinayupak ang gumawa nito?! Wag niyo kong matawan tawanan dyang dalawa, " seryosong sabi ko kaya naman agad silang tumigil.

" Di ko alam, nakita ka nalang namin na may ganyan na sa mukha, "

" Ewan ko din," sagot nilang dalawa. Pakshet!!

Padabog akong tumayo at kinuha ang aking bag, sabay tungo sa cr naming mga girls. Mabuti nalang walang masyadong tao na rito.

Seryoso kong hinilamos ng maigi ang aking mukha, kuskos dito, kusokos doon. Kinuha ko narin ang reserbang towel ko sa bag at pinunas ito sa aking mukha.

Inis na inis parin ako hanggang ngayon, kaya di nakapagsalita ang dalawa.

Bwiset talaga, parang binurara na ang mukha ko hindi pala parang, burara na talaga.

Nilagyan lang naman ng color pen ang aking mukha, ginawa pa akong pusa at kung ano ano pinaglalagay.

Good to know hindi permanent pen ang ginamit. Nakakainis talaga, bwisit.

Biglang may pumasok sa aking isipan kung sino ang posibleng gumawa nito. 

Kung hindi sila Yue at Ley, siya lang naman ang kaclose ko dito at may lakas ng loob, bwiset talaga.

---
The Story of how we met.

The Story of how we met (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon