A/N: Wag niyo po lakdawan yung ibang chapter, kasi po may mga hindi kayo malalaman. Yay, yun lang, thanks. Keep safe!
ELI POV:
Busy ang mga tao dito sa bahay, may kanya kanyang pinagkakaabalahan, habang ako naman ay inaayos ko ang mga decorations dito.
Pinalibutan ko ang Christmas tree dito ng mga christmas lights. Sinalansan ko rin ang mga regalo na nakalagay dito, kasama narin yung akin.
"Hi Eli, Merry Christmas " bati saakin ni Ate Mail, kaya naman tinigil ko muna ang ginagawa ko at hinarap siya.
" Merry Christmas din Ate Mail, " nakangiting pabalik na bati ko sakanya.
" Ay oo nga pala Ate Mail, dito ka ba magcecelerbrate ng Christmas? " tanong ko pa sakanya.
" No, napadaan lang ako dito, " bigla naman akong nalungkot sa narinig ko. Although, ang bahay lang nila ay dyan lang di, malapit lang din dito. Nandyan na kasi mga parents niya e.
" Don't be sad, dyan lang naman bahay naman. Pwede ka pumunta doon if you want. Kung tinatamad kanaman, pede call. Sige na bye, " Pagkasambit nito ay agad rin naman siyang umalis kaya naman napagdesisyunan ko rin na bumalik sa ginagawa ko, kaso bigla rin namang tumawag si Yue.
" Oh? " sagot ko sakanya.
" Hmm mukhang busy ka ah, Btw Merry Christmas!" hyper na bati niya. Ano naman kaya ang nakain nito?
"Sa iyo den! Yay, pupunta ka ba dito? Dito ka ulit mag chichristmas? " Usually kasi dito siya nagchichristmas, pumapayag naman parents niya.
" Sad to say no, andito sila Grandma at Grandpa e kaya dito ako magcecelebrate. Osya bye na. Tumawag lang ako para batiin ka, bye" agad rin naman niyang pinatay ang tawag.
Sumunod naman na tawag ay si Ley, gaya ni Yue, bumati lang rin siya at hindi magcecelbrate dito.
Buong maghapon may isang tao akong hinihintay na tumawag, pero mukhang walang balak. Ayoko mag first move duh.
Inayos ko naman ang aking sarili dahil ilang oras na lang din naman. Walang magagawa kung maghihintay lamang ako ng maghihintay.
Nandito rin pala sila Kuya at Ate, oh Complete.
Maya-maya, ay nagsimula na rin naman kami magcountdown, nang biglang tumawag ang kanina ko pang hinihintay.
" Oh bakit ngayon ka lang tumawag? " aking sambit habang nakatingala sa mga langit.
" Miss mo na agad ako? " Napahalakhak naman siya sa sinabi niya habang ako naman ay napairap na lamang dito sa hangin. Yeah, miss ko na siya pero hindi ko sasabihin yun duh.
" Sorry na, may inaasikaso lang e. So sabay tayong magcount down? " pagtatanong niya kaya naman mabilis kong sinagot ito ng "oo".
"5," pagbibilang namin ng sabay.
"4,"
"3,"
"2,"
"1,"
"Merry Christmas Eli!" agaran naman niyang bati.
" Merry Christmas den Dein! " abot langit naman ang ngiti ko ngayon, kasi ngayon lang ito nangyare saakin.
Sabay-sabay kaming kumain nila Mom sa hapagkainan. Pinasabay na rin nila ang ibang kasambahay." Merry Christmas, Eli, " bati saakin ni Mom, tumayo naman siya at agaran akong niyakap. Kaya niyakap ko rin naman siya pabalik kasabay nito ang pagtulo ng aking luha. Pinunasan ko ito ng pasimple ng hindi nila mahalata. Simpleng bati lamang iyon, pero malaking bagay na saakin yon.
Ganoon rin naman sila Dad.
" This is my gift for you, from your poging Kuya! " Nag poging sign pa ito, kaya naman napatawa ako at ganoon rin naman sila. Ang hangin parin talaga walang pinagbago.
Inabot ko rin naman sakanila ang regalo ko, bigla naman akong may natanggap na text.
Fr: Hinayupak na Dein.
Andito ako sa labas niyo ngayon.Naisipan naman nitong hinayupak na ito? Nang mabasa ko ito ay agad rin naman akong lumabas para puntahan siya
" Mom, Dad si Dein po, " pagpapakilala ko ng makapasok sila dito.
" I know him, siya yung nagpaalam saakin na pupunta kayo noon sa Family gatherings niya and anak siya ng Business partner namin ng Mom mo, " sabi ni naman ni Dad at nginitian nito.
Woa, nginitian niya si Dein! Usually, hindi siya ngumingiti sa ibang tao kaya mukhang nakakatakot siya.
" Boyfriend mo ba Eli? Ayiee, may boyfriend na ang bunso namin, " pang aasar ni Kuya, tinignan ko naman siya ng masama.
" Ayos lang yan Little Sis, " sambit ni Ate at inakbayan ako.
Mapangasar talaga ang dalawang ito kahit kailan.
" Hay nako, ewan ko sainyong dalawa. Tara nga Dein, " agad rin naman kaming nagtungo sa veranda. Ayaw niya kumain, tapos na daw siya e.
Tinignan ko naman siya, para naman itong kiti-kiti at hindi mapakali.
" Hoy ano nangyare sayo? " tanong ko sakanya, ano na naman kay ito.
"Kaya mo yan Dein, " bulong niya sa sarili niya na narinig ko naman.
"Ahm Eli, eto pala regalo ko sayo, " inabot niya ito at ganoon rin naman ang akin, binigay ko din sakanya ang regalo ko.
" Ahm Eli, Siguro eto na rin ang tamang oras para sabihin ko sayo, " panimula niya kaya.
SOMEONE'S POV:
Tanaw ko mula dito sa aking pwesto sila Eli at Dein.
Nagabutan pa ng regalo ang dalawa.
Dapat para saakin yun! Yung regalo na inabot ni Dein! Saakin dapat yun hindi sayo Eli! Akin yun!
Gusto ko man lapitan na silang dalawa ngayon at sabunutan si Eli, pero hindi ko tinuloy. Pinipigilan ko ang sarili ko.
Nanggigil akong nakatanaw lamang dito, ininom ko ang alak na nandito saaking tabi.
Sulitin mo na ang nalalabi mong Araw, Eli. Napahalakhak naman ako sa isiping iyon.
----
The Story of how we met.

BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Teen FictionHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...