Vote. Comment.
YUE POV:
Hi pipols! Magandang umaga pero mas maganda pa ako sa umaga choss.
Mukha akong seryoso at mahinhin, pero pag kami lang ni Eli ang magkasama lumalabas yung kaingayan na taglay ko. Sakanya lang kasi ako naging komportable ng sobra e.
Nagiikot ikot lang ako ngayon dito sa field, ayoko muna magtungo sa room namin dahil maririnig ko na naman ang mga bunganga at ingay ng mga kaklase kong maaarte.
Nakita ko si Eli na naglalakad papilay pilay, kaya agad akong nagtaka.
Ano ba nangyare sa babaitang ito?
Agad ko naman itong nilapitan para tulungan.
" Oh Eli, ano nangyare sayo? " tanong ko at inalalayan siya. Nilagay ko ang isa niyang kamay sa aking mga balikat.
" Nadapa," simpleng sambit neto, pero mababakas sa kanyang mukha na nahihirapan na siyang maglalakad.
Sobrang sakit siguro nito, hindi naman siya magkakaganyan kung hinde e.
" Ano ba nangyare? " tanong ko habang patuloy parin sa paglalakad at habang inaalalayan siya.
" Tss,"
" Dalhin nalang kaya kita sa clinic, para mas magamot ng ayos yan? " pagaanyaya ko at tinignan ko siya.
" Wag na, nagamot na naman ito ni Dein e" sabi nito na lalo kong pinagtaka
"Si Dein? Ginamot yan? Bakit magkasama ba kayo nung nangyare yan? " tumango nalamang siya bilang sagot.
This past few days, pansin ko lagi na silang magkasama. Samantalang dati hindi magkasundo ang dalawang yan, kahit naman ngayon pero iba e.
Eli, ano na ba ang mayroon sainyo ni Dein? Gusto ko itanong yan, kaso mukhang hindi ngayon ang tamang oras para dyan. At ayoko mag jump sa conclusion.
----
ELI POV:
Naglalakad na ako ngayon, nang biglang dumating si Yue, at tinulungan niya ako.
Andami niyang tanong, pero simple lamang ang mga sinasagot ko. Wala akong oras para sumagot ng sumagot, ang hapdi pa talaga ng sugat ko.
" Kaya mo ba? " tanong ni Yue ng makarating kami sa classroom ko, tango nalang talaga ang naisasagot ko.
Nang papasok nako sa classroom namen, sabay dating naman ng hinayupak na si Dein.
" Ako na bahala sakanya Yue" sabi nito kay Yue kaya naman agad narin naman itong umalis.
" Masakit parin ba? " tanong nito habang alay alay ako.
Gash! Ano ba ako may sakit? Kung makaganito naman sila saakin.
" Tingin mo? Sayo kayo to mangyare tss, "
" Aga aga ang taray taray mo saakin, ang gandang bungad sa umaga, " may halong sarcasm na sabi niya
" Admit it or not, mas maganda pa ako sa umaga," Sabi ko ng malapit na kami marating sa inuupuan ko
" Hangin mo parin talaga, "
" Bakit natatangay kaba? Sa laki ng katawan mong yan, " sabi ko na may kasamang tawa at pang aasar.
" Kahit pala may sugat ka, nangaasar kaparen dagdagan kaya naten yan? " sabi nito at nang makarating kami sa upuan ko ay agad naman niya akong inalalayan
" E eto gusto mo? " sabay pakita ko sakanya ng aking kamao
" Hindi po, " sabay taas ng kanyang dalawa na para bang susuko na. Napailing na lamang ako.
Maya maya dumating narin naman ang aming guro at nagturo. Tahimik lang ako dito sa gilid, nasanay na din naman sila dyan.
Hindi ako nagpaparticipate sakanila, nakakatamad at amboring lang nila magturo.
Matapos ang aming klase niyaya ako ni Dein sa cafeteria para daw doon na mag lunch kaso ayaw ko, masyadong madaming tao doon baka madanggi pa sugat ko at magkaroon pako ng kaaway.
Sensitive ako sa mga ganyang bagay.
Kaya sa huli napag desisyunan nalang namin kumain dito sa garden.
" Oh ayan na pagkain mo, tas inumin mo naren yang gamot makakabuti daw yan sa sugat mo e" sabi nito at binigay nga saakin.Tahimik lang kaming kumakain at pagkatapos, pinagmasdan namin ang paligid.
Ang ganda tignan, ang ganda ng view parang ako lang.
" Oh weyt, dyan kalang" sambit ni Dein at tumayo. Nagtataka man tumango nalang ako.
Saan na naman kaya pupunta ang hinayupak nayon at iniwan na naman ako?
Dumating naman siya ng may dalang gitara na.
" Oh ano gagawin mo dyan?"
" Kakainin naten to Eli, kakainin" pamimilosopo nito kaya tinignan kk siya ng masama.
" Malamang tutogtog ano pa ba?" sabi pa nito at inayos na ang kanyang gitara.
Tinignan nito kung nasa tono ba.
Nang maayos na ang lahat, sinimulan na niya mag strum.
" Bakit ba ikaw ang naiiisip ko
at di na mawala wala pa~"
kanta nito habang nakatingin saakin at umiwas naman ako ng tingin.Gash ang ganda ng boses ni Dein.
" Alam mo Dein, mabilis ako mainlab sa mga magaganda boses" sabi ko at nakatingin sa malayo
" Oh chill Eli, alam kong maganda boses ko baka mainlab ka dyan"
" Ako maiinlab sayo ulol" sabi ko at tinignan siya, tawa nalamang ang nagawa nito.
Pero hindi naman impossible diba?
Pansin ko rin may iba akong nararamdaman pag kasama siya, no Eli, hindi mo siya gusto.
Sadyang masaya kalang pagkasama mo siya okay?
-----
The story of how we met
BINABASA MO ANG
The Story of how we met (Ongoing)
Novela JuvenilHer parents had no time for her, kung meron ay yun yung sermunan at ikumpara siya sa mga kapatid niya. They almost forget her. Naging pariwara na siya sa buhay. Nawalan na siya ng pake sa mga sasabihin sakanya. Sa kabila ng lahat ng yan, may isang...