Chapter 12

1.5K 99 27
                                    

“So kamusta ang magiging project mo Brandon?” ang tanong ng kanyang sinundan na kapatid na si Kiel. Isang taon lamang ang agwat ng edad nilang magkakapatid. Isang engineer din si Kiel at ito ang nabigyan ng pagkakataon na makapag tayo ng una nitong project sa probinsiya naman ng Batanes.
Tinungga muna niya ang laman ng kanyang beer mula sa lata, he ran his tongue on his lower lips bago siya sumagot.
“Next week na ang start, hinihintay ko na lang ang makakasama ko sa project” ang sagot niya.
“Sinong kasama mo? Sinong engineer ang napili mo?” ang tanong naman ng panganay sa kanila na si Cole na mataas na ang katungkulan sa kanilang firm, at halos karamihan sa mga projects ng firm ay hawak nito.
Sumandal si Brandon sa wooden backrest ng upuan nila sa kanilang lanai. Doon sila nagtipon ng kanyang mga kapatid para uminom ng kaunti. At pagkatapos niyun? Ay lalabas na siya para magkita – kita na silang magkakaibigan para sa umaatikabong inuman. That night, he planned to be wasted.
Umiling siya sa sinabi ng kapatid at tiningnan niya ito na nakataas ang kanyang mga kilay dito.
“Uhm, apprentice ang makakasama ko” ang sagot niya sa kanyang kapatid na ikinagulat ng kanyang mga kapatid.
“Apprentice?” ang gulat na tanong ng isa pa sa kapatid niya.
He pursed his lips and nodded with his one eyebrow raised.
“You mean you’ll have an apprentice and a partner engineer?” ang paninigurado na tanong naman ng kapatid niyang doctor na alam din ang mga tungkol sa projects nilang magkakapatid.
He sighed and shook his head, “no kuya, tanging apprentice lang ang makakasama ko sa gagawa ng project” ang giit niya sa kapatid.
“What? Why did daddy do that?” ang takang tanong ni Cole sa kanya.
“I don’t know” ang mabilis niyang sagot habang nakataas ang kanyang mga balikat at mga kamay kasabay ng mabilis niyang pag-iling.
“Hindi ba? Ang proposed model ng tulay mo ang itatayo sa Aurora para sa humanitarian project?” ang tanong ni Benj sa kanya ang kanyang sinundan.
“Yup” ang matipid na sagot niya pagkatapos ay tinungga niya ang laman ng kanyang beer sa lata.
“It only meant two things kung bakit apprentice lang ang ibinigay ni daddy sa iyo, it’s either, perfect ang plan mo or…. Gusto ka niyang pahirapan” ang saad ni Kiel.
“Do you think dad will  endanger the project? Kung hindi maayos ang plan tapos gusto lang niyang pahirapan si Brandon?” ang tanong ni Nixon ang doctor sa magkakapatid.
Sandali silang tumigil ng mula sa loob ng bahay ay naglakad palapit sa kanila si Cassie, bitbit nito ang isa pang ice pail na may laman na mga beer.
He took a glimpse at her girlfriend habang inilalapag nito ang ice pail sa ibabaw ng lamesa sa gitna ng kinauupuan nila. Napansin din niya na hindi lang siya ang napasulyap sa girlfriend . Kundi ang kuya niya na si Cole na biglang umiwas ng tingin nang mapansin nito na nakita niya na pinagmamasdan ng panganay na kapatid ang nobya.
He didn’t take offense, Cassie is really pretty, kaso napakapormal nito, at ni PDA ay ayaw much more ang sex. Magka- edad kasi sila nito at kaibigan ng kanyang mommy ang kapwa Doctor na daddy ni Cassie kaya naman, ibinuyo na siya ng kanyang mga magulang na ligawan si Cassie, kahit pa hindi niya talag tipo ang babaeng katulad ni Cassie.
“May kailangan pa ba kayo?” ang tanong ni Cassie sa kanila.
“OK na Cassie salamat” ang sabat ni Cole na muling tiningnan si Cassie at gumanti naman ng matipid na ngiti si Cassie sa kapatid.
“Kuya, bakit wala ka pang dinadalaw na girlfriend dito sa atin?” ang usisa ni Brandon sa kapatid na si Cole.
Nagkibit-balikat lang ito at tiningnan lang ang lata ng beer na hawak nito sa kamay bago ito sumagot.
“Baka hindi pa nagtatagpo ang landas namin ng babaeng para sa akin” ang sagot nito sa kanya na di man lang siya tiningnan.
“How about Nixon?” ang tanong naman ni Cole sa doctor nilang kapatid.
Umiling ito pagkatapos uminom ng beer, “I met someone, isang patient, she had a bone fracture sa kanyang arm, then after na maghilom nawalan ng pakiramdam yung veins ng arms niya, medyo natagalan bago bumalik sa normal ang pakiramdam niya” ang sagot ng doctor na kapatid habang nakangiti ito ng malungkot.
“So?” ang tanong ni Kiel, “what happened? Niligawan mo ba?” ang usisa ng kapatid niya.
Malungkot na ang ngiti ng kapatid na doctor nang sumagot ito, “may asawa na siya” ang sagot nito sa kanya.
“Ouch” ang sambit ni Brandon.
“Ikaw kailan ka naman magtitino?” ang mariin at seryoso na tanong ng panganay nilang kapatid.
“Si Kiel muna” ang giit niya sa kapatid.
Kiel snorted, “Brandon, I’m not like you, papalit-palit man ako ng girlfriend, wala naman akong side chicks” ang sagot ni Kiel sa kanya na pinaningkitan niya ng kanyang mga mata. Napasulyap siya sa kapatid at nakita niyang galit ito sa nakarinig.
“Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? I don’t think, Cassie deserved that” ang galit na sabi sa kanya ng kapatid,
“Really Kiel?” ang galit na sabi niya sa sinundan na kapatid kasunod ng pag-iling niya. In ubos niya ang laman ng lata ng beer at inilapag iyun sa ibabaw ng mesa.
“I’m going” ang sabi niya sa mga iyun sabay tayo niya, mas gusto pa niyang mag- clubbing na lang kaysa naman sa magisa na naman siya ng mga matitino niyang kapatid.
“Uuwi ka na?” ang tanong ng panganay na si Cole sa kanya.
“Yup, goodnight” ang sagot niya sa kapatid pero nakatalikod na siya rito habang naglalakad siyang papasok sa loob ng bahay para magpaaalam sa mga magulang at sa kanyang girlfriend at mga magulang nito.

“Happy birthday!” ang malakas na hiyawan ng kanyang mga kaibigan. Pagka-alis niya sa kanyang dinner party sa bahay ng mga magulang, ay tinawagan na niya ang mga kabarkada para tanungin kung nas club na ang mga ito. At nang malaman niyang naroon na nga ang mga iyun, at nagsisimula na ang kanyang celebration nang wala pa siya ay napailing na lang siya at mabilis niyang tinapos ang tawag at nagmaneho siya patungo sa club na may malapad na ngiti sa kanyang mga labi.
“Thanks mga pre! You’re the bests talaga” ang masayang sagot niya habang hawak ang bote ng beer. Halo-halo na ang mga alak na nasa ibabaw ng kanilang mesa, pero, hindi pa naman siya nalalasing. Nag-uumpisa pa lang ng gabi para sa kanilang magkakaibigan.
“kamusta naman ang dinner?” ang tanong sa kanya ng kaibigan and with the amused look that his friend was giving him? Alam na ng mga ito na hindi siya nag-enjoy.
“Honestly it was okey, masarap ang food at kwentuhan, kaso binasa na naman ni Kiel and Cole ang okey na sanang gabi.
“Oh let me guess, nasermunan ka sa pagiging PLAYBOY MO” ang natatawang sabat pa ng isa sa mga kabarkada niya.
“Yup” ang sagot niya sabay iling, “kaya nga nakaka-dalawang lata pa lang ako ng beer, umeskapo na ako, baka mag-homily si righteous Cole sa araw pa naman ng birthday ko” ang dugtong pa niya at saka siya ngumisi.
“Hinay – hinay ka na kasi, bakit kasi di ka na lang maging busy sa girlfriend mo?” ang giit pa ng isang kaibigan niya na napahabol ng tingin sa isang grupo ng mga babae.
“Bakit di ka rin maging busy sa girlfriend mo?” ang sarkastikong sagot niya sa kaibigan na tinaasan pa niya kilay, at malakas na tawa lang ang isinagot sa kanya ng kaibigan sabay taas nila ng kanilang mga bote ng beer bilang pagsaludo.
At tulad ng nkagawian ay naging maingay at  masaya ang bonding nilang magkakaibigan. He really loves hanging out with them, pare-pareho sila ng level of thinking at walang paghuhusga sa kanila.
Muling tinunggani Brandon ang  laman ng bote sa kanyang bibig, at kunot noo niyang sinundan ng tingin ang kaibigan na kanina lang ay sabi sa kanya ay magtino na sa  kanyang girlfriend. Pero ang kaibigan na kasasabi lang nito sa kanya ay tumayo na at nakikipag-usap na sa isang babae sa kabilang lamesa nila.
Napasulyap siya sa grupo ng mga babae, at napansin niyang may pasimpleng sumusulyap sa  kanya. She’s very pretty, ang sabi ni Brandon sa sarili, pero ang mga mata niya ay nasa mga pisngi ng dibdib nito na litaw sa mababang neckline na suot nitong dress.
Hmm, he could have a little fun, ang sabi niya sa kanya ang sarili, maya-maya pa ay tumayo na ang mga babae, bitbit ang mga baso ng drinks ng mga ito at kasama ng kanyang kaibigan ay naglakad na ang mga ito papalapit sa kanilang lamesa.
“Guys, I meet some NEW friends” ang sabi ng kaibigan sa kanila na alam  na niya ang pakahulugan, its either may mga iuuwi na naman o may umaatikabong car sex na  magaganap sa parking.
“Hi welcome” ang masayang sabi ng mga kaibigan at siya naman ay tikom lang ang mga labi, while he eyed the beautiful woman standing infront of him.
“Mind if I sit next with you?” ang tanong nito sa kanya, na may boses na kasing init ng alak na iniinom nila.
“Of course not” ang nakangiting sagot niya, at umusog siya ng kaunti para bigyan ng space ang babaeng dumaan sa kanyang harapan sa pagitan niya at ng lamesa, kaya naman ang maumbok nitong pwet ay dumaan sa kanyang harapan.
“Birthday nga pala ng kaibigan ko!” ang masayang sabi ng kaibigan sa mga babaeng kasama na nila sa kanilang lamesa.
“Really?” Well Happy birthday!” ang sabi ng mga ito sa kanya.
The gorgeous woman, turned her head towards her and she smiled seductively at him.
“Happy birthday” ang mahina ngunit humahagod na boses ng babae nang batiin siya nito, at napakagat siya sa kanyang labi, magaling din kayang humagod ang babaeng ito? Ang sabi ng kanyang ma-L na isipan.
He sipped his beer, at kung anong pwersa ang humila ng kanyang paningin sa may bandang entrance ng club at halos ibuga niya ang beer na nasa kanyang bibig.
“Holy shit” ang bulong niya pagkapunas niya ng beer na tumulo sa kanyang labi. Hindi siya makapaniwala, nang matuon ang kanyang mga mata sa bandang entrada ng club.
Ang babaeng, naka-Chuck Taylor at sumapak sa kanya, ay parang modelo na lumabas sa isang high-end magazine.
Her waist length hair was styled in a tousled look, mukhang wala din itong masyadong nilagay na make-up, pero ang naka-agaw ng pansin sa mukha nito ay ang maganda nitong mga mata, that she did in a smokey eyed look. She was wearing a deep wine colored dress that hugged her beautiful body. At hindi niya namalayan na naglalaway na siya.
“Hey” ang sabi ng katabi niyang babae sa kanya, he felt her soft hands on his arm para kunin ang kanyang atensyon.
“Uh, yeah?” ang tanging sagot niya sa babaeng, kung kanina ay gandang – ganda siya, ng mga sandali na iyun, ay sa tingin na niya ay ang kapal ng kolorete sa mukha nito.
“I was asking for your name?” ang tanong nito  sa kanya.
“Uh Brad” ang matipid at wala sa isip  niyang sagot  dahil ang mga mata niya at atensyon niya ay nasa babaeng, naglalakad papalapit sa isang bakanteng lamesa. Matipid itong ngumiti sa lalaking nag-escort rito papasok.
Pinagmasdan niya ito habang iniinom ang kanyang beer, he looked at her as her beautiful eyes scanned the lists of drinks na nakapatong sa ibabaw ng lamesa nito.
May kasama kaya ito? Ang tanong ng kanyang isipan, at nagulat siya sa kanyang naisip, hindi na dapat niya isipin pa iyun, hindi ba? Pagkatapos siyang pagbantaan at sapakin nito? Ang giit ng kanyang isipan.
Lumapit na ang waiter sa kanya at itinuro niya sa listahan ang napili nitong drinks, at mukhang itinatanong pa nito kung ano ang nasa listahan, hmm, mukhang hindi pala-inom ito. Pero, paano ito pinapasok sa loob ng exclusive club na ito? Ang tanong niya sa kanyang sarili. Hindi ka pupwedeng makapasok sa loob kapag hindi ka member rito, at hindi nagpapasok ng mga writer or reporter sa loob ng club, mapadyaryo o sa television man, lalo pa yung mga sumusulat sa lifestyle section ng mga newspaper, kaya naman puro mga kilala na personality ang kasama nila sa loob, dahil sa safe ang image ng mga ito.
Kaya naman kung hindi ito patron ng club, paano nakapasok ito sa loob? At isa lang ang kasagutan sa tanong niya, may kasama ito na member ng club at nakalista ang pangalan nito sa mga guests.
So may ka-date ito, ang sabi niya sa sarili, habang patuloy pa rin siya sa pagtitig ng kanyang mga mata sa babaeng, muling pumukaw ng kanyang interest. He saw her ran her pink tongue on her lower lip, she looked a bit nervous at nagpalinga-linga ito na tila ba may hinahanap.
Nakita pa niya na tiningnan nito ang suot na relo, mukhang may hinihintay nga ito na katagpo. Ilang sandali pa ay dumating na ang inorder nitong drinks, kulay pink iyun at sa tingin niya ay Pink Lady na ladies drink, isa I yung gin based na hinaluan ng grenadine at egg white.
He watched how she thanked the waiter and gave him a timid smile. Then she held the glass and slowly lifted the cocktail glass into her pink lips at alam niya kung gaano kalambot iyun sa kanyang mga labi.
She gently sipped the pink colored drink and she bit her lip, hindi niya alam kung nagustuhan ba nito ang lasa, pero napansin niya na pagkatapos na tikman ang inumin ay inilapag nitong muli ang baso sa lamesa.
Muli nitong tiningnan ang relo, at lumingon-lingon at marahil dahil na rin sa kanyang mga tingin ay pumihit ang ulo nito sa kanyang direksyon, kaya naman nagtama ang kanilang mga paningin at nakita niyang nakilala rin siya nito, dahil sa nanlaki ang mga mata nito nang makita siya.
He drank his beer, then he stood up and walked his way towards her.


I Love U Bae-by (Rom-Com) [complete] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon